HSI-6

1905 Words
Anastasia Pov Nagising akong may tumatapik sa balikat ko. Pagmulat ko nang mata ay ang mukha ni Danielle ang bumungad sa akin. Bigla atang namilog ang mata ko nang mapansin kong ang lapit lang pala ng mukha namin sa isat-isa kaya hindi ko namalayang dumapo na pala ang palad ko sa kaliwang pisngi nito. "Aray.! Ano bang problema mo.? Bat mo'ko sinampal.?" Gulat na sabi nito habang sapo-sapo ang namumula nyang pisngi. "I--ikaw kasi.! Ba't mo inilapit ang mukha mo sa akin.?!" Sigaw ko sakanya at umayos ng upo. "Ginigising lang naman kita para ipaalam sayo na nandito na tayo. Kailangan talaga sampalin ako.?!" Inis nitong sigaw kaya agad na umarko ang kilay ko. "Sinisigawan mo ba ako huh Danielle.?!" Taas kilay kong tanong habang naka'cross arms. "Hindi ah. Sabi ko nga nagulat ka lang." Pilit itong ngumiti habang hawak-hawak ang pisngi nya na nasaktan. Inirapan ko lang ito saka lumabas na ng kotse. "Teka, how did you know na dito ang bahay namin.?" Taka kong tanong sa kanya habang papalapit sa gate namin. "GPS. Sinabi ni lola Beth kanina ang address nitong bahay nyo bago tayo umalis doon, at dahil sa mahimbing ang tulog mo ay ginamitan ko na lang ng GPS para makarating dito ng maayos at hindi ako magkanda-ligaw ligaw." Paliwanag nito. "Ok. May utak ka rin naman pala." Sagot ko na lamang at dumiretso na sa loob ng bahay, ramdam ko ang pagsunod nito sa likuran ko. "Baby.! You didn't tell me na ngayon pala ang uwi mo. So how's your little vacation sweetie.?" Nakangiting tanong sa akin ni Mom pagkapasok ko sa loob ng bahay. "Ok lang Mom." Sagot ko bago humalik sa pisngi nya. Pansin kong nabaling ang tingin nito sa kasama ko na nakangiti na naman ngayon sa amin. "Who is this beautiful lady Anastasia.?" Nakangiting tanong ni Mom at nilapitan ang huli. "She's Danielle, my new driver. Sya ang inirekomenda ni lola sa akin so I don't have a choice. Alam mo namang hindi ko sya mahindian." Sabi ko at kita kong napasimangot itong kasama ko pero agad din namang ngumiti kay Mom. "Hello po Mrs. Fox. I am Danielle Hartman at your service." Pakilala nito at ngumiti ng malapad showing her white perfect set of teeth. Fine.! She's cute. "Oh, it's finally meet you Danielle. Na'kwento kana ni Patrick sa amin ng Dada nya noong isang araw. Naging'OA nga ang reaksyon ng ama nila nang malamang may kinupkop si Mama na hindi nya kilala pero agad din namang kumalma ng ipinaliwanag ni Patrick. In fact, gusto ka nga nyang makilala." Nakangiting sabi ni Mom na ikinataas ng kilay ko. "I thought ayaw ni lola na ipagsabi ni kuya.?" "Kilala mo ang kapatid mong iyon iha, alam mo namang lagi iyong excited magkwento lalo na kapag gusto nya ang isang tao." Natatawang sagot ni Mom na ikina'ikot ng mata ko. Magsasalita na sana ako nang biglang may sumigaw sa likuran namin. And guess what.? It's my nosy brother. "Danielle.?! Woah.! Nice to see you again gender bender." Natatawang sabi ng madaldal kong kapatid bago niyakap si Danielle dahilan para umarko na naman ang kilay ko. Wait. Gender bender.? What the heck is that.?! "Anong gender bender.?" Takang tanong ni Mom. Tumawa lang si Patrick bago akbayan si Danielle na nagkakamot na ng kilay ngayon. "Oh, I forgot to tell you guys that this friend of mine is into girls.! Gender bender ang tawag ko sa kanya at ng ibang empleyado sa resort dahil marami na syang na'bend na babae." Natatawang sabi ni kuya Patrick dahilan para kumabog na naman itong leche kong puso. "You're a lesbian.?" Kunot noo kong tanong rito at tumango lang ito. "Bakit bunso.? May problema kaba sa kaibigan ko.?" Singit ni kuya habang nakataas ang kilay. Umaandar na naman ang pagiging bakla nito. Kidding.! "Sinabi ko bang meron.?" Mataray kong balik sa kanya. Akala nya huh.! "Tama na iyan.! Kayong dalawa talaga. Anyway iha, may girlfriend kana ba.? Imposible naman sigurong wala sa ganda mong iyan." Nangingiting tanong ni Mom. Remind me later guys na isa palang bolera ang ina ko. Tsk.! "Uh, wala nga po Mrs. Fox eh." Nagkakamot sa batok na sagot ni Danielle. Bigla atang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa narinig kong sagot mula sa kanya. Wait, what.?! The heck self.! Seriously.?! "Talaga.? Mabuti naman kung ganon. I mean, mabuti na iyang hindi ka nagmamadali iha. Marami ka pa namang makikilala rito, diba Anastasia.?" Tanong ni Mom na ipinagkibit balikat ko lamang. "I'll go upstairs Ma. Kayo na lang ang bahala sa kanya, may importante pa akong gagawin." Paalam ko sa mga ito at pumunta na sa aking kwarto. Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho habang itong kasama ko naman ay nakasunod lang sa akin. Pansin kong halos lahat ng empleyado ko ay nakatingin sa aming direksyon. Hindi ko lang sigurado kung ako ba ang tinitingnan ng mga ito o ang kasama ko na panay ngiti sa mga tao rito na nadadaanan namin habang papunta kami kung saan ang office ko. "Stop staring at us idiots.! Back to work.!" Mataray kong sigaw at mabilis pa sa kidlat ang mga ito na bumalik sa kanya-kanyang trabaho. Agad akong pumunta sa office ko at binalibag pasara ang pinto not minding na nakasunod pala sa likuran ko ang driver ko. Pagka'upo ko sa swivel chair ay sya ring pagbukas ulit ng pintuan at iniluwa roon si Danielle na hawak-hawak ang ilong. "Grabe ang sakit non.! Ba't mo sinara agad.? Alam mo namang nakasunod lang ako sayo eh." Pagrereklamo nito pero tinaasan ko lang sya ng kilay. "Don't tell me nagrereklamo ka.? O baka naman gusto mong may pumalit dyan sa trabaho mo.?" Sabi ko at nagsimula nang basahin ang iilang reports na naiwan ko these past three days. "Wala naman akong sinabi eh." Rinig kong sagot nito na ikinangiti ko ng palihim. "Good." Yun lang at nag'focus na ako sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pintuan at ang hyper na si Sierra ang pumasok. "Helloooooo best.! Kumusta kana.?" Masayang tanong nito at mukhang hindi pa ata nya napansin itong kasama ko na naka'upo sa pang isahang sofa sa gilid ng pintuan. "I'm fine Sie. How 'bout you.? How's your business trip in Germany.?" Tanong ko rito habang nakatuon parin ang tingin sa mga documents. "Ok lang din. Nakakuha ako ng mga bagong investors na pwedeng mag'invest sa company namin kaya worth it ang pag'stay ko roon ng isang linggo. Saka---oh my gosh.! Danielle.?!" Biglang sigaw nito dahilan para mag'angat ako ng tingin sa kanya. Umarko na naman ang kilay ko nang makita ko itong masayang niyayakap ang driver ko. Yung totoo.? Ano bang meron sa babaeng ito ba't ang dami atang natutuwa na makita sya.? "Wow.! Kumusta kana girl.? Saka anong ginagawa mo rito.? Nag'aaply kaba ng trabaho.? Wala kana ba sa resort.?" Sunod-sunod nitong tanong na ikina'ikot na lamang ng mata ko. Bagay nga sila ni Kuya Patrick, masyadong madadaldal. And ohh.! May utang pa ito sa akin.! Hindi nya sinabi ang tungkol kay Danielle, na kaibigan na pala nilang dalawa ni kuya when they stayed at the resort last month. "Uh, wala na po Ma'am Sierra. Saka ako ang bagong personal driver ni Ma'am Anastasia." Nahihiyang sagot nito dahil nakayakap parin sa kanya ngayon ang magaling kong kaibigan. "Ikaw talaga.! Sabi ko naman sayo Sierra na lang ang itawag mo sa akin, cut the ma'am word. Pero seryoso nagtatrabaho ka dito sa kaibigan ko.?" Hindi makapaniwalang tanong nito bago humiwalay kay Danielle at tumingin sa akin kaya tinaasan ko lang ito ng kilay. "Oo Si--Sierra." Nahihiyang sagot nitong driver ko that make my bestfriend giggle. "Ang cute mo. Pero baka magbago pa ang isip mo huh. Willing akong tanggapin ka sa company namin bilang secretary ko." Nakangiting sabi ng bruha kong kaibigan. Ang sarap talagang tirisin ng babaeng 'to minsan. "No.! She's mine.!" Sigaw ko kaya pareho silang napalingon sa gawi ko. Bigla ata akong nanlamig sa kinatatayuan ko ng ma'realize ko ang sinabi ko. Kunot noo namang nakatingin sa akin si Danielle samantalang ang bruha kong kaibigan ay nakangisi lang at pilyang tumingin sa akin. Holy moly.! Ano ba itong pinagsasabi ko.?!  'You have a boyfriend Anastasia for pete's sake.! Saka straight ka okay.?' Paalala ko sa aking sarili. "I---I mean, she's already my driver kaya humanap kana lang ng ibang tao na gagawin mong sekretarya mo." Nauutal kong sabi pero pansin ko ang natatawang reaksyon ni Sierra. "Tama si Ma'am Anastasia, pasensya na Sierra pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Nangako rin kasi ako kay lola Beth na hindi ko pababayaan ang apo nya." Sincere na sabi ni Danielle that makes my heart beat fast. Ramdam ko ang pag'iinit ng magkabila kong pisngi dahilan para tuluyan nang bumunghalit ng tawa ang bruha kong kaibigan. Kapag ako talaga napikon sa babaeng ito, sya ang ibabala ko sa canyon at ipapadala sa Iran. But who am I kidding.?! I love this b***h kahit pa loka-loka minsan. "Ok, I understand the both of you. Huwag na kayong magpakahirap magrason dyan especially you Anastasia." Natatawa pa ring sabi nito kaya pinaningkitan ko sya ng mata. Habang si Danielle naman ay naguguluhang nakatingin sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin Sierra.? Bakit.? May mali ba akong nasabi.?" Nagtatakang tanong nito pero umiling lang ang huli. "Hay naku Dani, wala ok.?" Nakangiting sagot ng kaibigan ko. Buti na lang medyo slow ang babaeng ito kaya hindi nya napansin ang pilyang ngiti ng maliit kong kaibigan. Magtatanong pa sana ako rito kung ano ang ginagawa nya dito sa office ko nang may kumatok sa labas ng pintuan at pumasok si Andrea na may dalang mga papeles. "Welcome back Miss Anastasia, ito pa po yung ibang documents na kailangan nyo ring pirmahan." Nakangiting sabi nito bago lumapit sa mesa ko at inilapag roon ang mga papel. Pero pansin ko ang pagtingin nito sa gawi ni Danielle. Maya-maya lang ay namumula na ang mukha nito nang ngitian sya ng driver ko. "Uh, sige po Miss, lalabas na po ako." Paalam nito na tinanguan ko lamang. Kumunot ang noo ko nang tumayo si Danielle at akma ng susunod sa sekretarya ko. "Saan ka pupunta.?" "Uh, magkakape lang sana ako dahil medyo inaantok ako. Saka ok lang bang magpasama ako sa kanya.? Baka kasi maligaw ako rito sa building nyo." Nahihiyang sabi nito habang nagkakamot na naman sa kanyang kilay. I think mannerism nya iyon lalo na kapag nahihiya ito. "No." Madiin kong sagot rito. "Huh.? Pero kasi ---" "I said no Danielle.! Dito ka lang at hayaan mong si Andrea na lang ang kumuha ng kape para sayo. Basta huwag kang aalis rito sa loob ng opisina ko." Mariin ko pa ring sagot sa kanya. "Um, ok lang ba sayo.? Miss.?" "Andrea Lagman. Iyan ang buo kong pangalan, and yes. I won't mind preparing your coffee." Nakangiting sagot nitong secretary ko na ikina'ikot na lamang ng mata ko. "Salamat Andrea. Um, ako naman si Danielle Hartman." Masayang pakilala ng driver ko. Iwan ko ba pero bigla na lamang uminit ang ulo ko. "Lumabas kana Miss Lagman. Dalhin mo na lang dito ang coffee nya." Seryoso kong sabi na agad nitong sinunod. Pansin ko na naman ang pagngisi sa akin ni Sierra. "What.?!" Mataray kong tanong sa kanya. "Nothing beshy." Natatawang sabi nito kaya inirapan ko na lamang sya. What the hell is happening to me, really.? Nakulam ba ako ng babaeng ito.?! ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD