CHAPTER 16: SAFE

2686 Words
Vrougn's Pov "WHERE are you taking me!?" Kahit paos ang boses ay nagawa kong sumigaw at itanong kung saan ako dadalhin ng mga lalaking armado at nakamaskara. Pasalamat pa rin ako dahil hindi nila binubusalan ang bibig ko kaya't nagagawa ko pa ring makapagsalita. Subalit, pareho namang nakagapos ang mga kamay at paa ko kaya hindi ako makagalaw. "Bakit di niyo ako sinasagot? Sino ba ang mga amo niyo, ha??" "Malalaman mo din kapag nandoon na tayo sa pagdadalhan namin sa'yo. Ang mabuti pa ay tumahimik ka muna diyan at tumigil ka kasisigaw mo. Mamaya mo na ilabas lahat ng lakas mo dahil nasisiguro kong manghihina ka sa tindi ng galit ng taong haharapin mo," sagot ng isa. Kalmado ang boses niya. "Tsk. Si tita Verrah ba ang nagutos sainyo nito?" Hirit ko subalit wala ni isang sumagot sa 'kin. Nanahimik na lang ako at hinintay na makarating sa kung saang lupalop akong dadalhin. Hanggang sa ilang sandali pa ay huminto na nga ang sasakyan. Pinagtulungan nila akong ibinaba at para akong baboy na pinagtulungang kargahin. Hindi ko magawang magpumiglas dahil nakatutok ang lahat ng armas sa akin. Pagbungad namin sa entrada ay napagalaman kong iyon ang mansyon na pagaari ng aking ama. Kung kaya't lubos ko ng napagtanto kung sino ang nasa likod nito at hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila. Pagbabayaran nila ito sa 'kin. Iniitsa ako ng dalawang tauhan sa lapag at doon tinanggalan ng tali sa paa. Namilipit ako sa sakit sa pagkakalagapak ko. Pagkakataon na sana iyon upang makapanlaban at makatakas subalit nahinto ako sa balak kong gawin nang magsilabasan ang napakaraming armadong lalaki sa palibot ng buwagan at kasunod no'n ay ang pagdating ng nakangising si Don Frank Simeon Del Rious kasama si Tita Verrah na kumikinang sa suot nitong bestida. Tsk. Talagang nagawa ko pang i-deskripsyon ang dalawang demonyo gayong namimilipit ako sa sakit ng pagkakabagsak ko. "How was your long vacation, my dear nephew? Masarap bang kabonding ni Althea Mari at natagalan kayong nawala? Tell me. Kwentuhan mo kami! Mukhang exciting ang pagsasama niyong dalawa, ah," ani tita Verrah. Nakangisi habang hinahaplos ang latigong hawak. "Spare her, tita Verrah. I warned you," mariin kong tugon. Matalim ko siyang tiningnan. Napaawang ang labi nito na tila nagulat sa sinabi ko. "So, how long did you know her? Iilang buwan ka pa lang naman na naandito sa Pilipinas, Vrougn! It's too imposible for you to protect her from me. Sa akin ka dapat pumapanig. Ako ang kadugo mo, right? Huwag kang didikit sa kalaban natin! Idiot!" "Mahal ko si Althea! At hindi niyo siya magagalaw hanggat buhay ako, tita! Sinisiguro ko 'yan sainyo." Nagulat ako ng tumawa ng malakas ang ama ko. Hawak pa niya ang tiyan na tila may kumikiliti sa kanya. Nakisabay din sa kanya si Tita Verra at maging ang lahat ng mga tauhan nila. Pagkuway umangat ang tingin ng ama ko sa 'kin. Madilim na ang kanyang mukha. "Anong magagawa mo kung sakali mang kantihin namin ang babaeng mahal mo, mahal kong anak?" Sarkastiko niyang tanong. Pilit din akong ngumisi sa naging tanong niya at nakipagtitigan ako sa kanya. "Marami.. Marami akong magagawa para sa kanya, dad. Hindi katulad mo. Dumidikit sa saya ng babaeng katabi mo para lang matawag kang malakas." Tumalim ang titig sa akin ng ama ko. Susugurin niya na sana ako ngunit pinigilan siya ni Tita Verrah. Lumapit ng ilang hakbang sa akin si Tita Verrah ng nakangisi ng nakakaloko. "Kung sabagay, naitakas mo nga naman si Althea sa amin noon at nagawa mo pa siyang itago. Napakatibay mo. At ang malala pa roon ay nagawa mong paslangin ang tatlo sa pinakamagagaling kong tauhan. Hanga din naman ako sa galing mo, hijo." Muli akong ngumisi. Subalit, nawalang bigla ang ngisi ko nang biglang may lumabas mula sa isang pintuan at makilala kung sino iyon. Isa iyon sa mga tauhan ko! Damn it! Tinitigan ko siya subalit hindi siya makatingin sa akin. Bugbog sarado siya at puno ng latay sa katawan. "Anong ginawa niyo sa kanya!?" Umakyat na sa ulo ko ang galit. "Alam mo bang aalis sana kami kanina patungong ibang bansa upang magpalamig ng ulo subalit napendyente iyon dahil dito sa aso mong sunod ng sunod sa'min?" Hinawakan ni Tita Verra ang ulo ng tauhan ko. "Panoorin mo kung paano akong maglaro, Vrougn. Ganito ang gagawin ko sa mga sagabal sa plano ko." At walang ano-ano'y nilaslas ang leeg nito. "Ahhhhhhhhh!!!" Humihiyaw sa sakit ang tauhan ko. Napapikit ako dahil hindi ko makayanang makita ang brutal na ginagawa ni Tita Verra. "Aakkk.." Huling tinig ng tauhan ko na ikinamura ko. Tuwang-tuwang hiniwa ni Tita Verra ang leeg ng tauhan ko at saka iyon sinipa at dumausdos sa marmol na sahig. "Hayoooooppppppp ka!!!!!!" Galit na galit akong sumigaw. Gusto ko siyang lapitan at dukutin ang puso niya! "Napakahayop mo!!!!" Lumapit naman ang ama ko kay Tita Verrah at kinuha dito ang latigo saka masama ang tinging lumapit sa akin. At wala ding ano-ano'y pinaghahampas na niya ako ng latigo sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Ni hindi ko na magawang makasigaw dahil bumubulwak na ng dugo ang bibig ko. Tumigil lang siya no'ng makitang nakahandusay na ako sa semento. Wala akong laban sa ngayon.. Subalit, kung bubuhayin pa nila ako ay pagsisisihan nila ng malaki! —————— Althea's Pov —————— Kulay rosas na silid at ang mabangong halimuyak ng bulaklak ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata ko. Napangiti ako nang makita ang kabuuan ng silid. This is my own room at the mansion. Totoo ngang nakabalik na ako. Subalit, nawala ang ngiti ko nang bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa labas ng gate. Si Vrougn! Kinuha si Vrougn ng tatlong lalaki at isinakay sa itim na Van. Napabalikwas ako sa kama at muling napaiyak. Sobra akong nagaalala. "Vrougn.." Siya namang pagbukas ng pinto at iluwa no'n si Daddy. Kasunod niya ang serbedora ng mansyon na may dala-dalang pagkain. "Mabuti naman at nagkamalay ka na, Althea Mari." Naupo siya sa sofa habang nananatili ang tingin sa 'kin. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Seryoso niyang tanong. Ramdam ko ang awtoridad doon. "Dad.. I-I'm not okay." Iyon lang ang naisagot ko. "Mm.. I can see that. Get up and eat." Bumangon ako sa kama at saka ako lumapit kay Daddy at yumakap ako sa kanya. Marahan naman niyang hinaplos ang likod ko. Pagkuway kumalas ako at lumuhod. "Dad, help me find Vrougn. Somebody took him. Hindi ko kilala ang mga iyon. Pero, malakas ang kutob ko na si Mommy Verra ang may pakana no'n. Dad.. Please.. Baka kung mapano si Vrougn. May sakit pa naman siya. Nilalagnat siya, Dad. Help me find him, please," umiiyak kong pakiusap. "Do you know that he is her nephew?" Tanong ni Dad. Tumango ako. "Yes po. Pero, iniligtas ako ni Vrougn, Dad. Kaya, siguradong galit na galit si Mommy Verra sa kanya." Napabuntong-hininga nag daddy ko. Hinawakan niya ako sa bumbunan ko at ginulo iyon. Inutusan niya na rin akong tumayo at kumain. Kaya naman ay agad akong tumalima. Hirap mang lunukin ang pagkain ay kinain ko pa rin. Pagkatapos ko ay naluluha na akong hinintay ang kasagutan niya. "Okay. Magpapadala ako ng mga tauhan para sugurin ang mansyon ng mga Del Rious. Bilang ganti na rin sa ginawa nilang pagkanti saiyo at sa pagpaslang sa driver mong si Kaleb." Halos mapatalon ako sa tuwa habang umiiyak pa ring yumakap uli kay dad. Lumabas na si Daddy sa room ko at ngayo'y magisa na naman ako. Nabawasan ng kunti ang pagaalala ko ngunit hindi pa rin ako makampante hanggat hindi ko nakikitang maayos ang kalagayan ni Vrougn. Wala man sa sarili ay napagisipan ko pa ring pumasok ng bathroom para maligo. Pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit ako. Matapos maligo ay mabilisan akong nagbihis. Hindi ko alam kung bakit para akong nagmamadali. Hindi ako mapakali. Until I heard my phone ringing. Kinuha ko iyon sa tukador ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was an unknown number. Walang pagaalinlangan ko pa ring sinagot iyon. "Hello?" "Do you want to hear him scream?" Tanong ng nasa kabilang linya. And, her voice sounds familliar! "Mommy Verrah?! Anong ginawa mo kay Vrougn!?" "Tell me you want him to scream!" Pasigaw na utos nito. "Tumigil ka na, Mom! Please! Not him! Wala siyang ginawa sa'yo!" Dinig ko ang malakas niyang tawa. "You think so? But, itinakas ka lang naman niya sa 'kin, hija. Mas malaki ang kasalanan niya dahil pakialamero siya!" "No!!!!!" Para akong panawan uli ng ulirat nang marinig ko ang malakas na daing ni Vrougn sa kabilang linya. Napaluhod ako sa sahig sa tindi ng awa. Napahagulhol na rin ako ng iyak. "Pumarito ka kung gusto mo pa siyang makita ng buhay!" anya at pinutol na ang linya. Hilam sa luha at halos malasahan ko na ang luha't sipon nang lumabas ako ng silid ko at dali-daling kinuha ang susi ng sasakyan ni ate Amirah. Subalit, sa entrada pa lang ng mansyon ay naharang na ako ng mga tauhan ni daddy. "Miss Althea, hindi ka maaaring lumabas at delikado." Pigil sa akin ng mga ito. "I need to go out! Kailangan kong makita ng buhay si Vrougn! Please, padaanin niyo 'ko." "Hindi ho pwede, Miss Althea." "Padaanin niyo siya." Si Dad. Hindi ko na nagawang lumingon pa dahil dali-dali na akong pumunta ng garahe at hinanap ang sasakyan. Nang makita iyon ay agad akong sumakay at mabilis iyong pinaandar palabas ng mansyon. Para akong nakikipagkarera sa bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. At sa side mirror ay kitang-kita ko na mayroong mga sasakyang nakasunod sa 'kin. Alam kong ilan iyon sa mga tauhan ni Dad. Atlast, nakarating na kami sa mansyon ng mga Del Rious. Sa bungad pa lang ay nakita na namin ang mga tauhan nina Mommy Verrah. Nakaposisyon ang mga ito at nakatutok ang mga armas sa akin. Sinakluban agad ako ng takot. "I want to see Vrougn. Please, let me in!" Pakiusap ko. Subalit, hindi na sa akin nakatingin ang mga ito. Paglingon ko sa likod ay siyang pagharurot ng mga sasakyan sakay ang mga tauhan namin. At mayroon pang ilang mga sasakyan na nagsidatingan. At nakilala ko ang isa sa bumaba doon. Si Holmer! Nakita agad ako nito at mabilis na lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo dito, Miss Althea? Delikado dito." Hinawakan niya ako sa braso at inilagay sa kanyang likuran. "Diyan ka lang at huwag kang aalis diyan sa likuran ko, Miss Althea. Malalagot ako kay young master kapag nadaplisan ni dulo ng daliri mo ng mga bala ng baril." Hindi ko na nagawang magsalita nang magsimulang magnegosasyon ng mga ito. Kinakabahan akong hinintay na matapos ang usapan nila ng mapayapa. At tila dininig naman ng langit ang kahilingan ko dahil nagsipag-atrasan na ang mga tauhan nina Mommy Verra at inilabas ng ilan sa mga ito si Vrougn na puno ng sugat sa katawan at wala ng malay. Patakbo kong nilapitan si Vrougn at nakapagtatakang nagising siya nang maramdaman ako. "Althea.." "Vrougn.. I'm here.. Your safe now." Napapaiyak kong saad. Hindi ko malaman kung saan ko siya hahawakan. Dahil maging sa mukha ay may sugat siya. "Dadalhin ka namin sa hospital." Agad naman siyang tumango. Nakaalalay si Holmer kay Vrougn habang ako ang nasa kabilang gilid niya. Isinakay namin siya sa sasakyan at halos paliparin na namin ang sasakyan patungong pagamutan. Pagkarating namin doon ay mabilis na inasikaso ng mga nurses at doktor si Vrougn. Agad nilang ginamot ang mga sugat at tinahi rin ang malalalim doon. Matapos lagyan ng anti-biotic ang dextrose ni Vrougn ay nagsilabasan na ang mga ito. Naiwan kaming dalawa ni Holmer sa loob ng emergency room. Hinihintay namin ang nurse na dalhin si Vrougn sa private room. Kalahating oras bago nailipat ng kwarto si Vrougn. At hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. Saka naman dumating si Daddy at nakita niya ang hitsura ni Vrougn. Nakita ko ang awa sa mukha niya. "He sacrifice his own life just for me, dad. Pero, hindi ko naman kakayanin kung makikita ko siyang ganyan. Marahil, hindi niya nagawang makapanlaban dahil nagiisa lang siya at may sakit pa." Pagsusumbong ko. Tila gripo na naman ang mga luha ko. Hinawakan ako ni Dad sa balikat. "Take good care of him. Be brave enough, Althea Mari. He needs you too." Ani dad at nagpaalam na uli. Tinanguan lang din niya si Holmer na nasa likuran ko na nakikinig lang. Nabaling ang paningin ko kay Vrougn. Sumampa ako sa kama niya at hinaplos ang mukha niya na may latay ng latigo. "Don't cry, baby. I'm still alive. I love you." Napahikbi akong lalo sa sinabi ni Vrougn. At nagapapasalamat akong gising na siya uli. Niyakap ko siya kahit pa nga alam kong may mga gamot na ipinahid sa mga sugat niya. "Let's go to Isla Del Fuego, Althea. Your sister is in danger right now." Napakalas ako at gulat akong napatingin sa kanya. "What do you mean?" "Patungo na sina Dad at Tita Verra doon para kunin ang isla sa kapatid mo. Iyon ang isa sa pinupuntirya nilang makuha. Naroon ang kapatid mo at delikado ang buhay niya," sabi niya at saka tumingin kay Holmer. "Buddy, ipadala mo dito ang chopper at tutungo tayo sa Isla Del Fuego ngayon din." "Yes, boss." Tumalima namang agad si Holmer. Sandali itong tumalikod at may tinawagan. Maya-maya'y muli ng bumalik. "Parating na dito, boss." "Thank you, buddy." Nanghihina pa ring pasalamat ni Vrougn. Muli na namang sinakluban ng takot ang dibdib ko. Nagaalala ako para sa kaligtasan ng kapatid ko! Oh god... Hinawakan ni Vrougn ng mahigpit ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya. Hinalikan niyan iyon. "Dazsher will protect your sister, baby. 'Wag kang masyadong magalala." "Kailangang malaman agad ito ni Dad at ng makapagpadala din siya ng mga tauhan niya doon." Inilabas ko ang phone ko ngunit pinigilan na ako ni Vrougn. "Alam na rin ng daddy mo ang tungkol diyan. Pumunta siya dito kanina para kumpirmahin iyon." "Paanong nakumpirma ni Dad? At paano mong nalamang pumunta siya dito? Eh, tulog ka, Vrougn!" "Bago ka pa pinapunta ni tita Verrah sa mansyon ay nauna na niyang tinawagan ang daddy mo. Pinagpipili ang daddy mo kung sino sa inyong dalawa ni Miss Amirah ang unang ililigtas." Napaawang ang bibig ko. "Ibig sabihin ay ako ang unang pinili ni Dad? Kaya ba nandito siya kanina?" Tumango siya. "Oo at nakita ka na niyang ligtas kaya pumaroon na siya sa Isla para sa kapatid mo. Dalawa kayong kailangan niyang iligtas sa kamay ng kinamulatan ninyong ina." Napaiyak akong muli. Gusto kong makita ang daddy ko at yakapin siya ng sobrang higpit. Lord.. Protect my love ones.. Protect my family.. Protect my dad. "Nariyan na ang chopper, boss. Sigurado ka bang sasama ka pang pumaroon sa isla? Hindi ka pa magaling," ani Holmer. Bakas ang pagaalala sa mukha. "Vrougn, ako na lang ang pupunta ng isla. Dumito ka na lang at magpagaling." Pasigunda ko naman sa sinabi ni Holmer. Umiling si Vrougn at sinikap na bumangon sa kama. Siya na rin ang tumanggal ng dextrose niya at nilagyan ng benda ang sugat nang tumulo ang dugo doon. Papalabas na kami ng room nang harangin kami ng dalawang nurse. "Sir, you're not yet okay. Dumudugo pa ang mga sugat niyo. Just stay here," ani ng isa. Ngunit hinawi lang ni Vrougn ang kamay ng dalawang nurse. "I'm okay now and I have to go." May kinuha siya sa pitaka niya at inilabas ang card doon. "Ibawas mo na lang diyan ang bill ko. We'll go ahead. We're in an hurry." Wala ng nagawa pa ang dalawang nurse at kahit pa ang mga guards ay hindi kami napigilan. Marahil ay nakilala rin ako ng mga ito kaya nakaalis kami ng hospital at nakasakay ng chopper ng matiwasay. Sa himpapawid pa lang ay abot-abot na ang takot ko. Ayaw kong umabot sa madugong labanan ang galit na namuo sa puso ni Mommy Verrah. Ayaw kong manaig ang kasamaan niya. At hiling ko na sana'y matapos na ang gulong ito. I really do hope that everyone will be safe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD