Sayuri's POV Nagising akong nasa kama na ako. Teka? Di ba hinahabol ako ni Er88ebus? Panaginip lang ba yon? "Sayuri!" Sigaw ni Rean sakin. Nakabalik na pala siya? "Oh?" Tanong ko. "Ikaw ha. Anong ginagawa ng lalaking yan dito?" Mapanuksong tanong niya. Tinignan ko naman ang lalaking nakahiga sa sofa malapit sa may pinto. Nasabi ko na bang medyo malaki rin ang kwartong to? Para siyang maliit na bahay. "Hoy! Wag mong titigan baka malusaw." Sabi ni Rean kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Naalala ko yung kagabi. Ang paghatid niya sa akin. Yung panaginip. Ang pagsasalita ni Erebus sa utak ko. At higit sa lahat yung Yung Yakap! Panaginip lang naman yon pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bigla atang pumula yung pisngi ko at napatingin ako kay Rean. "Oh? Para kang kamati

