"Um Abi, sa tingin mo ano kaya ang magiging reaksyon ni Ma'am Anastasia kung sakaling magloko ang kanyang nobyo.? Kung sakali lang naman." Alanganing tanong ni Danielle sa kaibigan ng kanyang boss habang sumusubo ito ng pagkain.
Nandito kasi sila ngayon sa isang mamahaling restaurant sa labas ng building ng FCE. Sabay na silang kumain ng lunch at libre nito since umalis sandali ang kanyang boss dahil pinuntahan ito ng boyfriend sa kanyang office para ayaing mag'lunch sa labas, o mas tamang sabihing lunch date iyon ng dalawa.
"Ba't mo naman natanong.?" Kunot noong tanong ni Abigail.
"Wala lang naman. Naisipan ko lang. Pasensya na." Nahihiyang sagot ni Danielle habang nagkakamot na naman sa kanyang kilay. Mukhang mannerism na nito ang ganoong galaw kapag nahihiya.
"You're lying. Sa isang buwan na nating magkakilala simula ng magtrabaho ka sa kaibigan ko ay alam ko kung kailan ka naku'curious sa isang bagay, at ngayon alam kong hindi mo itatanong ang bagay na iyan kung wala lang. Diba Dani.? So tell me, may alam kaba na hindi namin nalalaman.?" Seryosong tanong nito.
Ngayon lang nya nakita na naging seryoso ang aura nito. Palabiro kasi ito at palagi lang nakangiti sa kanya.
"Ano kasi, uh--yung boyfriend ni Ma'am Anastasia. Nakita ko syang may--may kahalikang babae sa bar na napuntahan ko last week. Actually nakita ko rin sya sa loob ng kanyang kotse na may kalampungang babae nong kumain ako sa karenderia malapit lang dito." Paliwanag ni Danielle at pansin nya ang pamumula ng kaharap dahil sa galit.
"That's it.! So tama nga ang hinala naming magkakaibigan. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking yun.! Kaya pala simula palang hindi na magaan ang loob naming tatlo sa kanya." Nanggigigil nitong sabi.
"Relax ka lang Abi." Pagpapakalma ni Danielle sa dalaga dahil mukhang any time ay sasabog ito dahil sa galit.
"We need to tell this to Anastasia.! Hindi na dapat sya nakikipag'usap sa manlolokong iyon."
"Pero ma'am, I mean Abi, paano kung hindi tayo paniwalaan ni Ma'am Anastasia.? Sa tingin ko kasi masyado nyang mahal ang boyfriend nya para lang maniwala sa sasabihin natin. Mamaya nyan mapagkamalan pa tayong gumagawa lang ng kwento." Kinakabahang sagot ni Danielle. Kahit namang may hawak syang pruweba ay ayaw nyang maki'alam sa buhay pag'ibig ng mga ito.
"Oh c'mon Dani.! Hindi naman talaga mahal ni Anastasia ang lalaking yun. Akala lang nya pagmamahal ang nararamdaman nya sa manlolokong yun pero ang totoo hindi naman talaga." Naka'roll eyes na sabi ni Abigail.
"Paano mo nalaman.?"
"We can feel it Dani. Kung sakali mang hindi maniwala si Anastasia sa sasabihin natin, well then, it's her problem. Basta ang mahalaga nagsabi tayo ng totoo sakanya saka isa pa, hindi naman kami nagkulang na mga kaibigan nya sa pagpapaalala sa kanya na hindi mapagkakatiwalaan ang boyfriend nyang iyon simula pa lang." Litanya ni Abi bago sumandal sa upuan.
"Ok, pero ikaw lang ang magsabi ah. Ayokong mangi'alam sa problema ng amo ko." Naiiling na sabi ni Danielle dahilan para umarko ang kilay ni Abigail.
"Hindi ako ang magsasabi sa kanya tungkol dyan, kundi ikaw Dani."
"Hala.! Ba't ako.?!"
"Eh sino ba ang nakakita na may kalampungan ang damuhong yun.? Diba ikaw.? So dapat lang na ikaw ang magsabi kay Anastasia." Naka'cross arms na sabi ng dalaga.
'Patay.! Napasubo na.' Danielle thought.
"Eh paano kung hindi sya maniwala.? Paano kung tanggalin nya ako sa trabaho.? Paano ako.? Nganga.?!" Mataray na sagot nito kay Abigail dahilan para matawa ang kaharap.
Hindi nya kasi inaasahan na marunong palang magtaray ang isang masayahing tao na katulad ni Danielle.
"Oh trust me Dani. Hindi nya iyon magagawa." Confident na sabi ng dalaga dahilan para mapakunot ng noo ang huli.
"Mukhang siguradong-sigurado ka dyan ah."
"Oo naman. So.? Ikaw na ang magsabi sakanya mamaya ok.?"
"Ano pa nga ba.? As if I have a choice." Laglag ang balikat na sagot ni Danielle.
"Good. Bumalik na tayo sa loob. Baka bumalik na ang possessive mong boss." Natatawang sabi ni Abigail at binayaran na ang kanilang order bago lumabas ng restaurant.
"Ang usapan natin Dani ah. Sabihin mo na sa kanya mamaya para hindi na sya magmukhang tanga dahil sa pinag'gagawa ng lalaking yun." Paalala na naman ni Abigail habang nakasakay sila sa elevator sa loob ng building.
"Oo na.! Kapag ako talaga nawalan ng trabaho ikaw ang sisisihin ko." Pagmamaktol ng dalaga rito.
"Gaya nga ng sabi ko sayo kanina, hindi iyon mangyayari. Trust me, ok.?" Nakangiting sabi ng huli at pinisil ng kunti ang pisngi ng kasama.
"Ok. Sabi mo eh." Maikling sagot ni Danielle bago sila naghiwalay ng landas.
Habang papunta sa office ng kanyang boss ay nagiisip na si Danielle kung paano sasabihin kay Anastasia ang tungkol sa napag'usapan nilang dalawa ni Abi. Siguradong nandoon na ito sa loob ng office nito at talagang kinakabahan sya sa magiging reaksyon ng kanyang boss.
"Hay, bahala na nga.!" Inis nyang sambit at biglang binuksan ang pintuan ng office ni Anastasia na sana pala hindi nya ginawa. Bigla atang sumikip ang kanyang dibdib ng makita ang ginagawa ng mga ito.
Nakapulupot sa bewang ni Anastasia ang kamay ng boyfriend nito habang naghahalikan ang mga ito na parang wala ng bukas.
"Um, pa--pasensya na ma'am. Hindi ko po alam." Nakayukong paumanhin ng dalaga at mabilis pa sa kidlat na sinara ang pintuan. Parang gusto nyang manakit ng tao ngayon dahil sa kanyang nakita.
Samantalang nakatulala lang si Anastasia habang nakatingin sa nakasara na ngayong pintuan. Parang binuhusan sya ng malamig na tubig nang makita ni Danielle ang ginawa nila ng kanyang boyfriend. She shouldn't feel this way dahil wala naman syang ginagawang mali. Pero ba't iba ata ang nararamdaman nya.?
Pakiramdam nya nagloko sya. Pero bakit naman nya mararamdaman yun.? Eh boyfriend naman nya ang kahalikan nya, hindi ibang lalaki.
"Let's continue this babe. Masyadong panira ang driver mo." Sabi ni Jeremy at akma na sana nitong hahalikan ulit ang dalaga pero lumayo na ito sa kanya.
"I think kailangan mo ng umalis. Magkita na lang tayo bukas." Malumanay na sabi ni Anastasia na ikinagulat ng kanyang nobyo.
"What.?! Why.?" Naguguluhang tanong nito.
"Jeremy marami pa akong gagawin ok.? Please understand."
"Ugh.! Fine.!" Inis nitong sigaw at padabog na lumabas ng office.
Tiningnan pa nito ng masama si Danielle ng makita nya itong nakatayo sa gilid ng pintuan bago lagpasan. Pagkatapos ng ilang segundo ay pumasok na sa loob ang dalaga habang nakayuko pa rin.
"Um Danielle, yung nakita mo ---"
"Naku ma'am.! Wala po yun. Normal lang naman yun sa magkasintahan, dapat nga humingi ako ng tawad sa boyfriend mo dahil na'istorbo ko pa ata ang ginagawa nyo." Natatawang saad ni Danielle na hindi na pinatapos ang dalaga sa pagsasalita. Ayaw nyang ipakita sa kanyang boss na naapektuhan sya sa nangyari kanina.
"Nah, it's ok." Sabi na lamang ni Anastasia habang nakatitig kay Danielle. Hindi kasi yun ang inaasahan nyang magiging reaksyon nito.
"Pasensya na po ulit ma'am." Paumanhin ulit ng dalaga at akma ng tatalikod nang may maalala syang isang bagay.
"Uh, ma'am. Pwede ba kitang makausap mamaya pagkatapos ng trabaho nyo.?" Tanong ni Danielle sa kaharap.
"Ba--bakit.? Anong sasabihin mo.?" Nauutal na tanong ni Anastasia sa huli. Hindi nya alam kung ba't ba sya kinakabahan.
"Mamaya na lang po. Medyo personal kasi." Alanganing sabi ng kaharap.
"Ganun ba.? Ok sige." Mahinahong sagot ng dalaga na nginitian lang ni Danielle bago umupo sa sofa na nandoon.
Samantalang si Anastasia ay bumalik na sa kanyang trabaho at hindi na makapaghintay kung ano ang sasabihin sa kanya ni Danielle.
"So what is it.?" Tukoy ni Anastasia sa kung ano mang gustong sabihin sa kanya ni Danielle.
Nandito sila ngayon sa parke na hindi kalayuan sa building na pagmamay'ari ng kanilang pamilya. Mukhang importante ang sasabihin ng kanyang driver dahil ayaw nitong may makarinig na ibang tao sa kanilang pag'uusap.
"Umupo ka muna ma'am." Paanyaya ng dalaga at umupo nga ang huli sa bench na nasa gilid nila.
"What now.?!" Naiinis nang tanong ni Anastasia dahil halos hindi na gumagalaw si Danielle sa tabi nya.
"Uh, ma'am ano kasi, um--ayoko sanang mangi'alam. Pero may karapatan din naman kayong malaman ang totoo diba.?" Nag'aalangang sabi ni Danielle na ikinakunot ng noo nya.
"What do you mean by that.?"
"Kasi po yung boyfriend mo Ma'am. Pangalawang beses ko na po syang nakitang may kahalikang ibang babae." Panimula ni Danielle na ikinagulat ni Anastasia.
"What.?! Are you fooling around Danielle.?!" Galit nitong sigaw at napatayo pa sa kinauupuan nito.
"Hindi ma'am. Nagsasabi po ako ng totoo. Nakita ko po syang may ibang kahalikan noong unang linggo ko pa lang na nagtatrabaho sa inyo. Saka pangalawa noong nagpunta ako sa isang bar." Pagpapaliwanag nito sa kaharap dahil baka sakaling maniwala pa ito sa kanya.
Ang malas naman kasi.! Ngayon pa talaga na'deadbat ang cellphone nya kung saan kailangan nya ng ebidensya na maipapakita sa kanyang amo.
"That's bullshit.! Hindi nya magagawa yun.! Look Danielle. Kung ginagawa mo lang ito dahil sa gusto mo kaming paghiwalayin ng boyfriend ko then please, stop this nonsense.! Alam kong may gusto ka sa akin pero hindi ko inaasahan na magagawa mong siraan ang boyfriend ko.!" Galit pa ring sigaw ni Anastasia at masamang nakatitig sa mukha ng dalaga na nagulat dahil sa huling sinabi ng kaharap.
"Oo inaamin kong humahanga ako sayo ma'am pero ---"
"Eh 'di lumabas din yung totoo.! Na sinasabi mo lang ito sa akin para hiwalayan ko ang boyfriend ko. My gosh Danielle.! Kahit anong gawin mo hindi mo mapapantayan si Jeremy.! How dare you para gawan sya ng istorya na hindi naman totoo.? Look.! Kahit anong gawin mo hindi kita magugustuhan dahil hindi ako pumapatol sa mga katulad mo.!" Sigaw ni Anastasia na hindi pinatapos sa pagsasalita si Danielle.
Kita nyang nasaktan ito sa sinabi nya pero masyado syang kinain ng kanyang galit para pansinin pa ang nararamdaman ng huli.
"Tama ka nga ma'am. Hindi ko sya mapapantayan pero hindi rin naman ako katulad nya na manloloko." Mahina ngunit madiing sabi ni Danielle habang nakayuko pero rinig na rinig naman ng kaharap.
"Fuck.! Stop it Danielle.! Hindi sya manloloko. Pwede ba.? Itigil mo na ang kahibangang ito.! Dahil sa susunod na may marinig pa ako mula sayo na hindi magandang salita tungkol sa boyfriend ko, sisiguraduhin kong tatanggalin kita sa trabaho. Wala akong paki'alam kung gusto kapa ng pamilya ko at ni lola Beth. Ayoko ng mga taong sinungaling.!" Galit na namang sigaw ni Anastasia sa kaharap.
"Pasensya na ma'am." Nakayuko paring sabi ni Danielle na hindi pinansin ng kaharap.
"Uuwi na ako. Mag taxi kana lang dahil ayokong makasabay ang isang katulad mo sa loob ng kotse ko." Malamig na sabi ni Anastasia bago iwan ang dalaga na mukhang naiiyak pa.
Nakayuko parin si Danielle nang marinig nyang pinaharurot na ng kanyang boss ang kotse nito.
"Sana pala hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol doon." Malungkot na sabi nito bago nag'angat ng tingin at eksaktong pagbuhos ng malakas na ulan.
Pakiramdam nya tuloy nakikisama ang panahon sa nararamdaman nya ngayon.
"Ang tanga mo talaga Danielle." Naiiyak nyang sabi sa sarili habang basang-basa na sya ng ulan.
Pero bigla na lamang sya napahawak sa kanyang ulo nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Nabuwal pa sya sa lupa habang nakahawak parin sa kanyang ulo dahil sa sakit na nararamdaman nya roon.
Mariin nyang ipinikit ang kanyang mga mata at kasabay non ay ang pagbalik lahat ng kanyang mga alaala. Para syang isang bata na nakauwi ng maayos sa kanilang bahay matapos mawala sa kalsada ng ilang araw.
Pagmulat nya ng kanyang mata ay agad nyang nabungaran ang isang taong malapit sa kanya. How fool she is para makalimutan ang mga taong malalapit sa kanya at kung sino talaga sya.
"Welcome back Elle.! Or should I say hellcome back-----Death." Nakangising sabi nito habang nakahawak sa payong.
"Hailey." Malamig nyang tawag rito na mas lalo nitong ikinangisi.
_____