HSI-8

1804 Words
"Beshy, sabi ko tayo lang magkakaibigan ang magba'bar kasama si Danielle. Pero wala naman ata akong maalala na sinabi kong isama mo iyang boyfriend mo." May inis na sabi ni Carmela pagkarating ni Anastasia sa loob ng bar na lagi nilang pinupuntahan. Nauna na kasing nagpunta ang mga kaibigan nya. Pati si Danielle ay pina'una din nya at binigay lang ang address ng bar dahil si Jeremy ang maghahatid sa kanya. Gusto rin kasi ng nobyo nya na sumama sa gimik nilang magbabarkada. Hindi na nga nya sana ito isasama dahil alam nyang hindi iyon magugustuhan ng kanyang mga kaibigan pero nagpumilit ito at nagtampo pa sa kanya dahil ilang araw na din silang walang oras sa isa't-isa. "Carmela kahit ngayon lang, pwede bang makisama kayo sa kanya.? Walang ginagawang masama ang tao sa inyo." Pabulong na sabi ni Anastasia sa kaibigan habang pinipigilan ang sarili na huwag magtaray dahil baka marinig sila ng kanyang nobyo na nasa gilid lang nya at masayang nagmamasid sa paligid. "Whatever.! Tsk." Inis pa ring sabi ng huli at umupo na lamang ulit sa tabi ni Danielle na kanina pa nakamasid ng palihim sa nobyo ng kanyang boss. "Ba't pamilyar ang mukha nya.? Saan ko nga ba nakita ang lalaking ito.? Hm." Danielle thought while holding her chin na para bang malalim ang iniisip. "Oh, may bago pala kayong kaibigan babe.?" Nakangiting tanong ni Jeremy nang maka'upo na sila. Nakatingin ito kay Danielle na mukhang walang paki'alam sa kanya. "Uh, no. She's my new personal driver." Walang ganang sagot ni Anastasia pero agad ding sumingit si Carmela. "Si Anastasia lang ang boss nya, pero kaming tatlo ay kaibigan nya." May pagmamalaking sabi ni Carmela at kumapit pa sa braso ng dalaga. "Ahh. I see." Nangingiting sabi ng binata habang nakapulupot na ngayon ang braso sa bewang ni Anastasia dahilan para mapatingin roon si Danielle pero agad ding nagbawi ng tingin. Inabala na lamang nya ang kanyang sarili sa pakikipag'usap kay Carmela dahil ayaw nyang mapansin ng kanyang amo na kanina pa sya nakatingin sa mga ito, lalo pa't nasa harapan nya lang ang magkasintahan dahil pa'ikot ang kanilang mesa. "Babe huwag kang masyadong uminom, ok.?" Rinig nyang sabi ni Anastasia sa nobyo at pansin nya ang pag'ikot ng mata ni Carmela. Marahil ay ayaw nito sa lalaki para sa kanyang kaibigan. "Sure babe." Sagot ng binata at mas lalo pang dumikit sa dalaga na parang linta. Humalik pa ito sa pisngi ng babae dahilan para mapahigpit ang pagkakahawak ni Danielle sa kanyang cellphone. Kahit naman kasi hindi nya tingnan ang mga ito ay kita nya parin ang ginagawa ng mga ito sa kanyang peripheral vision. Nayayamot sya dahil doon at hindi nya alam kung bakit. "Ayaw mo ba talagang uminom Dani.?" Tanong ni Sierra sa kanya at pansin nyang medyo tipsy na ito. Paano ba naman kasi, puro hard alcohol ang inorder ng mga ito. Pati nga si Abi ay pansin nyang medyo tinamaan na rin ng iniinom nito. "Hindi talaga pwede eh. Hindi ko kasi ugaling uminom kung alam kung magmamaneho ako." Nakangiting sagot ni Danielle kaya hindi mapigilan ni Sierra na kurutin ang magkabilang pisngi nito dahil naku'cutan sya rito. "Iba ka talaga Dani. Kaya maraming nagkakagusto sayo eh." Natatawang saad ni Sierra bago sumandal sa kaliwang balikat nito. Samantalang si Carmela naman ay nakasandal sa kanang balikat ni Danielle kaya ang siste ay pinag'gigitnaan sya ng dalawang nagagandahang dilag. "Safety first ika nga ng iba." Natatawa lamang na sagot nya rito at hindi pinansin ang huling sinabi ng dalaga. Samantalang nagsisimula namang mainis si Anastasia sa kanyang nobyo nang bigla nitong hipuin ang kanyang binti na medyo na'exposed dahil sa suot nyang maikling skirt. "Stop it Jeremy." Madiin nyang saway rito pero hindi parin tumitigil ang huli. "Let's go to my unit babe. Namimiss na kita masyado." Bulong nito sa kanya at sinadya talaga nitong idikit ang labi nito sa kanyang tainga na hindi nya nagustuhan. Marahas nyang kinuha ang kamay nito sa kanyang binti na nasa ilalim ng mesa. "Uh, excuse me guys. O'order lang muna ako ng juice, medyo nauuhaw kasi ako." Rinig nyang paalam ni Danielle bago tumayo sa upuan habang nakasunod lang ang tingin ni Anastasia sa kanya na hindi pinansin ang sinabi ng nobyo. She may be had a lot of flings before pero kailanman ay hindi nya ibinigay ang kanyang sarili sa mga ito, kahit pa kay Jeremy na isang taon na nyang naging kasintahan. Tingin nya kasi may kulang at pakiramdam nya ay pagsisisihan nya iyon kapag ipinaubaya nya ang kanyang sarili sa lalaking katabi nya ngayon. "Sino yung babaeng kausap ni Danielle.? Kilala ba nya iyon.?" Takang tanong ni Abigail na ikinakunot ng noo ni Anastasia. Agad syang lumingon sa kanilang likuran at pansin nya nga ang masinsinang pag'uusap ni Danielle kasama ang isang matangkad ngunit magandang babae. Meanwhile "It's nice to see you again Elle." Nakangiting sabi ng babae sa dalaga pagkalapit nito sa may bar counter kung saan umiinom ng juice si Danielle. "Uh, kilala ba kita.?" Nagtatakang tanong ng huli at pansin nya ang pagkagulat sa magandang mukha ng babae pero agad din namang ngumiti sa kanya ng matamis. 'Ang ganda-ganda naman nya.' Nasabi na lamang ni Danielle sa kanyang isipan habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga. "So tama pala ang sinabi ni Hailey na may temporary amnesia ka. Anyway, I'm Caroline Gray. Let's just say, I am one of your close friends Elle." Nakangiting sabi ng babae. "Elle.?" Nagtatakang tanong nya sa babae dahil iyon din ang palaging tawag sa kanya ng kaibigan nya sa resort na si Renzo. "Yeah, iyan ang tawag namin sayo." "I see. Kung ganun kilalang-kilala mo pala ako. Um, pwede mo bang sabihin sa akin kung saan ako nakatira.? O kung hinahanap ba ako ng mga magulang ko. May alam ka rin ba kung bakit sa dagat ako nakita nang taong pansamantalang nagkupkop sa akin.?" Sunod-sunod na tanong ni Danielle dahilan para mapangiti ang kaharap. 'I like this side of her. Isang madaldal na Danielle at hindi iyong lagi naming nakikita na expression nya.' The lady thought habang nakatitig sa mukha ng kaharap. "Yes, I know kung saan ka nakatira pero hindi ko pwedeng sabihin sayo kung saan. Hintayin mo na lang na bumalik ang alaala mo dahil sigurado naman akong babalik ka roon dahil wala ka namang choice-- katulad ko." Natatawang saad ng babae bago nagpatuloy sa pagsasalita. "And about naman sa second question mo, actually wala kanang mga magulang katulad ko at ni Hailey pati ng iba pa nating kasamahan sa, uh nevermind. Anyway sa huling tanong mo naman, iyan ang hindi ko masasagot. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang eksaktong nangyari sayo nang araw na iyon. Bigla kana lang nawala at pinapahanap ka parin ng mga elders hanggang ngayon, buti na nga lang si Hailey ang unang nakakita sayo. Kaya ito lang ang masasabi ko Elle, mag'iingat ka dahil baka gamitin ng mga elders ang pagkakaroon mo ng amnesia para mas mapalawak ang kanilang kapangyarihan." Litanya nito at pansin nyang pasimpleng iginagala ng babae ang paningin sa loob ng bar. Pero ang pinoproblema nya ngayon ay wala syang maintindihan sa mga sinasabi nito. "Anong ibig mong sabihin.? Sinong mga elders ang tinutukoy mo.?" Kunot nyang tanong rito pero ngumiti lang ang babae. "You'll know it very soon hun. Pagsikapan mo munang ibalik ang mga alaala mo. See you around baby, and oh here's my calling card. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka pang itanong sa akin." Nakangiting sabi ni Caroline bago sya nito halikan malapit sa labi dahilan para ma'estatwa sya sa kanyang kinatatayuan. Natatawa namang umalis ang babae sa harapan nya. Paglingon nya ulit sa daan na tinahak nito ay wala na ito roon. "Ang bilis naman." Wala sa sarili nyang sabi. "Bakit.? Gusto mo pa bang makipag'lampungan sa babaeng yun, hah Danielle.?!" Rinig nyang sigaw ng isang tinig sa kanyang likuran dahilan para agad syang mapalingon roon. Ang galit na mukha ni Anastasia ang bumungad sa kanya. "Ikaw pala ma'am. Sige po babalik na ako sa mga kasama natin." Wala sa sariling sabi ni Danielle nang makita ang facial expression ng kanyang boss. Para kasing may usok nang lumalabas sa tainga at ilong nito. Kulang na lang ay bugahan sya nito ng apoy. 'Ano na naman bang ginawa ko.?' Tanong ni Danielle sa sarili habang papalapit sa table kung nasaan ang mga kasama nila. Sumunod namang dumating sa pwesto nila ang nakabusangot na mukha ni Anastasia na galit pa ring nakatingin sa kanya. "Uuwi na ako." Seryosong sabi nito at tumayo na naman ulit. "Masyado pang maaga babe, sigurado ka bang uuwi na tayo.?" Tanong ni Jeremy sa kasintahan na hindi maipinta ang mukha. "Ako lang ang uuwi. Kung gusto mo maiwan kana lang dito." "No, ihahatid kita pauwi." Tutol ng lalaki pero agad syang pinigilan ng huli. "No need. Nandito ang driver ko at sya ang maghahatid sa akin pauwi. Right Danielle.?" Mariing tanong ni Anastasia at seryosong tumitig sa huli na hindi maiwasang 'di kabahan dahil sa seryosong mukha ng kanyang boss. "Yes Ma'am." Magalang na sagot ni Danielle at sinundan na ang kanyang amo na papalabas na ng bar. Iniwan nilang nakaawang ang labi ng nobyo ni Anastasia na ikinangisi naman ng tatlo nitong kaibigan. Wala silang imikan habang nagmamaneho na si Danielle pauwi sa mansyon ng pamilyang Fox. Hindi nya alam kung ano ang dahilan ng pagtahimik ng kanyang amo. Samantalang sya ay iniisip pa rin ang sinabi nong babaeng nasa bar na nagpakilala sa kanya bilang isa sa mga malalapit nyang kaibigan. Hindi nya makuha kung ano ba talaga ang ibig nitong sabihin saka sino naman iyong Hailey na sinasabi nito.? Isa rin ba ito sa mga kaibigan nya.? "Focus on the road Danielle.! Stop thinking about that girl. Hinalikan ka lang hindi kana mapakali dyan." Naiinis na sabi ni Anastasia mula sa backseat. Hindi na lamang nya pinansin ang sinabi nito lalo pa't gulong-gulo pa ngayon ang isip nya. Wala syang panahon na makipagsabayan sa katarayan nito. "So ganon.? Hindi kana makapagsalita dyan dahil sa nangyari kanina.?" Mataray na namang sabi ni Anastasia na hindi na naman nya pinansin hanggang sa makapasok sila sa loob ng bakuran ng bahay nito. Agad syang lumabas ng kotse at pinagbuksan ito ng pintuan pero inirapan lang sya nito at padabog na bumaba ng sasakyan. Pero hindi nya inasahan ang susunod na gagawin nito. Siniko lang naman sya nito ng napakalakas sa kanyang tyan dahilan para mapa'ubo sya ng mahina. "Buti nga sayo.!" Inis nitong sigaw sa kanya bago ito nag'martsa papasok sa loob ng bahay. Naiwan syang nakatulala roon habang hawak hawak ang kanyang tyan. 'Ano bang nangyayari sa babaeng yun.? Anak ng.! Ang sadista pala nya.!' Sigaw ni Danielle sa kanyang isipan at napapailing na lamang dahil sa ginawa ng kanyang boss. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD