Naiinis at galit na nagmaneho ng kotse si Anastasia papunta sa condo unit ng kanyang boyfriend. Hindi nya alam kung ano ang ikina'iinis nya, kung ang sinabi ba ni Danielle sa kanya na maaaring totoo.? O ang mga masasakit na salita na nasabi nya rito. Pero kahit ano pa man yun, kailangan nyang komprontahin ang boyfriend nya para mapanatag ang kanyang kalooban. Gusto nyang patunayan nito ang sarili na hindi totoo ang mga ibinibintang sa kanya ni Danielle. Pagdating ng dalaga sa labas ng isang condominium building kung saan nakatira ang kanyang boyfriend ay agad nyang ipinark ang kanyang kotse at pumunta na agad sa condo unit ni Jeremy. May spare key sya ng unit nito kahit pa once in a blue moon lang syang bumisita sa condo unit ng kanyang boyfriend. Pagkarating nya sa labas ng unit nito

