CHAPTER 15: TAKEN AWAY

2659 Words
Vrougn's Pov THE NIGHT I left Althea in the room after giving her some punishment for saying those unbearable words, I stayed on the rooftop and didn't expect I slept there. Wala sa plano ko ang matulog doon. Nagalala tuloy ako kay Althea na baka kung saan-saan niya na ako hinanap. Takot pa man din iyong magisa kapag gabi na. Kaya lang, wala akong nagawa dahil umaga na ng magising ako. At kung hindi pa ako nasilaw sa sinag ng araw ay hindi pa ako magigising. "Damn.. it.." Napatikhim ako ng ilang beses dahil mukhang barado ang lalamunan ko. Nananakit din iyon. "Tsk. Tonsils, I think." Mahina kong bulong habang pababa na ng bubong. Tumalon na ako mula sa itaas. Dumeretso muna ako sa banyo para maghilamos at para na rin magsepilyo. Pagkatapos ay naghanap ako ng kalamansi para inumin ang katas noon upang mawala ang tonsils sa lalamunan ko. After that, hinarap ko na ang kalan at mabilis na nagluto ng almusal. Egg and meatloaf na lang ang niluto ko para mabilis at isinangag ko ang tirang kanin kagabi. Hinugasan ko na rin ang mga pinagkainan namin na basta na lang namin iniwanan kagabi. Nang matapos ay tinungo ko ang kwarto para yayain na si Althea ngunit nakita kong tulog na tulog pa ito. Kaya muli akong lumabas ng kwarto saka eksakto namang tumunog ang beeper ko. Hindi ko muna iyon sinagot. Dumeretso ako papalabas ng bahay at pumunta sa dalampasigan. Saka ko iyon nagawang sagutin. "Yes, buddy? Anong balita?" Walang kagana-gana kong tanong. "Good morning, Young master. Yeah, I have some good news to you." "What is it?" "Napagalaman kong tutungo sa Spain sina Donya Zilverrah at ang iyong ama, boss. Ngayong araw mismo. Matapos ng nangyaring kaguluhan kahapon." "Good to know that but what chaos? What do you mean? Anong nangyari diyan?" Pagtataka ko. "Kahapon ginanap 'yong kasal sana nina Dazsher at ni Miss Xindy subalit hindi natuloy." "Wait. What?? Paanong hindi natuloy ang kasal nina Dazsh at Xindy?" Alam kong ipinagkasundo ang dalawa. At alam ko rin na hindi pumayag si Dazsh doon ngunit wala siyang kawala kay Xindy dahil nga sa nalaman din namin na nagdadalantao nga raw ito. Nalaman ko iyon noong ikalawang beses kong pumunta ng Isla Del Fuego nang hindi alam ni Althea sapagkat tulog siya no'ng umalis ako. Ngayon, gusto kong malaman kung bakit hindi natuloy ang kasal. Anong ginawa ni Dazsh para hindi iyon matuloy? "Anong naging dahilan, buddy?" Muli kong tanong ng hindi pa rin nagawang sumagot ni Holmer sa kabilang linya. Hindi naman sa gustong-gusto kong ikasal ang dalawa, ang totoo, si Miss Amirah ang gusto ko para kay Dazsher. "Well, dumating 'yong lalaking nakadisgrasya kay Miss Xindy, the real father of Xindy's baby. So, nagkaroon ng commotion between Del Rious and Morillo's. And there, the wedding is off. The bride ran away with the guy," mukhang baklang pagbabalita niya. "Okay. That's a good news, buddy. Dazsh is totally free now." Nakahinga ako ng maluwag. Mas mapaninindigan na ni Dazsher si Miss Amirah. I was so afraid thinking that Dazsh will got married with Xindy. Hindi sila bagay, eh. And now he's free. Alam ko rin na may namamagitan ng relasyon kina Dazsher at Miss Amirah. Ngayon ay wala ng hahadlang pa sa kanilang dalawa. "I'm very happy to know that." "But someone is not happy right now, I felt it." Anya na ikinangunot ng noo ko. Alam kong ako ang pinatatamaan niya. "Isa lang ang gamot diyan—" nang biglang maputol ang linya. "What the—" tatawag na sana ako para singhalan siya ngunit nagulat ako ng biglang tumunog ang beeper ko. "Bakit naputol, buddy?" Hindi ko na siya tinanong sa huli niyang sinabi kanina. Dahil puro lamang kalokohan ang lalabas sa bibig niya. Nagpalatak siya ng dila sa kabilang linya. "Sorry, boss. Hindi ko sinasadyang mapindot 'yong end button nang magtago ako. Muntikan na akong makita ng iyong ama." Napahagikhik pa siya ng dahil sa sinabi niya. Saka nasaan ba siya? Bakit siya nagtatago? "Ang sakit ng likod ko, boss. Naka-shoot ako sa basurahan, eh. Tae na." Gusto ko sanang bumunghalit ng tawa ngunit pinigil ko ang sarili ko. Napapailing na lamang ako at pagkuway sumeryoso. Nagtataka kasi ako kung bakit niya pinagtataguan si Dad. "Where are you? Bakit ka nagtatago?" "Nandito ako ngayon sa airport at nagmamasid sa kanila. Sinisiguro ko lang na lilipad nga ang eroplanong sasakyan nila patungong Spain." "Nice job, buddy. Maaasahan talaga kita kahit kailan. So, is it safe if we come back there today? Wala ba silang mga tauhang umaali-aligid kung saan-saan?" "Thank you, but—Wait. Wait. Wait. You mean, boss, babalik na kayo rito ni Miss Althea? Bakit?" Takang tanong niya. Napailing ako. "No more question to ask, buddy." Ayaw kong sabihin ang naging dahilan kung bakit kailangan ko ng iuwi si Althea. "Babalik na kami diyan ngayon din mismo." "Oh, okay, boss. Copy. About your question, yes, you are both safe now. The devil is out. Kukunin na sila ni lord at huhukuman na. Hehehe!" Pagbibiro niya na ikinailing ko lalo. Wala talaga ako sa mood para makipagbiruan ngayon. Pero, hindi ko na lamang iyon pinansin. "At walang mga ulupong na nagkalat dito. Marahil, nagtatago na sa kani-kanilang mga lungga dahil aalis ang kanilang mga pinuno." "Tsk. Okay then. Make sure of that, buddy. Kailangang makauwi ng ligtas si Althea sa mansyon nila. So, I need chopper now. Babalik na kami diyan ngayon at iuuwi ko na si Althea sa kanila. In thirty minutes ay dapat nandito ka na, buddy, okay?" "Huh? Pero, boss, hindi pa sila nakakaalis. Kailangan ko munang masiguro na makakaalis sila. Baka prank lang nila 'to." "Umalis ka na diyan. Magutos ka na lang ng isang tauhan na magmamasid diyan at ireport sa'yo. Pumunta ka na dito ngayon na." "Okay, sige, boss. Masusunod." "Bye." Pinatay ko na ang tawag. Kilala ako ni Holmer. At kapag minamadali ko siya ay dapat oramismo ay nandito na siya. Napabuntong hininga ako. Ngayong aalis sina Tita Verra at Daddy, mas makagagalaw na kami sa aming ginagawang imbestigasyon. Tinanaw ko ang dagat. Sobrang linaw no'n at tila iniengganyo akong maligo. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Sumasama na ang pakiramdam ko ngayon. Mukhang tatrangkasuhin pa yata ako. Hindi ko iyon ininda at saka ko hinubad ang damit pangitaas at lumusong ako sa tubig para matanggal ang p*******t ng katawan ko. Kasalanan ko ito dahil umakyat-akyat pa ako sa itaas ng bubong at doon nakatulog. Nahamugan tuloy ako. Saglit pa akong nagbabad sa tubig at maya-maya'y umahon na ako dahil nakaramdam na ako ng lamig. Saka ako muling naupo sa buhanginan at ipinagsalikop ang mga kamay. Napayuko ako at bigla akong nakaramdam ng lungkot. Naaalala ko na naman ang tungkol sa mga nasabi ni Althea kagabi at totoong nasaktan ako doon. Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi na pagdudahan ako, kami ni Dazsher. I understand her but my heart still feel the pain. Nalulungkot din ako na hindi ko na siya makakasama ng sarilinan kapag iniuwi ko na siya sa kanila. Hindi ko alam kung makakasama ko pa ba siya doon. Mamimiss ko ang mga araw na magkasama kami dito. Kung pwede ko lang siyang itira dito habang buhay ay gagawin ko. Kaya lang, hindi pwede. She has a family. Her family needs her. At wala pa kaming basbas mula sa pamilya niya. Handa na rin akong tanggapin anuman ang kaparusahan na igagawad sa akin ng ama niya. Hindi pa rin tama ang ginawa kong paglayo kay Althea mula sa pamilya niya para lang maproteksyanan ito. Nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap sa likod ko at kilalang-kilala na iyon ng sistema ko. Subalit, hindi ako nagpahalatang nagulat. Hinayaan ko lang siyang yumakap sa akin. Ninamnam ko iyon dahil isa iyon sa mga mamimiss ko sa kanya. "I'm sorry.. I'm so sorry, Vrougn. Sorry kung nasabi ko iyon. Bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko at hindi ko sinasadya iyon. I believe you and I trust you." Hindi ako umimik. Masaya ako dahil naniniwala siya sa akin at pinagtitiwalaan na niya ako. Masaya ako. Ngunit buo na ang desisyon kong umalis na ng isla at iuwi na siya sa kanila. Naramdaman kong kumalas siya sa akin at tumayo sa harapan ko. Nagtatanong ang mga mata niya tumitig sa akin. "Do you wanna go home? You don't have to answer me. Iuuwi na kita sa mansyon ninyo ngayon," seryoso kong tanong. "Vrougn.." Nakita kong lumamlam ang mga mata niya at tila maiiyak na. Para namang sinaksak ang puso ko sa tanawing iyon. Napabuntong hininga ako at ibinaling sa iba ang paningin ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero parang mayroong pumipigil sa 'kin. Pinatatag ko ang sarili ko. "Hindi na kita itatago dito. And I think, you will be safer there in your mansion than here in island with me," pinaseryoso ko lalo ang boses ko at saka ako tumayo. Umiigting ang mga panga ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko kayang makitang nalulungkot siya kaya tumalikod na ako at iniwanan na siya. Mabibigat ang mga hakbang kong bumalik ng kabahayan. Gusto kong lingunin si Althea pero kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko na siya magawang ibalik sa mga magulang niya at ikulong na lamang siya dito kasama ko. Ngunit hindi ako gano'n ka-selfish na tao. Kailangan siya ng pamilya niya. Kailangan niya ng bumalik. Kaya't tiniis kong huwag siyang tignan hanggang sa makita ko na lang siyang nauuna ng maglakad at naunang pumasok sa kwarto saka dumeretso sa banyo. Dinaanan niya lang ako. I took a deep breath and trying to ease the pain inside me. Nagsimula na akong um-empake ng gamit. Dahil hanggang sa matapos ako ay hindi pa rin lumalabas si Althea ay ako na mismo ang nagempake ng mga gamit niya. Inihanda ko na rin ang damit na isusuot niya pagalis. Kakatok na sana ako sa banyo nang kusa na iyong bumukas at makitang nakaligo na si Althea. Hindi ko siya tinignan sa mga mata dahil batid kong umiyak siya kaya siya natagalan sa loob. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nagbibihis na. Kung kaya't nagbihis na rin ako. Wala kaming kibuang lumabas ng kwarto. Bitbit ko ang mga gamit namin paglabas ng kabahayan. Nakita ko siyang dumeretso sa pampang ng dagat at doon napagisa. Hindi alintana ang sikat ng araw. Hindi ko na siya nagawang sundan. Pinagmasdan ko na lamang siya sa malayo. Hanggang sa madinig ko na ang tunog ng chopper na papalapit na sa amin. Eksaktong paglapag niyon ay nagmadali namang sumakay doon si Althea. Ni hindi na ako nagawang hintayin para tulungan siyang makasakay. Lumapit na rin ako at bago pa man ako sumakay ay nilingon ko muna ang bahay kung saan maraming alaala namin ni Althea. Malungkot akong tumalikod at saka sumakay ng chopper. Wala na ring tanong-tanong na muling ipinalipad iyon ni Holmer. —————— Althea's Pov —————— MULA no'ng umalis kami ng isla hanggang sa patungo na kami ng mansyon ay wala kaming kibuan ni Vrougn. Hindi ko na siya kinibo dahil alam kong masama ang loob niya sa 'kin. Nahihiya ako sa kanya. Sa kabila ng kabutihang ginawa niya sa akin ay pinagdudahan ko pa siya, sila ni Dazsher. When I took a glanced at him, I saw sadness in his face. At hindi ko alam kung bakit parang napakabigat ng katawan niya ngayon. Napakatamlay niya. Maging ang mga mata niya ay napakalamlam. Ngunit, dumaragdag lamang iyon sa taglay niyang kakisigan. Napakagwapo niya habang nagmamaneho ng sasakyan niya. Inalis ko ang paningin sa kanya. Ibinaling kong muli sa labas ng bintana ang paningin. Lihim akong nangiti dahil tinatahak na namin ang kalsada patungo sa mansyon namin. I really can't wait to see my family, my dad.. my real mom, Kean, and of course I want to lay my body on my own bed. Pero, bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ang iniwan naming bahay sa isla. Masasabi kong iyong lugar na iyon ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko. Syempre, doon ko nakasama si Vrougn at doon ko isinuko ang lahat ng akin. Doon ko naramdaman ang totoong saya, saya na kasama siya.... Bigla akong napalingon kay Vrougn at nagulat naman ako ng makitang nakatingin na rin siya sa akin. "We're here," he said in a very low voice. Para siyang namamaos. Marahil sa tagal niyang pananahimik kaya gano'n. Tumango ako ngunit hindi ko magawang alisin ang seatbelt at parang ayoko pang umalis sa kotse. Gusto ko pa siyang makasarilinan. "Sorry." Lumapit siya sa 'kin. Napapikit pa ako dahil inakala kong yayakapin niya ako pero nagkamali ako dahil ini-unlock niya lang pala ang seatbelt ko. Nahihiya akong nagmulat ng mga mata. Napatikhim siya. "There. You're now free." Hindi ako makagalaw ng titigan niya ako. "T-Thank you. Come with me inside." Yaya ko sa kanya. Tumango siya. "Yes, of course. Kailangan kong harapin ang galit ng parents mo." "I'll help you explain to them, don't worry." Tipid siyang ngumiti. "Thanks." Hindi niya maalis ang tingin sa 'kin. Umiling ako. "Ako nga ang dapat na magpasalamat sa'yo, eh. Kaya ako na ang bahalang magpaliwanag kay Dad." Nginitian ko na rin siya. Doon na siya lumapit sa akin para siilin ako ng halik. Nangunyapit ako sa batok niya at doon ko naramdaman na napakainit niya. Ngunit, hindi ko pa magawang kwestyunin iyon dahil mas umiinit ang pakiramdam ko ngayong mas pinalalalim niya ang halik sa akin. Lumipat ang labi niya sa pisngi ko papunta sa tenga ko at pababa sa leeg ko. Para na akong sinisilaban ng apoy ngunit hindi kami maaaring magniig sa sasakyan dahil siguradong may makakakita sa amin. Nakuntento na lamang kami sa halikang iyon hanggang sa mapagod. Matapos ang mapusok na halikang iyon ay iniayos niya ako ng upo. Sinuklay niya rin ng kanyang mga daliri ang nagulo kong buhok. Pati na rin ang nalilis kong strap ng dress ay isinukbit niya sa balikat ko. Saka ko siya kinuwestyon kung bakit napakainit niya. "Masama ba ang pakiramdam mo? Napakainit mo kasi, eh." Idinampi ko pa sa leeg at noo niya ang likod ng mga palad ko. Tumango siya ngunit nakangiti pa. "You're my medicine, baby." Muli niya akong dinampian ng halik sa labi. "Your kiss is my medicine rather. Mamaya wala na 'to." Natampal ko siya sa dibdib sa kapilyuhan niya. "Inom ka ng gamot pagpasok natin sa mansyon, ah? And, you can stay at the guest room. Aalagaan kita hanggang sa mawala 'yang sakit mo." "Wow.. I'm so lucky." Muli na naman niya akong hinalikan pero hindi na nagtagal iyon. Binitawan niya na ako. "Halika na. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong angkinin ka dito." "Sira!" Nangingiti akong hinintay siyang pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Inilahad niya ang kamay niya para alalayan akong makababa. "Thanks." Magkahawak-kamay kaming tinungo ang gate ngunit bumitaw siya sa 'kin dahil may naiwan raw siya sa kotse kaya hinintay ko na lamang siya. Hinarap ko ang voice unlocked ng gate. Eksaktong pagbukas no'n ay tumambad sa akin ang mga naglalakihang katawan ng mga guwardiya doon. Nagulat ang mga ito pagkakita sa akin at tarantang nagsipagyukuan. Nasa gano'n kaming posisyon nang biglang may rumagasang sasakyan sa likuran namin kaya't napalingon ako. Huli na ng makita kong makuha si Vrougn ng tatlong armadong lalake ng walang kahirap-hirap. Natulala na lamang ako habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Hindi na ito nagawang sundan ng mga guwardiya namin dahil ako ang mas prinotektahan nila. "What happened here?" Dinig ko ang maawtoridad na boses ni Daddy. Gusto ko na siyang harapin ngunit napapako pa rin ang paningin ko sa sasakyan ni Vrougn na nakahimpil sa harapan. "Althea!?" Doon na ako humarap at saka napahagulhol ng iyak. "V-Vrougn was taken away from me with those men. Vrougn was taken away from me.. Vrougn!" "Oh my baby!" Boses ni Mommy Adriana na tumakbo papalapit sa akin. "Oh no!" Dinig kong sigaw nito nang manghina ako at mawalan na ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD