Althea's Pov
PAGKALAPAG na pagkalapag ng chopper na sinasakyan namin ay agad kaming bumaba ni Holmer upang alalayan namang makababa si Vrougn.
Kung bakit pinilit pa ring sumama ni Vrougn ay hindi ko na kinuwestyon. Marahil, inaalala niya rin ang kaligtasan ni Dazsher at lalo na ng ina niya na nandirito rin sa isla.
Magkakasunod kaming tumungo sa rest house ngunit nagpaiwan na si Holmer. Sumangayon kami at dumeretso na.
Sa entrada pa lang ay makikita mo na ang mga nagkalat na tauhan. Hindi ko alam kung kaninong mga tauhan ang mga ito dahil sa magkakaiba nilang uniporme.
"I'll go first, Vrougn."
Hindi ko na hinintay pang sagutin niya ako dahil nagpatiuna na akong pumasok sa entrada ng rest house. Pagkapasok ko ay gano'n na lang ang galit ko nang una kong makita ay ang mukha ni Mommy Verra na ngiting-ngiti. Tila ba wala itong kahayupang ginawa sa mga naroon.
Hindi ko magawang alisin ang tingin dito na halos hindi ko na magawang dapuan ng tingin ang ibang naroon.
"Are we late, Dad?" Tanong ko kay Daddy ngunit na kay Mommy Verrah pa rin ang paningin ko. "Now tell us why you we're disappeared and why did you do all these things, Miss Zilverrah De Mujer– Del Rious?" Banggit ko sa totoo niyang apelyedo.
"What are you saying, Althea?! She's our Mom! She's a Del Fuego not a Del Rious—" nagulat ako sa pasigaw na tanong ni Ate Amirah.
Sasagot na sana ako nang pigilan ako ni Mommy Iana.
"Enough, Amirah! You don't know her! You don't know everything!" Sabad ni Mommy Iana na ikinagulat ko lalo.
Naniningkit sa galit na tumingin si Ate Amirah kay Mommy Iana. "Who are you to interrupt me, b*tch! Huwag kang makialam dito dahil usapang pamilya 'to! You are just a mistress here! Get out of here!" sigaw ni Ate Amirah kay Mommy Iana na ikinainis ko.
Gusto kong magalit sa inasal niya at sa trato niya sa tunay naming ina subalit inintindi ko na lang sapagkat wala pa siyang nalalaman ni isa man sa totoong katauhan niya.
Sinuway din siya ni Dazsher. "Babe! Please, calm down!" Subalit, hindi siya nakinig. Masamang-masama pa rin ang tingin ni Ate Amirah kay Mommy Iana.
"I hate her! Why is she doing here?"
"Amirah Jade! Shut up your mouth!! You really don't know anything!" galit na ring saway sa kanya ni Dad. "Huwag mong babastusin si Adriana sa harap ng mga naririto! Naiintindihan mo?!"
Kumibot-kibot ang bibig ni Ate Amirah na sa tingin ko ay gustong-gustong sumagot ngunit hindi na nagawang ituloy.
"Hahahaha! What a nice reunion... The Del Fuego's and the Del Rious." Saka ako napalingon sa bagong dating na may edad na ring lalaki na tuwang-tuwang nakamasid sa amin.
"Sino siya?" Mahina kong tanong.
"He's Mr. Federico Morillo, kapatid ng mommy mo." si Dad ang sumagot.
"Kapatid po ni Mommy Iana, dad?" Pangungumpirma ko.
Tumango naman si Daddy.
Muli akong napatingin matandang lalaki na Tito namin na papalapit sa kinaroroonan ng isa ring matandang babae hanggang sa tumigil ito roon.
"Is she your mommy, Vrougn?" Tanong ko kay Vrougn na tahimik lang din sa katabi ko, nagmamasid.
"Yes. Paano mong nahulaan, Althea?"
"You look exactly like her. Magkamukha kayo," bulong ko sa kanya.
Tipid na ngumiti si Vrougn at lihim na hinaplos ang likod ko. "Ipapakilala kita sa kanya mamaya."
Kahit papaano ay napangiti ako. Pero, kinakabahan din.
Hindi rin ito ang tamang oras para makaramdam ng kilig.
We are on the edge of war! We are on war right now!
"Bakit kaya, imbes na magpatayan kayo ay hindi niyo na lang ayusin kung anuman ang naging dahilan ng sigalot ninyo?" Ani ng mommy ni Vrougn habang ipinaglilipat-lipat ang tingin sa aming lahat.
"You're making me laugh, Terecita! Do you think, maaayos pa ito? I don't think so.." Sagot ni Mommy Verra habang nakapameywang pa.
Hindi na talaga ito maaayos dahil sa dami ng mga kademonyohang ginawa niyo ay hirap na kaming patawarin kayo! Sigaw ko sa isip ko.
"I can't believe that my real mother is you, Mrs. Zilverrah. The queen of Del Fuego's. How come? Huh? Tell us why you have to use a prosthetics and hide your real identity? Bakit kailangan mong tumago sa pamilya mo at bumalik kay Dad? At bakit kailangan mong paghigantihan ang mga Del Fuego??" Si Dazsher. Nagtitimpi ng sama ng loob.
"D-Dazsher, w-what are you saying..?" Naguguluhan ng tanong ni Ate Amirah.
"Babe... si Miss Zilverrah.. siya ang totoo kong ina. She's not your real Mom. Siya ang may planong masama sa 'yo, sa pamilya niyo."
Doon na umiyak si Ate Amirah at napailing. "N-No... T-That's not t-true..."
"That's the truth..babe." mahina man ay iyon ang dinig naming sagot ni Dazsher.
"She's my Mom, Dazsher!" muli na namang napasigaw ang kapatid ko.
Umiling-iling si Dazsher. "Believe me, babe.." hinaplos ni Dazsher ang buhok ng kapatid ko at niyakap. Subalit, dinig pa rin namin na patuloy sa pagiyak si Ate Amirah.
"She's not your real mother, Amirah Jade." si Daddy.
Napaharap si Ate Amirah kay Dad at mataman niyang tinitigan.
"Then, tell me who is she?" No one answer her question that's why she felt so irritated! Even me, hindi ko rin siya masagot. "Who's my real mom, Dad? Tell me!" But still, Dad didnt answer. Hindi ko alam kung bakit hirap pa kaming sabihin iyon.
"Why don't you reveal your real identity and plans, Mom?" Pagbabago ng usapan ni Dazsher. "Simulan mong magpaliwanag sa pamilyang iniwan mo at kung bakit bigla ka na lang nawala? Na inakala nila na patay ka na? Isunod mo na ring sabihin kung bakit bumalik ka pa kay Dad upang magpakilala sa akin na ikaw ang totoo kong ina? Suot-suot ang maskara? Just tell us one by one."
"I agree." Sabad ko din. "We want to know the truth! Bakit kailangan mo akong ipakidnap? Ano ho bang kasalanan ko sa 'yo? Pero mabuti na lamang ay iniligtas ako ni Vrougn sa kamay ng mga tauhan mo! Ngunit hindi ka tumigil hanggat hindi mo kami natatagpuan! At noong mahanap niyo kami, pinakawalan niyo nga ako subalit ang kapalit naman ay parusang kamatayan sa lalaking nagligtas sa 'kin! Now, tell us why do you have to do that?!" Halos mapatay na nila si Vrougn sa pagmamalupit nila. At hindi ko mapapalampas iyon. At isa pa, marahil ay sa isla pa lang ay nakasubaybay na ito sa amin ni Vrougn.
Ngunit sarkastikong ngisi lang ang isinagot ni Mommy Verrah.
Nakakapikon ang ginagawa niya!
"Hahahaha! Bakit hindi ka sumagot Verra? Bakit hindi mo masagot ang tanong ng inabandona mong anak at inalipusta mong anak-anakan?" ani Tito Federico habang prenteng nakatayo habang ipinapadyak-padyak pa ang paa sa marmol na sahig.
"Tsk. Tsk! Huwag kang makialam dito, Morillo." si Mr. Del Rious na naghihimas ng balbas niya.
"Hahaha! At bakit naman hindi, Del Rious? Isa ako sa mga ginawan ninyo ng hindi katanggap-tanggap. Ninakawan niyo lang naman ako ng anak! Tsk! Tsk! Ang kawawa kong kambal na nawala sa amin mahigit dalawampong taon na ang nakalilipas. Walang ibang gagawa noon kundi kayo lang."
"At sa pagnanakaw din nila sa kakambal ni Althea!" sabad ni Mommy Iana na ikinagulat ko. Agad akong napalingon sa kanya.
M-May kakambal ako? Sino?? Gusto ko sanang itanong ngunit naagaw ang atensyon ko nina Lori Leigh at Kean. Ginagap ni Kean ang mga kamay ni Lori Leigh.
"Wala kayong proweba sa mga ibinibintang ninyo sa amin. Maaari ko kayong baliktarin sa korte." kalmadong sagot ni Mr. Del Rious.
"Well, let's see.." kompyansang tugon ni Mr. Morillo.
"Lumalayo na ang usapan.. Sagutin mo na Mom ang tanong ko. I am waiting! We are waiting..." ani Dazsher na nahahalata na ang pagtitimpi ng galit.
"Gusto ko ring malaman ang totoo. Lahat-lahat! Sabihin niyo na ang lahat ng mga nalalaman ninyo! At kung ano ang puno't dulo ng hidwaan ninyo, o kung anuman ang mga ipinaglalaban ninyo! Saan nang-gagaling ang mga galit ninyo at kung ano ba ang mga kailangan niyo.. Nang matapos na ang gulong ito!" Malakas na sigaw ni Ate Amirah na ikinagimbal ko. Isa-isa niya kaming tiningnan.
Ate Amirah...
"Lumabas na muna kayong lahat, maiiwan kaming dalawa ni Amirah. I want to talk to her alone." rinig kong sabi ni Mommy Verrah. Kalmadong-kalmado na waring walang tensyong nagaganap sa paligid.
"Walang lalabas dito.. 'Wag mong sarilinin si Amirah at bilugin ang ulo nito para makuha ang tanging pakay mo!" si Daddy. Dinuro pa niya si Mommy Verrah ng kanyang baston.
"Nakikiusap ho ako sa inyo, Miss Zilverrah Del Rious.. Sabihin niyo na ho ang buong katotohanan bago ko pa maisiwalat sa kanila ang lahat ng nalalaman ko." ani Zymon na matapang na hinarap si mommy Verrah. Eto ang detective na matagal ng nanliligaw kay Ate Amirah.
Galit na ngumisi si Mommy Verrah kay Zymon. "Oh... Really, young man? Isang pipitsuging agent na pilit kinakalkal ang mga itinatago ko? Hmmm? Sige nga.. mapapabilib mo ako kung may tama sa mga isisiwalat mo." sarkastikong tugon ni Mommy Verrah kay Zymon na ikinangisi din naman ng huli.
Matapang na inayos ni Zymon ang pagkakatayo dahil sa naging hamon sa kanya. Nakangisi itong inayos ang suot-suot na white shirt at pinagpag ang hawaiian short. Tumingin si Zymon kay Ate Amirah at sa aming lahat na nandirito sa bulwagan. Nahinto ang paningin nito kay Daddy at kay Mommy Iana na parehong blanko ang mga mukha. Tumango si Daddy sa kanya para bigyan siya ng pahintulot na magsalita. Tumango rin si Zymon bilang tugon. Muli niyang ibinaling ang paningin kay Ate Amirah pati na kay Dazsher na umaalalay sa kapatid ko.
Malakas na tumikhim si Zymon na halos dinig ng lahat. Halos madinig na nga sa buong bulwagan ang laki ng boses nito.
Saka nito isiniwalat ang lahat ng mga nalalaman nito. Isiniwalat niya ang buong katotohanan.
"Dammit! Is it me?!" Bulalas ni Ate Amirah makaraan ang ilang sandaling pananahimik ng karamihan.
"Babe?" Tawag ni Dazsher sa kanya.
Subalit, nakatuon lamang ang paningin niya kay Mommy Iana. Hindi ko malaman kung ano ang nasa isip niya. Marahil, nakukuha na niya ngayon ang punto. Marahil, nahuhulaan na niya kung sino talaga siya at kung kaninong sinapupunan siya nanggaling. Saka niya inilipat ang tingin kay Dad at dito niya mas itinuon ang buong atensyon.
"Dad? Who's my real mom? I want to know! So please, tell it to me now.."
Nang sumulyap ako kay Daddy ay mas lalong sumeryoso ang anyo nito habang nakatunghay kay Ate Amirah. Napatingin si Dad kay Mommy Iana nang nagsisimula na namang magpunas ng mukha ang mommy ko.
"Dad! Sino ang tunay kong ina! S-Si A-Adriana ba?" Mula mismo sa bibig ni Ate Amirah ay siya na mismo ang nagtanong noon.
Umangat ng paningin si Mommy Iana sa kanya saka dahan-dahan itong tumango. "Yes. I am you mother..." Nagsimula na itong humagulhol na mabilis namang dinaluhan ni Dad at Althea. "You are my daughter, Amirah Jade.." Subalit halos bulong na lang iyon ni Mommy Iana.. Hindi na iyon narinig ni Ate Amirah.
Bumikig ang lalamunan ko. Parang ang hirap panooring nagdudusa sa kalungkutan ang taong totoong nagdala sa iyo para masilayan ang mundo.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Vrougn sa braso ko. Niyakap niya ako mula sa likuran ko kaya't nakaramdam ako ng kaunting kapayapaan.
"Are you okay, baby?" Pabulong na tanong ni Vrougn.
"Hindi masyado.. Sana matapos na ito.." Tugon ko kaya mas lalo niya akong isinandal sa dibdib niya.
Nang mapatingin ako kay Ate Amirah ay nakita ko kung paanong nagbago ang reaksyon niya. Maya-maya pa'y niyakap siya ni Dazsher at isinubsob naman niya ang mukha sa dibdib nito.
"Hmm.. Ngayong kilala mo na ang totoo mong ina, Amirah.. Sino pa rin ba ang mas matimbang sa iyo? Ako na nagalaga at nagpalaki sa 'yo o 'yang baliw na babaeng sumira sa pamilya natin na kumalantari sa Daddy mo?" rinig kong tanong ni Mommy Verrah kay Ate Amirah.
"Shut up, Mom! Itigil mo na kung anuman ang binabalak mo!" Sabad ko. Hindi ko mapigilang magsalita. I know na bibilugin niya ang ulo ng kapatid ko. Alam niyang mahal na mahal siya ni Ate Amirah at iyon ang magiging alas niya para makuha ang gusto.
"Tumigil ka na, Mom!" si Dazsher. Ang katotohanan na si Dazsher ang totoong anak ay salungat din sa plano ng biological parents niya.
"No one can stop me! Hindi ako titigil hanggat hindi nasisira ang buhay ng malanding babaeng 'yan!" Dinuro ni Mommy Verrah si Mommy Iana.
"Kahit tawagin mo ako ng kung ano-ano, ako pa rin ang mahal ni Armiendo!" Matapang na sagot ni Mommy Iana. Taas noong nakipatagisan ng tingin kay Mommy Verrah.
"Ikaw ang kumalantari kay Armiendo at sumipsip kay Señior Arman para maisakatuparan ang gusto mo! Hindi si Armiendo ang totoong pakay mo, kundi ang islang kinatutungtungan natin ngayon at ang iba pang properties ng mga Del Fuego, Verrah!" si Mr. Morillo.
"You should go in hell, Tita Zilverrah!" si Vrougn na pinilit na sumigaw kahit hirap na hirap dahil sa mga sugat at pasa sa mukha. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Nanginginig iyon at talagang ramdam ko ang galit niya.
"Kung gano'n, iyan ho ba ang dahilan kung bakit kayo naghihiganti kay Dad? Dahil ba sa bumalik si Adria—I mean, yeah? Dahil ba sa hindi mo nakuha ang Isla kasi sa akin iyon napunta? Mom! Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla kang nawala at ngayon naman ay nagpakita ka sa amin para maningil?" Nangingiyak na tanong ni Ate Amirah.
"Oo." tipid na sagot ni Mommy Verrah. Blanko na ang mukha nito at wala ng mahihitang reaksyon. Kita namin ng humigit ito ng malalim na buntong hininga bago kinuha ang kung anong bagay sa shoulder bag na iniabot naman kay Mr. Del Rious. Hindi malinaw sa paningin ko kung ano ang bagay na iyon "Tama. Naniningil ako, mas mahal nga lang. You know me dear.."
"Oh my God! It's a g*n!" rinig naming sigaw ng babaeng katabi ni Zymon. Sumiksik pa ito sa likuran ni Zymon at nagtitili. "Uncle! Please, stop this!"
Doon na ako nilukuban ng matinding takot.
"What the hell do you want, Verra? Frank Simeon?" maawtoridad na tanong ni Dad kay Mommy Verrah at Mr. Del Rious na ngingisi-ngisi lamang habang hawak ng matandang lalaki ang b***l.
"Dalawa lang.. Ang buong kayaman ng mga Del Fuego at itong Isla na kinatatayuan ninyo! Maibibigay mo ba? Dahil kung hindi—" hindi natapos ang sasabihin ni Mommy Verra dahil sumabat na si Ate Amirah.
"Kasal pa rin kayo ni Dad, Mom! May karapatan ka pa rin sa mga pagaari ni Dad! At saka, pwede ko ring ibigay sa 'yo ang gusto mo! You know I'm not interested in any properties. I can give this Island to you just please stop this!" Ani Ate Amirah na ikinapitlag ng lahat. Hindi makapaniwala si Dad sa narinig at dinig ko ang malalim nitong buntong-hininga.
Napailing din ako. Hindi niya alam ang sinasabi niya..
"Hindi kami kasal! Niloko nila ako!" sigaw ni Mommy Verrah. Halos dumadundong ang buong bulwagan sa lakas no'n.
"What??" Hindi makapaniwalang bulalas ni Ate Amirah.
"Peke ang kasal namin, Amirah Jade. Gumawa ako ng paraan para hindi maging legal ang kasal namin. Dahil hindi si Zilverrah ang gusto kong makasama habambuhay.. kundi, si Adriana, ang tunay ninyong ina ni Althea."
Nagkagulo kami nang biglang hablutin ni Mommy Verrah ang b***l sa katabi nitong matanda at ikinasa iyon. Galit na galit niya itong itinutok kay Dad. Naging alerto naman ang mga tauhan ni Dad sa likuran at ipinagkakasa din ang mga b***l saka itinutok ang mga ito kina Mommy Verra at Mr. Del Rious.
Nilukoban na ako ng matinding takot! Hinawakan ni Vrougn ang mga braso ko at dinala ako sa likuran niya para maprotektahan sa kung anuman ang maaaring mangyari.
Subalit, inaasahan ko ng mangyayari ito. Kailangan na lang namin ay ang magingat.
"Vrougn! Let's go!"
Hinawakan ko na rin sa braso si Vrougn at hinila siya papalayo sa lugar na iyon. Wala pa siyang lakas para makipaglaban oras na magkaputukan.
"I need to stay, Althea," anya at pinigilan ako. "I can fight them."
"No! Please.. 'Wag mong isakripisyo ang buhay mo, Vrougn. Papano ako kapag may nangyari sayong di maganda? Hindi ka pa okay. Kagagaling mo lang sa hospital at nagdurugo pa nga ang mga sugat mo."
Lumamlam ang mga mata niya at hinaplos ang pisngi ko. "Your family.. My mom was there. Hindi ko sila maiiwan."
"I know! Our men's protecting them too." Patungkol ko sa mga nagkatipon-tipon na tauhang naroon na sa harapan.
"I did everything to our family, your family, Armiendo! But, you lied to me! Ilang taon mo akong nilinlang! Ilang taon akong nagtiis! Oo! Inaamin kong nagkaroon ako ng anak sa iba bago pa man ako ikinasal sa 'yo pero ikaw ang minahal ko! Minahal ko kayo! Kayo ng mga anak mo kay Adriana!" Malakas na sigaw ni Mommy Verrah habang nananatiling nakatutok ang b***l kay Dad. Subalit, inilipat ni Mom ang posisyon ng b***l nito, na kay Mommy Iana na ito nakatutok. Pinanlamigan ako. "Bigo ako sa pagpatay sa 'yo sa mental hospital pero hindi ako nabigo sa pagnakaw sa isa sa kambal na ipinanganak mo! Hahaha! At, kahit na kailan ay hinding-hindi mo na ito makikita at makakasama pa! Dahil ngayon pa lang ay papatayin ko na siya! Sa mismong harapan mo!" Patuloy ito sa paghalakhak at dahan-dahan nitong inilipat ang b***l sa napaka-inosenteng taong kilala ko..
Kay Lori Leigh!
Doon ay mas lalong napasinghap ang karamihan. Napalunok ako sa kaalamang ang kakambal ko na tinutukoy ay walang iba kundi si Lori Leigh na ilang buwan lang naming nakasama sa mansyon para manilbihan sa amin..
Paanong hindi namin napansin ang bagay na iyon? Saka ko lang narealize ang pagkakahawig namin.. Kung bakit hindi kami nagduda doon?
Natigil ang utak ko sa pagiisip nang biglang umalingawngaw ang putok ng b***l. Napasinghap ako nang makitang unti-unting natumba si Kean na siyang sumalo ng bala na dapat ay kay Lori Leigh.
Kean just sacrifice his life for Lori Leigh.. And I don't know why he did that for her.
A/N: Point of view po ito ni Althea doon sa Revelation 1&2 ng Series 1 ng Isla Del Fuego (Against All Odds).. May mga pinalitan lang din akong words at dinagdag na scene. Thank you.