"Alpha, give me your status." Utos ni Danielle mula sa earpiece na suot nito habang nagtatago sa likod ng isang sirang sasakyan. "The perimeter is clear. And target spotted." Sagot ng kanilang sniper habang naka'pwesto ito sa itaas ng bubong ng lumang bahay, 'di kalayuan sa bodega na pinagtataguan ni Samuel Ferrer. "Good. Tell me what you see." "Mayroon syang sampung tauhan na kasama sa baba habang nag'iinuman ang mga ito. Sa ikalawang palapag naman may nakita akong lima na nakakalat at may isa pang lalaki na nagbabantay sa isang pintuan. Sa tingin ko doon kinulong ang subject natin at oo nga pala, may anim na ngayong mga armadong kalalakihan ang naglilibot sa paligid ng bodega." "Copy that.! Ok guys, stick to the plan. Our main goal here is to make sure that Miss Fox will be safe haba

