HSI-9

1916 Words
"Aminin mo nga Danielle, may gusto kaba sa kaibigan namin.?" Tanong ni Carmela kay Danielle na nabigla sa sinabi nya. Nandito na naman kasi ang mga ito sa office ni Anastasia at kinukulit na naman ng magpinsan ang driver ng kanilang kaibigan. Palibhasa kasi ay nasa Finance department office pa ang dalagang Fox kaya kung ano-anong kalokohan ang naiisip ng dalawa. Kapag kasama kasi nila si Anastasia ay hindi na nila masyadong nakukulit si Danielle dahil kung nakakamatay lang ang tingin ay matagal nang pinaglamayang ang magpinsang Carmela at Sierra. "Ano pong pinagsasabi nyo.? Eh boss ko yun eh." Naiiling na sagot ni Danielle sa dalawa. "Ano naman ngayon.? Hindi yun ang itinanong namin. Sige na.! Sagutin mo na kasi Dani." Pangungulit ni Sierra habang niyuyugyog ang braso ni Danielle. "Wala naman akong aaminin eh." Nagkakamot sa kilay na sagot ng huli. "Asus.! Sabihin mo na kasi." Pangungulit naman ni Carmela at sinusundot sundot pa ang tagiliran ng dalaga dahilan para matawa ito ng bahagya. "Te--teka.! Oo na.!" Natatawang sagot ni Danielle na syang narinig ni Anastasia mula sa labas ng pintuan. Kunot noo syang nakahawak sa doorknob para buksan na sana ang pintuan ng kanyang office nang magtanong ulit si Sierra kaya hindi muna nya itinuloy ang pagpasok dahil naku'curious sya sa pinag'uusapan ng mga ito. "So totoo nga.? May gusto ka nga kay Anastasia.?" Rinig nyang tanong ni Sierra mula sa labas ng office nya dahil malapit lang naman sa pintuan nag'uusap ang mga ito. "Uh, oo. Siguro. Wala naman kasi sigurong tao na hindi nagkakagusto kay Ma'am Anastasia diba.?" Sagot ni Danielle dahilan para bumilis na naman ang kabog ng kanyang dibdib. Para syang tumakbo ng ilang milya dahil sa bilis ng t***k ng kanyang puso dahilan para mapahawak sya sa kanyang dibdib. Hindi nya inaasahan na iyon ang isasagot ng kanyang driver at hindi nya maintindihan ang kanyang sarili dahil parang nagdiwang ata ang kanyang kaloob-looban dahil sa narinig na sagot mula rito. Hindi na nya hinintay na magsalita pa ulit ang mga kaibigan nya dahil agad na nyang binuksan ang pintuan kaya gulat na napatingin ang mga ito sa direksyon nya. "Anong nangyari sa inyo.? Para kayong nakakita ng multo dyan." Kunway tanong nya sa mga ito, hindi sya nagpahalatang narinig nya ang pinag'usapan ng mga ito. "Uh, wala ma'am." Sagot sa kanya ni Danielle na halatang kinakabahan. "Hm, Ok." Sabi na lamang ng dalaga at nilagpasan na ang mga ito. Hangga't maaari ay ayaw nyang mapatitig sa mata ni Danielle dahil bigla-bigla na lamang kakabog ng malakas ang kanyang dibdib simula ng marinig nya ang sagot nito sa tanong ng kanyang mga baliw na kaibigan. "Uh, sige beshy. Aalis na kami." Paalam ng magpinsan at papalabas na sana ito ng opisina ni Anastasia nang pigilan sila ni Danielle. "Te--teka.! Aalis na kayo.? Ang bilis naman." Pigil ng dalaga sa mga ito na ikinataas ng kilay ni Anastasia . "Marami pa kasi kaming gagawin sa office eh. Sa susunod na lang ulit Dani. Bye beshy.!" Sabi ng mga ito at mabilis pa sa kidlat na nawala sa paningin ng dalawa. Nanghihina namang napa'upo si Danielle sa sofa at parang hindi mapakali na napansin naman ni Anastasia kaya palihim itong napangiti. "Danielle.?" Tawag nya rito at kita nya kung paano nabigla ang huli at napa'upo pa ng tuwid. "Bakit po Ma'am.?" Kinakabahang tanong ng dalaga at hindi ito makatingin sa kanya ng diretso kaya kunti na lamang ay hahagalpak na sya ng tawa dahil sa hitsura nito. "Ano ang pinag'usapan nyo nina Sierra.?" Tanong na naman ni Anastasia kaya mas lalong hindi mapakali ang huli. "Po.? Uh, wala ma'am. Anong lang, mga walang kwentang bagay lang naman po." Sagot nito at pilit na ngumiti sa kaharap. "Hm, ok." Sabi na lamang ng dalaga at ibinalik ulit sa mga paper works ang kanyang atensyon. Hanggang sa maka'uwi sila ng bahay ay hindi na nya narinig na nagsalita si Danielle. Buong araw itong walang imik simula nang umalis ang kanyang mga kaibigan sa office. Pero pansin nya ang lalong pagtahimik nito nang may tumawag sa cellphone nito kanina, hindi nga lang nya narinig ang pinag'usapan nito at ng caller. Hindi na rin naman sya nagtanong rito dahil ayaw nyang masabihan na paki'alamera. Boss lang sya nito kaya hindi sya dapat nangingi'alam sa kung ano mang problema ng kanyang empleyado. "Ma'am Anastasia kakain na po." Sabi ng isang kasambahay nila mula sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto. "Bababa na." Sagot nya rito at pinatay muna ang kanyang laptop. Pagbaba nya ay nakahanda na ang mga pagkain sa mesa at kumpleto na rin ang kanyang pamilya pero pansin nyang may kulang. "Aling Bebang, nasaan po si Danielle.?" Nagtatakang tanong ni Anastasia sa kanilang mayordoma. Kasabay na kasi nila itong kumain lagi dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Pati ata ang ama nya napaamo ng dalaga dahil nang makilala ito ng kanyang ama ay kulang na lang ampunin ng mga ito si Danielle. Nawiwili kasi ang mga ito sa masayang aura ng dalaga at pagiging positibo ng pananaw nito sa buhay. They even offer her a job sa loob ng kompanya pero tinanggihan ito ng huli, kahit nga ang pagsabay sa mga ito na kumain sa hapag'kainan ay tinanggihan rin ni Danielle pero wala na rin naman itong nagawa nang gamitan sya ng acting skills ng ilaw ng tahanan na si Amanda Fox. "Ay naku nak.! May pinuntahan ang batang yun, nagpaalam sya sa akin kanina pagkarating nyo rito sa bahay na lalabas daw muna sya dahil may pupuntahan sya." Sagot ni Amanda sa tanong ng anak sa kanilang mayordoma. "Ganun po ba. Nagdala ba sya ng sasakyan.?" "Hindi 'nak, magco'commute na lang daw sya." "Ok." Kunot noo paring sagot ni Anastasia. "Kumusta naman ang kompanya 'nak.?" Tanong sa kanya ng kanyang ama habang kumakain sila. "Maayos naman dad." Maikling sagot ni Jade. Pakiramdam nya nawalan sya ng ganang kumain. Hindi nya alam kung bakit. "Mabuti naman kung ganun, at sana huwag mong pabayaan ang sarili mo. Ipinagkatiwala ko sayo ang kompanya pero hindi mo kailangang magpakahirap at magpuyat. You need to take care of yourself sweetie." Paalala ng padre de pamilya sa anak. "Of course dad." Sagot na lamang ni Anastasia rito Meanwhile Hindi alam ni Danielle kung saan sya pupunta. Wala syang maisip na tamang lugar para tambayan. Lumabas muna kasi sya sa mansyon ng mga Fox dahil gusto nyang makalanghap ng sariwang hangin at makapag'isip ng maayos lalo pa't hindi parin nawawala sa kanyang isipan ang sinabi ng taong tumawag sa cellphone nya kanina. 'Umuwi kana Death. Hindi mo ito matatakasan, hindi mo kami matatakasan.! Ang mga katulad natin ay walang karapatan na mamuhay ng tahimik. Kahit saan pa man tayo magpunta at kahit ano pang kabutihan ang gawin natin sa ating kapwa, hindi na nito mababago ang ating mga nagawang kasalanan. Patuloy lang tayong hahabulin ng nakaraan at wala kang magagawa para pigilan iyon.' Iyan ang eksaktong sinabi ng caller at hindi na sya nito hinintay na makasagot dahil agad na nitong pinatay ang tawag. Hanggang ngayon napapaisip parin sya kung ano ang ibig nitong sabihin at kung sino ito. Tinatanong na rin nya ang sarili kung sino ba talaga sya, kung mabuti ba syang tao bago sya nagkaroon ng amnesia. Kung ano ang dahilan ng pagka'aksidente nya, kung ano ba ang pinaggagawa nya sa buhay bago mangyari ang trahedyang ito sa kanya. Ilang oras na ata syang naglalakad nang dalhin sya ng sariling mga paa sa labas ng isang bar. Wala syang pag'aalinlangan na pumasok sa loob, gusto nyang uminom kahit ngayon lang. Hindi naman sya magpapasobra. Pagkapasok nya sa loob ay agad syang umorder ng maiinom, nakaka'apat pa lang ata syang baso ng whiskey ng maramdaman nyang medyo nahihilo na sya. Pero mukhang nawala din iyon agad nang makita nya ang kasintahan ng kanyang amo na may kahalikan na isang babae na syang ikinagulat nya. Ngayon alam na nya kung bakit pamilyar ito sa kanya dahil ang mga ito rin ang nakita nya na naglalampungan sa loob ng kotse noong pauwi na sya sa building ng FCE matapos nyang kumain sa karenderia. Bigla na lamang nag'init ang ulo nya sa kaalaman na niloloko lang pala nito ang kanyang amo. Gusto nya itong sapakin pero ayaw nyang maging masama ang tingin sa kanya ni Anastasia. Kaya imbis na awayin ito ay kinuha na lamang nya ang kanyang cellphone at pasimpleng kinunan ng litrato at video ang dalawa na kulang na lang ay maghubad sa harapan ng maraming tao. Nang makuntento sya sa kanyang ginawa ay binayaran na nya ang kanyang nainom at umalis na sa lugar na iyon. Mukhang hindi na lamang ang nakaraan nya ang problema nya ngayon, pati na rin ata ang kanyang amo. Hindi nya alam kung paano sasabihin rito ang ginawang pangangaliwa ng kasintahan o kung tama bang mangi'alam sya sa mga ito. "Saan ka galing Danielle.?" Rinig nyang tanong ng isang tinig pagkapasok nya sa loob ng mansyon ng pamilyang Fox. Paglingon nya sa kanyang likuran ay may nakita syang isang bulto ng tao. Madilim kasi sa living room dahil pinapatay lahat ng ilaw rito kapag natutulog na lahat ng tao sa loob kaya hindi nya napansin na may naka'upo pala sa sofa. Marahil ay dala na rin ng antok at pagod dagdagan pa ng naka'inom sya ng kunti kaya hindi man lang nya ito napansin. "Nagpahangin lang sa labas Ma'am." Magalang na sagot ni Danielle sa kanyang boss. 'It's already 12:45 a.m pero ba't hindi pa ata natutulog itong amo ko.?' Takang tanong ng dalaga sa sarili. "Sabi ni Mom may pinuntahan ka daw, and seriously.? Nagpapahangin.? Ng ganitong oras.?" Pagtataray nito sa kanya pero ayaw muna nya itong kausapin dahil pagod at nahihilo na rin sya. "Pasensya na po Ma'am. Sige po, matutulog na ako." Paalam nya rito pero agad nitong nahawakan ang kanyang braso. "Teka, kumain kana---wait, are you drunk.?!" Pasigaw nitong tanong sa kanya sa mahinang boses dahil baka magising ang mga tao sa loob. "Kunti lang ma'am. Gusto ko muna kasing mawala ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan." Napapabuntong hiningang sagot ni Danielle. Pansin nyang natigilan ang huli. "May--may problema kaba.?" Tanong ng kanyang boss sa malumanay na boses. "Hm, matulog na po tayo. Inaantok na po ako." Yun lang at nauna na syang pumunta sa kanyang kwarto. And guess what.? Magkatabi lang ang kwarto nilang dalawa ni Anastasia at ang ina ng dalaga mismo ang nagdesisyon na sa guest room na palaging matutulog si Danielle na katabi lang ng kwarto ng kanyang boss. "Hindi kana ba kakain.?" Malumanay pa ring tanong ni Anastasia kay Danielle habang nakasunod sya sa likuran nito. Naninibago tuloy ang dalaga sa inaasta ng kanyang amo. "Hindi na, wala rin naman akong ganang kumain." Maikling sagot ng dalaga at akma na sanang papasok sa kanyang kwarto nang may maalala syang itanong rito. "Ma'am Anastasia." Tawag nya rito dahilan para mabilis pa sa alas kwatrong lumingon sa kanya ang huli. "Yes.? May kailangan kaba.?" "Hm, may itatanong lang po ako. Um, paano kung malaman mong nag'cheat sa iyo ang boyfriend mo.? Anong--anong gagawin mo Ma'am.?" May pag'aalinlangang tanong ni Danielle. "It's not gonna happened, Danielle. Mahal ako ng boyfriend ko at alam kong hindi nya gagawin ang bagay na iyon." Confident na sagot ni Anastasia. "I see. Sige po Ma'am. Goodnight." Sabi na lamang nya rito at pumasok na sya sa kanyang kwarto. 'Shit.! Ano bang gagawin ko.?' Naguguluhang sabi ni Danielle sa kanyang isipan bago pasalampak na humiga sa kanyang kama. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD