Anastasia Pov "Ano ba 'yan best.! Hindi kaba nagsasawa sa ginagawa mong ito.?" May inis na sabi ni Abi nang makalapit silang tatlo sa pwesto ko. Nandito na naman kasi ako sa bar na lagi naming pinupuntahang magkakaibigan. Simula nang mawala si Danielle ay dito na lagi ang punta ko pagkatapos ng trabaho sa opisina. Namimiss ko na sya.! Naghintay ako sakanya nong araw na iyon baka bumalik sya sa bahay dahil nandoon pa naman ang mga gamit nya, pero walang nangyari. Umabot ng ilang araw ang paghihintay ko hanggang sa magta'tatlong linggo na ngayon pero wala pa ring Danielle na lumitaw sa harapan ko. Nag'hire na rin ako ng mga private investigators para ipahanap sya pero walang matinong report ang mga ito. Sinabihan pa akong mahirap raw hanapin ang taong ayaw magpahanap. Piste.! "Hindi bes

