Althea's Point of View
SAMPONG minuto lang ang sinabi ko kay Vrougn para sa pamamahinga ko ngunit nagising ako na halos tagaktak na ako sa pawis dahil sa tirik na tirik na pala ang araw. Kinisap-kisap ko ang mga mata ko at naginat ng mga braso ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Noon ko lang napansin na nakalingkis pa pala ang mga naglalakihang braso ni Vrougn sa akin. Gustuhin ko mang bumangon ngunit hindi ko magawa.
Nang tingnan ko si Vrougn ay tulog na tulog din pala ito at naliligo na rin sa sarili niyang pawis! Bahagya pa itong humihilik sa lalim ng kanyang pagkakatulog.
Gigisingin ko na sana siya nang bigla akong matigilan. Napatulala ako sa mukha niya. Noon ko lang siya napagmasdan ng malapitan na hindi nakakaramdam ng pagka-ilang. Vrougn has a heart shape and hallowed face. Para siyang hinulma sa pagkakaperpekto! His jawline, its so damn handsome! May kakapalan ang itim na itim niyang kilay na animoy ginuhit, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at ang kulay rosas niyang labi. Mayroon silang pagkakahawig ni Dazsher ngunit higit na maganda ang balat ni Vrougn. Napakaputi niya at halatang sa ibang bansa nga lumaki.
Nanatili akong nakahiga sa dibdib niya at pilit kong kinakalma ang sarili. Pakiramdam ko kasi ay uminit bigla ang katawan ko dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin.
Subalit, kailangan na naming bumangon at magpatuloy. Napakainit na. Alam kong kasalanan ko kung bakit inabot na kami ng sikat ng araw nang hindi pa rin kami nakararating sa gubat.
"You're awake?"
Nagulat ako sa biglaan niyang tanong. Nagising na rin pala siya ng di ko man lang namalayan.
"Yeah.. Let's get up now, Vrougn. We'll go fishing and harvesting pa." yaya ko sa kanya.
Doon naman siya agad na nagmulat at bahagya pa siyang nagulat pagkakita sa akin. Napangisi ako dahil sa inakto niya.
"Sorry. Nagising ba kita? Nakatulog ka din, eh."
Napailing siya. "No. It's okay." Anya at hinaplos ang pisngi ko. "Your sweating." pinunasan niya ang pawis na tumulo sa may bandang noo ko.
"Oo nga eh. Napakapresko dito kaso tumatama na sa atin 'yong sikat ng araw kaya't pinagpapawisan na tayo."
"Hindi natin namalayan 'yong oras. Ang taas na ng sikat ng araw." sabi niya at agad naman niyang pinunasan ang pawis sa parteng leeg niya. "Halika na at bibilisan na lang natin ang pagpunta roon. Ayokong masunog ang balat mo sa tindi ng init mamaya."
Tumango ako saka agad ng bumangon. Naunahan ako ni Vrougn kaya't tinulungan niya na akong makatayo.
"Thank you." sabi ko habang pinapagpagan ang damit ko na nadikitan ng mga tuyong dahon.
Nang matapos sa ginagawa ay napaangat ang tingin ko kay Vrougn at nagulat ako nang gahibla na lamang ang pagitan ng mga mukha namin. At sa isang iglap ay siniil niya ako ng halik. Nabigla ako ngunit agad din akong naka-recover. Saglit niya lang akong hinalikan ngunit nagdulot iyon ng matinding kiliti sa katawan ko.
Marahan kong nahampas ang dibdib niya pagkatapos. "Ikaw talaga.." napapailing kong sabi at agad na tumalikod sa kanya. Pakiramdam ko ay pulang-pula na naman ang mukha ko.
Rinig ko ang mahinang ngisi ni Vrougn dahilan para muli akong mapalingon sa kanya. Tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"I think I'm in love with you, Althea.. I love to kiss you everyday and every night, every hour and every minute." nakangiti niyang pagamin habang napapakamot pa sa batok.
I swallowed my own saliva because of what he confess. But I take it as a joke. I know he's not serious with that. "We need to find foods na, Vrougn.. Kundi, magugutom tayo." pilit akong ngumiti sa kanya.
Ngunit seryoso siyang lumapit sa akin upang iangat ang mukha ko upang magpantay ang mga paningin namin. "Althea, will you marry me? Please, be my wife now?" Anya na ikinaawang ng bibig ko.
God! Is he serious?
Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina sa narinig ko kaya't napasandal ako sa punong kahoy na nasa gilid ko.
Mabilis naman niya akong inalalayan. "Are you okay?" Nagaalala niyang tanong.
Tumango ako. "Y-Yeah.. Sorry, nabigla lang ako sa tanong mo." pilit kong kinakalma ang sarili ko. "T-Tulog ka pa rin ba, Vrougn? Nananaginip ka pa yata, eh. Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" Napapangiwi kong tanong.
Umiling-iling siya. "I'm awake, Althea. And I'm serious with what I said and asked you." seryoso niyang sabi na ikinabahala ko.
Pero pilit pa rin akong ngumiti. "You're not. Your just kidding me, right? Come on, Vrougn!"
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang ngumisi. "Please marry me.. Kahit kunwari lang." Kinuha niya ang mga kamay ko at saka niya ipinagsalikop ang mga iyon at ipatong sa malapad niyang dibdib.
Hindi ko alam kung anong trip niya pero siguro sasakyan ko na lang siya...
Ngumiti ako sa kanya.. "Are you that madly in love with me, huh?" tanong ko na ikinatango-tango naman niya. "Hmm.. Okay... I'll marry you then."
Namilog kunwari ang mga mata niya at napaawang ang bibig. "Oh, god! Thank you!" Mahinang sigaw niya at saka mabilis akong binuhat at pinaikot-ikot sa ere!
Wait..? Akala ko ba kunwari lang??
But then, fine.
Promise! Mukha kaming bata. Hindi ko alam kung anong trip niya or is this his way para makalimutan muna namin saglit ang sitwasyong kinakaharap namin sa totoong buhay namin sa labas nitong Isla? Maybe.. Sasakyan ko na lang ang gusto niya.
"So where do you want to go for our honeymoon, baby?" Tanong niya ng maibaba niya ako.
"For now, let's not talk about it here, Vrougn. Let's go harvesting our food for lunch before that. Mamaya na natin pagusapan ang tungkol diyan." yaya ko sa kanya at saka nagpatiuna na akong naglakad sa kanya.
Subalit ilang minuto na akong naglalakad ay hindi ko pa rin maramdaman ang presensya ni Vrougn kaya't nagtataka akong lumingon sa likuran ko.
Nangunot ang noo ko nang makita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin at napakalawak ng ngiti.
"For you.." anya ng makalapit at iniabot sa akin ang tatlong piraso ng kulay pulang rosas.
Abot-tenga naman ang ngiti kong inamoy-amoy ang mga iyon. "Wow! Thank you so much. Where did you get these?"
"There." Turo niya sa may gilid ng talampas sa may di kalayuan. "Do you like it?"
Tumango ako. "Yeah. I like roses. Thank you."
"Anything for you.." Anya at inakbayan ako at inakay na para muling magpatuloy sa paglalakad.
"Vrougn.." Tawag ko sa kanya habang magkapanabay kami sa paglalakad.
"Hmm?"
"Makakapanghuli pa ba ng isda 'yang pamingwit na dala-dala mo?" Curious kong tanong. Ngayon ko lang ito nahalata.
"I do not know yet. Let's try it later kung makakapanghuli pa 'to ng malaking isda. It's too old na din kasi."
"Oo nga, eh. Mukhang kinakalawang na rin ang reel niya. But, hopefully magamit pa natin."
"I hope so. Anyway, mauuna akong maglakad sayo. Tatagpasin ko lang ang mga talahib na humaharang sa dadaanan natin. Just follow me okay? Baka mawala ka rito.." anito at nagpatiuna ng naglakad at ginawa nga ang sinabi.
Sumusunod naman ako sa kanya ngunit napakalalaki ng mga hakbang niya at pakiramdam ko ay maiiwanan niya na ako.
"Napakabilis mong maglakad, Vrougn. Hindi ako makasunod sa 'yo." Reklamo ko. Minabuti ko munang huminto kaya tumigil din siya sa paglalakad at pagtatagpas ng mga talahib. Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Wait!"
"Huh? Why did you stop walking? Pagod ka na ba ulit? Kunting tiis na lang, malapit na tayo."
"I'm okay.. Di lang kita mahabol, eh. Ambilis mong maglakad kasi." Nakangiwi kong saad at saka lumapit na sa kanya.
Hinawi naman niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko gamit ang isang daliri niya at mabilis niya akong kinintilan ng mababaw na halik sa labi. "I'm sorry. Let's go. Tanghali na kasi, eh. We need to hurry."
Tumango ako kaya muli na niyang ibinaling ang sarili sa daan.
Ako naman ay napapalunok na nakatingin sa likod niya habang nakasunod. Napahawak ako sa mga labi ko at hinaplos ito. Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses na niya akong nahalikan. Pero, inaamin ko rin na nagugustuhan ko iyon.
Ngayon pa lamang kami nagkasama pero parang matagal na kaming nagkakilala. Are we really connected with each other? There's a part of me saying that we had a connection.
ATLAST. Nakalabas na kami sa talahiban at ngayon ay nakikita ko na ang b****a ng gubat. Hindi ito tipikal na kagubatan na mayroong malalaki at matataas na puno. It's just a mini forest. Sakto lang din ang taas ng mga punong natatanaw ko.
Napalingon ako kay Vrougn na ngayon ay nakalingkis na sa beywang ko ang isang braso. Magkapanabay na kaming muli sa paglalakad habang tinatahak ang daan.
"Do you know that you're the reason why I'm here?" Dinig kong tanong niya.
Nangunot ang noo ko. "Huh?"
"Kung may dala ba akong singsing na ibibigay sayo, maniniwala ka bang totoong seryoso ang pagalok ko sayo ng kasal?"
"Vrougn..." napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero kailangan kong magsalita. "Vrougn.. I thought, nagbibiro ka lang? Ramdam ko naman na may gusto ka sa 'kin pero kasi... hindi ito 'yong tamang oras at tamang lugar para pagusapan 'to."
Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "I know.. But I just want you to know my real feelings." Huminto kami sa paglalakad at iniharap niya ako sa kanya. "Please, tell me you like me too, Althea.."
Tinitigan ko muna siya sa mga mata niya upang siguruhin kung seryoso siya sa mga sinasabi niya. At nakita ko nga na hindi siya nagbibiro. Kaya naman marahan akong tumango. "I-I do like you too.. Hindi ka naman mahirap gustuhin, eh. Pero sana, huwag mo muna akong tatanungin ng tungkol sa kasal. I know it can wait. Siguro kapag okay na ang situation ko? Natin?"
Nakangiti na siyang tumango. "Okay. But when everything is okay already, I will ask that question again and you have to say yes, Althea." Anya at mabilis akong kinintilan ng halik. "I'm happy to hear that you like me too. That's all I want to hear from you."
Napangisi ako sa pagiging clingy niya. Ewan ko ba kung bakit bagay na bagay pa rin sa kanyang maging ganyan. "Sigurista ka, eh, noh? Okay, fine. So, be serious na. Hindi ka gwapo kapag makulit, eh!" kinurot ko siya sa pisngi na ikinabigla niya.
Nang matauhan ay bigla niya akong kinabig at mabilis na siniil ng halik. Ilang minuto rin bago kami bumitaw sa isa't-isa.
"Seryoso nga ako!"
"Okay. Whatever." Natatawa kong tugon.
Muli niya akong niyakap at ikinulong sa mga bisig niya. "You made me complete, baby.. I'm so happy."
"Hmm.. Halika na, Vrougn! Tumuloy na tayo at baka abutan pa tayo ng gabi dito.. Lalo pa at tayong dalawa lang ang nandito. Nakakatakot sa lugar na 'to."
"Don't be afraid, baby.. I'm here." anya at ipinulupot ang isang braso sa beywang ko dahilan para mapaigtad akong muli. Nahalata niya iyon. "Masasanay ka din, baby. Lagi na kitang yayakapin.. at hahalikan! Hehe!" aniya kaya naman natampal ko siya sa braso na ikinatawa niya.
"Abusado."
"If my hug represented how much I like you, I would hold you in my arms forever, baby.." seryoso niyang sabi na ikinangiti ko. "Ayaw na kitang bitawan pa. At kahit ayaw mo, hindi talaga kita bibitawan kahit anong mangyari."
"Sabi mo 'yan ha..."
"I promise!" anya.
"Sana nga matigil na si Mommy Verra sa paghihiganti niya samin." Naisip ko habang naglalakad na kaming muli. "Ibinigay na din naman sa kanya ni Dad 'yong lupa na pagaari niya para manahimik lang siya. Pero hindi siya nakuntento dahil gusto niya yatang makuha ang lahat ng ari-arian ng mga Del Fuego. Ang kaso, hindi naman basta-bastang papayag si Dad do'n. Kaming dalawa ni Ate Amirah ang magmamana ng mga iyon. 'Tsaka wala namang karapatan si Mommy Verra, eh. Hindi naman sila kasal ni Daddy." Hindi ko intensyon na ibahin ang usapan ngunit iyon talaga ang naiisip ko. Hindi ko maiwasang isipin iyon, eh.
"Hindi ko nga rin malaman kung bakit nagkagano'n si Tita Verra. Wala rin namang naiku-kwento si Mommy about her. They are siblings but Tita Verra is so different."
"I didn't expect also na magagawa ito ni Mommy Verra. Buti na lang din at hindi namana ni Dazsher ang ugali ng biological parents niya?"
"Yeah. Dazsh is a nice man. Si Mommy Cita kasi ang nagpalaki sa kanya, sa aming dalawa. Kaya lumaki kaming may takot sa Diyos. Hindi mo kailangang gumawa ng masama para lamang sa isang bagay na dito mo lang din sa lupa mapapakinabangan."
Tumango na lang ako bilang tugon. Ang lalim ng mga sinabi niya. Napabuntong hininga na lang ako saka ko inihilig ang ulo ko sa balikat niya. And to my surprise, mabilis na naman niya akong kinintilan ng halik sa labi.
"Vrougn.."
Hinapit niya ang beywang ko nang mas mahigpit pa papadikit sa kanya. "Baby, masanay ka na sa halik ko.. Marami pa 'yan at pangako mas masasarap pa diyan!"
Hindi na ako sumagot pa bagkos ay umiling-iling na lamang ako at saka lihim na ngumiti.
Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit salita pa lang naman iyon ay para na akong nanghihina ngayon. Paano pa kaya kapag ginawa na niya iyon at ipinalalasap na niya sa akin? Oh goodness.. Napapakagat tuloy ako sa labi. Ano ba 'tong nangyayari sa katawan ko? Grabe naman din kung makapag-react..
But.. am I ready for it? My body wants to experience something new. But, am I ready to give in? Like last night... Muntik na akong bumigay..
Oo nga at ngayon pa lang kami nagkakilala at nagkasama. Ikalawang araw pa nga lang to be exact. Pero kasi, parang kilalang-kilala na siya ng katawan ko at nanghihina ako kapag nagkakadikit kami lalo na kapag inaangkin niya ang mga labi ko.