"Ma'am Anastasia, pwede bang lumabas muna ako sandali.? May ano kasi--may bibilhin lang ako sa labas." Paalam ni Danielle sa kanyang boss na nakatuon lang ang atensyon sa mga documents na nasa mesa nito.
Naka'upo na naman kasi sya sa loob ng office nito habang nakatanga lang sa kanyang cellphone. Paano ba naman kasi ayaw sya nitong palabasin at hindi nya alam kung bakit. Ito na ata ang naging routine nya simula nung maging personal driver sya nito.
"Anong bibilhin mo.?" Taas kilay na tanong nito sa kanya nang mag'angat ito ng tingin.
"Bibili ako ng pagkain. Nagugutom kasi ako, hindi ako nakapag breakfast kanina." Sagot nya rito habang nagkakamot ng batok.
"Itinanong ko lang kung ano ang bibilhin mo, andami mo pang sinasabi." Anastasia snorted bago irapan si Danielle.
Hindi parin nawawala ang pagtataray nito sa dalaga na mukhang kinasanayan na rin ng huli sa ilang araw na nilang magkasama.
"So ano po.? Papayagan nyo po ba ako o hindi.?" Naiinip na tanong ni Danielle dahil talagang nagugutom na sya.
Nagmamadali kasi si Anastasia kanina kaya hindi na nya nakuha pang kumain. Isa pa, late na syang nagising dahil malapit na ring mag'umaga nang makatulog sya ulit.
Nagising kasi sya ng alas dos ng madaling araw dahil sa masamang panaginip at hindi agad sya nakatulog ulit dahil sa pag'iisip.
"Minamadali mo ba ako huh Danielle.? Baka nakalimutan mong ako ang boss sa ating dalawa. Ako ang amo mo kaya huwag mo akong mautus-utusan.!" Sigaw ni Anastasia dahilan para mapangiwi ang kaharap.
Wala na.! Umaandar na naman ang pagiging dragon nito.
"Nagtatanong lang naman eh." Pagmamaktol ng dalaga at tahimik nang umupo sa sofa na naging tambayan na nya sa loob ng office ni Anastasia.
"Stop whining.! Hindi kana bata.! Para kang abnormal tingnan dyan." Pang'aasar pa nito sa huli na mas lalong ikinasimangot nito.
This past few days ay nagugustuhan nyang asarin at pag'tripan si Danielle. Gusto nyang makita lagi ang naaasar at nakasimangot nitong mukha since palagi lang itong nakangiti sa kanya at sa mga taong nakapalibot sa kanila. Hindi nya alam kung anong meron sa huli pero pakiramdam nya kasi ay yun lang ang paraan para mawala ang pagod nya dahil sa tambak na trabaho araw-araw.
Simula din nang maging personal driver nya ito ay parang nakakalimutan nyang may boyfriend pa pala sya. Kung hindi pa tatawag si Jeremy sa kanya ay hindi pa nya maaalala na buhay pa pala ito. Madalas kasi noon sya ang tumatawag rito kaya naninibago sya sa kanyang sarili ngayon kung bakit tinatamad syang tawagan ang kanyang boyfriend. Pati nga pag'text rito ay halos hindi na rin nya magawa dahilan para pagsimulan ito ng kanilang pagtatalo kagaya na lamang noong nakaraang linggo.
Pero ang mas lalo nyang ipinagtaka ay parang wala lang iyon sa kanya, pati yung inis na nararamdaman nya nung first anniversary nila dahil hindi ito sumama sa Batangas ay parang bigla na lang din nawala sa kanyang isipan.
"Ma'am ayos lang po ba kayo.? Baka naman nagugutom ka rin po, sabihin mo lang para mabilhan din kita ng pagkain." Pukaw ni Danielle sa pag'iisip nya habang nakangiti na naman ito ng malapad.
"Um, wag na. Sige na umalis kana." Seryosong sagot ni Anastasia na agad namang sinunod ng huli dahil baka magbago pa ang isip nito.
Parang bumalik sya sa realidad nang marinig ang boses ng kaharap. Ipinilig na lamang nya ang kanyang ulo para iwaksi ang nasa isipan nya. Baka nagkakaganito lang sya dahil hindi na sila madalas nagkikita ng kanyang nobyo lalo pa't busy rin ito sa sariling kompanya.
Samantalang sa kabilang banda naman ay masayang lumabas ng building si Danielle. Excited syang kumain lalo pa't pakiramdam nya ay kanina pa nag'iingay ang kanyang sikmura dahil sa gutom.
"Ano ba 'yan.! Ang mamahal naman ng mga pagkain rito." Pagmamaktol ni Danielle habang papalabas sa isang restaurant.
Pang lima na ata ang restaurant na ito na napasukan nya and still hindi nya parin nagustuhan. Bukod kasi sa ang mamahal ng order ay parang hindi pa ata sya mabubusog.
Malayo-layo na rin sya mula sa building ng kanyang boss pero hindi pa rin sya sumusuko sa paghahanap ng makakainan hanggang sa tumapat sa isang carenderia ang kanyang mga paa. Agad syang pumasok rito at sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng bulalo na bago pang luto, mukhang mas lalo lang atang kumalam ang kanyang sikmura ng matingnan ang mga pagkain na ibinibenta roon.
Hindi na sya nagdalawang-isip at nag'order na sya ng kanyang kakainin. Nang mailapag sa kanyang harapan ang kanyang inorder ay agad nya itong nilantakan.
Pero habang kumakain sya ay ramdam nyang may nakatitig sa kanya kaya agad nyang iginala ang kanyang paningin sa paligid pero wala naman syang nakitang kahina-hinalang tao. Ipinag'kibit balikat na lamang nya iyon at maganang kumain. Kailangan nyang bilisan ang pagnguya baka bugahan sya ng apoy mamaya ng kanyang boss kapag nagtagal pa sya rito.
Pagkatapos nyang kumain ay agad na syang nagbayad at umalis. Pero bigla na lamang syang napailing nang makalapit sya sa isang kotse na naka'park sa gilid ng kalsada.
Paano ba naman kasi may magkasintahan ang naglalampungan sa loob na ganito katirik ang araw. Hindi pa naman masyadong tinted ang salamin ng kotse kaya makikita mo talaga ang ginagawa nilang himala sa loob kapag nakatayo ka malapit sa kotse.
"Hi Danielle. Saan ka galing.?" Nakangiting tanong sa kanya ni Andrea na bigla na lamang sumulpot sa tabi nya habang naglalakad sya papunta sa office ni Anastasia. Mukhang doon rin ang punta nito dahil may dala na naman itong mga papeles.
"Ah ano, kumain ako sa labas." Nakangiti nyang sagot rito.
Ayaw nyang maging bastos sa babaeng katabi dahil mabait ito sa kanya. Ewan nga ba sa boss nya kung bakit mabigat ang loob nito sa dalaga gayong wala naman itong ginagawang masama. Kapag nakikita kasi nitong nag'uusap sila ni Andrea ay pansin nya agad ang pagkunot ng noo nito at bigla na lang magtataray at sisigawan ang katabi nyang babae ngayon.
"Bat hindi ka nag'agahan sa bahay nila Miss Fox.? Naku.! Hindi maganda iyang nagpapalipas ka ng gutom." Nag'aalalang sabi nito.
Sasagot pa lamang sana sya nang biglang bumukas ang pintuan ng office ni Anastasia at iniluwa roon ang seryosong mukha ng kanilang boss.
"Akala ko ba lalabas ka para kumain.?" Taas kilay na tanong nito at naka'cross arms na ngayon.
"Oo nga po. Kagagaling ko nga lang sa labas eh." Sagot ni Danielle at pansin nya ang mas lalong pagtaas ng kilay nito.
"Talaga lang huh." Mataray na sabi ni Anastasia bago bumalik sa kanyang upuan.
Papalabas na sana kasi ito sa kanyang office dahil pinapunta sya ni Abi sa accounting department. Hindi nya inaasahan na mabubungaran nya ang dalawa na masayang nag'uusap.
Parang bigla atang nag'init ang ulo nya sa nakita at any time ay sasabog sya. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw na ayaw nyang napapalapit ang kanyang driver kay Andrea. Gusto nyang sabunutan ang sekretarya pero pinigilan nya ang sarili dahil wala naman syang sapat na dahilan para gawin iyon.
Isa pa maayos namang nagtatrabaho ang huli, in fact ito lang ang secretary nya na nagtagal sa kanya. Ang mga nagdaang apat na secretary nya ay dalawang buwan lang ang tinatagal, samantalang ito ay lagpas isang taon nang naninilbihan sa kanya kahit pa minsan ay napapansin nyang natatakot ito sa kanya lalo na kapag nagagalit sya.
"Anong kailangan mo Ms. Lagman.?" Mataray na tanong ni Anastasia sa kanyang sexytary.
Maganda naman kasi talaga ito at pamatay rin ang hubog ng katawan kaya marami ding nagkakagusto na mga kapwa empleyado rito, ewan nya lang kay Danielle kung isa ito sa mga humahanga sa dalaga.
"Uh, ito na po yung hinihingi nyong files ni Mr. Romero, Miss." Magalang na sagot ng sekretarya.
"Ilagay mo lang dito sa table ko and you can leave." Malamig na sabi ni Anastasia habang inaabala ang sarili sa pagtipa ng keyboard sa computer nito.
Sinunod naman ni Andrea ang sinabi ng amo at ngumiti muna kay Danielle bago ito tuluyang lumabas ng office. Ginantihan din naman ito ng ngiti ng huli at hindi yun nakaligtas sa paningin ni Anastasia na ang sama na ng tingin kay Danielle---na nagtataka na ngayong tumitig sa kanya nang mapalingon ito sa gawi nya.
Buti na lamang ay may isang pangahas ang biglang pumasok sa office ng amo nya kaya nakahinga sya ng maluwag. Para na kasi syang papatayin ni Anastasia sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa kanya, kulang na nga lang eh maghukay sya ng sarili nyang libingan.
"Beshy.!" Sigaw ni Carmela pagkapasok nito sa office ng kaibigan.
"Pwede bang huwag kang sumigaw.? Ang ingay mo.!"
"Ang sungit naman.! Oh hi Danielle.!" Hyper na namang sabi nito at bumeso sa huli dahilan para umarko ang kilay ni Anastasia.
Kilala na kasi lahat ng mga kaibigan nya ang kanyang driver, si Abi na kasama nila sa iisang building ay dumadalas na ang pagpunta sa office ng kaibigan para makipag'usap kay Danielle na minsan ay ikina'iinis na ni Anastasia lalo na kapag nag'uusap ang mga ito na para bang wala sya sa harapan ng mga ito.
Si Carmela naman na sinabihan lang ni Sierra ay paminsan-minsan na ding bumibisita sa kanya na dati naman ay hindi nito ginagawa. Katulad na lamang ngayon, bigla-bigla na lamang sumusulpot sa kanyang office pero wala naman itong gagawin doon kundi ang kulitin ng kulitin ang driver nya na nakikipagsabayan naman sa baliw nyang kaibigan.
"Anong kailangan mo at napasugod ka rito.?" Mataray na tanong ni Anastasia sa kaibigan na nakakapit na ngayon sa braso ni Danielle.
"Yayayain ko lang kayong mag'bar mamaya. Matagal-tagal na ring nong huling labas nating magkakaibigan." Nakangiting sagot ni Carmela at walang pag'aalinlangang sumandal sa balikat ng katabi.
Hindi naman nagreklamo ang huli dahil alam nyang palakaibigan lang talaga ang kaibigan ng kanyang amo. Kaya lang iba ang nakikita ni Anastasia at gusto na nyang hatakin ang kaibigan palayo sa kanyang driver pero pinigilan nya ang kanyang sarili.
While on the other hand, ay palihim na natatawa si Carmela dahil sa nakikita nyang reaksyon ng kaibigan. May pakiramdam silang tatlo nina Abi at Sierra na may gusto si Anastasia sa personal driver nito, pero nungka kong aaminin ito ng kaibigan. In denial queen pa naman ito.
"Uso ang tawag Carmela Lee.! Nag'abala kapang pumunta rito para lang sabihin 'yan kung pwede mo naman akong tawagan sa cellphone o di kaya'y e'text man lang." Naka'roll eyes na sabi ni Anastasia.
"Well, gusto ko rin naman talagang makita si Danielle kaya pumunta na lang din ako rito. Saka gusto ko sanang isama mo sya mamaya para masaya." Nakangiting sagot ng kaibigan na hindi nagustuhan ni Anastasia.
"Huwag ako ang sabihan mo kundi sya. Malay ko ba kung gusto nyang pumunta sa mga ganung lugar." Inis na sabi ng dalaga at inirapan ang kaibigan na tinawanan lang ng huli.
"Ok. So Danielle dear, ok lang ba sayo na sumama sa amin mamaya.?" Pagpapa'cute ni Carmela na mas lalong ikina'ikot ng mata ni Anastasia.
"Um, ok lang naman sa akin. Pero hindi ako iinom ah. Sasamahan ko lang si Ma'am Anastasia. Magmamaneho pa ako ng kotse pauwi kaya bawal akong uminom." Malumanay na sabi ni Danielle na ikinangiti ng palihim ng kanyang masungit na amo.
"Aww, ang sweet. Anyway, aalis na ako. See 'ya later gals.!" Nakangiting paalam ni Carmela pero agad ding ngumisi ng palihim nang mapansin ang namumulang mukha ni Anastasia.
'Gotcha.!' Sabi nito sa isipan bago tuluyang lumabas ng office ng kaibigan na may pilyang ngiti sa kanyang labi.
_____