Sayuri's POV Dalawang linggo na magmula nung inannounce ni Master ang training. At sa loob ng dalawang linggong yon, nandon ang usap-usapan. Ang pagtataka. Ang pagkatakot dahil sa nangyayari. Sa loob ng dalawang linggong iyon, halos lahat pursigidong lumakas. Maipagtanggol kung anong tama. Maprotektahan ang paaralan. Maprotektahan ang sarili. Pero sa loob ng dalawang linggong yon, nandito lang ako sa kwarto ko. Minsan ay dinadalaw rin ako ng mga kasamahan ko pero minsan mag-isa lang ako. Tuwing magkaklase naman ay nandon ako pero kapag oras na ng training, may taong susundo sa akin at sinasabing sa kwarto lang ako mamalagi. Nakakapagtaka dahil sa hindi malamang dahilan, parang may mali. May tinatago sila. Napabuntong hininga na lamang ako at tinitignan ang mga estudyanteng n

