CHAPTER 2- "My Saviour"

2184 Words
Althea's Point of View BATID kong gising na ang diwa ko ngunit hindi ko pa magawang imulat ang mga mata ko dahil sa lumulukob na takot sa dibdib ko. Natatakot akong makita ang sitwasyon ko at ang mga taong kumuha sa akin lalo pa't nauulinigan kong naguusap-usap sila. 'What will happen to me now? My life is in danger.. Anytime soon, they will kill me or even r***d me! Oh God...' Mariin kong naipikit ang naluluhang mga mata. Napapaiyak ako nang muli kong maalala ang nangyari. Nagsisisi ako na hindi ko tinanggap ang mga tauhan na ipinapasama sa akin ni Dad. Sobrang naging kampante ako na kakayaning magisa ni Kaleb kung sakali nga na may magtangka sa akin.. Ngunit nagmali ako. Kahit si Kaleb ay napahamak din! Hindi ko rin malaman kung ano ba ang totoong nangyari kay Kaleb at bakit kung bakit siya naging duguan. Hindi sa mukha o sa ulo ang tama niya kundi sa bandang tagiliran niya! Dahil ba iyon sa pagkakaaksidente namin o may bumaril sa kanya habang nagmamaneho siya? Kasi bago pa man ang nangyaring pagkakabangga namin ay narinig ko ang pagdaing ni Kaleb! Hindi ko alam.. Hindi ako sigurado! 'God.. I hope he's still alive.. He's so good to me.. Please, save him.. Save us..' Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin ngayon. Are they gonna kill me now or torturing me first before they do that? My body was shaking. Natatakot ako! Alam kong hahanapin ako ni Dad at hinding-hindi 'yon papayag na may mangyaring masama sa akin, sa amin ni ate Amirah! 'I've trust you, Dad..' May ideya na rin ako kung sino ang nasa likod nito subalit hindi pa rin ako sigurado. Marami kaming katunggali at marami na rin kaming napabagsak na kompanya kaya't hindi ko alam kung sino ba ang mga ito. Who the hell they are? Pero, malakas ang hinala kong si Mommy Verra ang nasa likod nito! But, why me? Bakit pinupuntirya niya ko? Si ate Amirah ang alam kong sadya niya! Habang nananatiling nakapikit ay pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. "Buo pa rin ako.." bulong ko. Napabuntong hininga ako ng malalim. Lumuwag ng kaunti ang pakiramdam ko dahil buong-buo pa rin ako. Ipinagpapasalamat ko pa rin na hindi nila ako ginalaw na siyang unang pumasok sa isipan ko bago pa man ako mawalan ng malay-tao. Subalit, nananakit pa rin ang maraming parte ng katawan ko at higit na masakit ang ulo ko dahil din yata sa pagkakabagok ko sa sasakyan. Nahihilo pa rin ako. "I'll go ahead, Vrougn. You know what to do. Ikaw na ang bahala sa mga magulang niya, for sure magaalala iyon. Gumawa ka na lang ng alibi. Bahala ka na. Responsibility mo na iyan, panindigan mo. Please take care of her." 'Vrougn?? Is that a name? What are they talking about? And... Wait! That voice...' Malinaw ko ng narinig ang boses na iyon kaya't kinabahan ako! Hinintay kong muli itong magsalita ngunit hindi ko na ito narining pa. Kaya naman, agad ko ng iminulat ang mga mata! Mabilis kong hinanap ang nagmamayari ng boses sa buong sulok ng kwartong kinasasadlakan ko ngunit wala akong makita, wala akong taong makita! Subalit, nang mapadako ang paningin ko sa may pintuan ay doon ko nakita ang isang bulto ng lalaki na papalabas na. Ni hindi ko na tuloy nagawang makilala kung sino iyon pero hindi magkakamali ang pandinig ko! Sigurado ako doon! Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon! "Dazsher..." mahinang bulong ko. Yeah! He is! He's my friend—no! My closest friend of mine! But, why he's here? What's the meaning of this? "Akala ko ba ikaw ang magpu-protekta sa akin, Dazsh? Bakit nandito ka kasama ng mga dumukot sa 'kin? Why? I trusted you so much..." I silently sobbing.. Nangilid ang mga luha sa mata ko. Nalulungkot ako sa kaisipan na trinaydor ako ng taong sobrang pinagkatiwalaan ko.. "Thanks God your awake, Miss Althea Del Fuego." Napapitlag ako sa panibagong boses na iyon! Napalingon ako sa taong iyon at nakita ko siyang kalalabas lamang sa isang bukas na pintuan. I mesmerized by his looks.. Napaawang ang mga labi ko. Deretso ang paningin niya sa akin na animo'y kinakabisado ang buong mukha ko. "How was your feeling? Hmm? Are you okay now?" muli nitong untag sa akin nang hindi pa rin ako makapagsalita. Nanatiling nakaawang ang mga labi ko habang nakatingin sa papalapit na lalaki sa kamang kinahihigaan ko. Napako ang paningin ko sa kabuuan ng mukha niya at sa hubog din ng pangangatawan nito! 'Isa ba siya sa tatlong dumukot sa akin?' "Hey? Speak up. You are safe with me." anya na ikinakunot ng noo ko. Humalukipkip siya at naupo sa silyang katabi ng kama ko. I hurriedly got up on the bed and I hysterically pushed my back at the headboard. I am too scared of him even his face is not so scary.. "H-How can you say that? T-That I'm s-safe with you? Y-You kidn*pped me!" even my lips was shaking! But to my surprise, he smiled at me! 'Napakagwapo niya..' lihim kong naipilig ang ulo. 'Yes! He's gwapo but he's so evil! He kidn*pped me!' "B-Bakit niyo ako kinidnap? A-Anong kailangan niyo sa akin? Sino ba kayo? Tauhan ba kayo ni Mommy Verra? S-Siya ba ang nasa likod nito? Tell me!" utal-utal kong tanong. Ang lakas ng kabog dibdib ko! Nakangiting itinaas nito ang dalawang kamay na animo'y sumusuko at bahagyang napailing. "I knew it! Alam ko nang mangyayari ito at sasabihin mong ako ang kumidnap sa 'yo." anya na lalong ikinataka ko! "But, baby.. I'm not. Hindi ako ang kidnapper mo. Because, I am the one who saved you from those freak men. I'm your handsome savior, Miss Althea.." mahabang litanya nito saka ibinaba na ang dalawang kamay. Nakangiti siyang tumitig sa mga mata ko. Napaawang muli ang mga labi ko sa mga lumabas sa bibig nito. Naguguluhan ako! "You save me? H-Hindi ikaw ang dumukot sa akin? I-I don't believe you! Paano akong maniniwala na hindi ikaw ang kidnapper? Papaano akong napunta rito kung ganon? How can you explain this?" Muli kong inilibot ang paningin sa buong sulok ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko sa mansyon at imposibleng isa itong pribadong silid ng isang ospital. "Believe me.. I'm not, baby. And I'll explain to you everything... later." anya. Ibinalik kong muli ang paningin sa lalaking kampanteng nakaupo. Nakakrus ang mga naglalakihang braso niya at nakakaakit ang mga ngiti! Gusto kong maniwalang totoo ang sinasabi niyang hindi siya ang kidnapper dahil walang-wala naman talaga iyon sa itsura niya. Napakagwapo niya at may pagkakahawig nga sila ni Dazsher— oo nga pala! "Kaano-ano mo si Dazsher?" hindi ko mapigilang itanong dahil bigla ko itong naalala. "And, why he's here? I heard his voice a while ago." Bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi niya pagkadinig sa tanong ko. Kita ko rin ang sunod-sunod niyang paglunok at buntong-hininga! "He's my half brother, Miss Althea.." he seriously said. Nabigla ako. "I didn't know that Dazsher has a sibling!" "Hindi niya lang yata nabanggit sa 'yo, Miss Althea. Magkapatid kami sa ama." anya at may kinuha sa pitaka niya. Iniabot niya iyon sa akin. It's he's passport I.D! Kung gano'n ay nagsasabi nga ito ng totoo. Kapatid niya si Dazsher. Si Dazsher na naging malapit sa akin dahil sa alam kong pinuprotektahan ako. Na naging kaibigan ko at ramdam ko ring may pagtingin sa akin dahil sa pagiging sweet nito. Maigi ko siyang tinitigan sa mata. "Hey? Am I that handsome, huh?" he chuckled. "Do you find me more handsome than my brother, hmm?" muli nitong tanong na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "What are you saying?" "I'm melting the way you stare at me, baby." kagat-labing sambit niya na ikinalunok ko! But I ignored it! "Will you explain why I'm here? Bakit niyo ako dinala rito? Kung hindi kayo ang dumukot sa akin, bakit ako nandito?" I heard him cleared his troat. "You're in danger, Miss Althea. We need to save you. I have to save you." Pagkuway sumeryoso siya at kumibit-balikat. "Why? Why do you have to save me? I-I know that I'm in danger but how did you know that? Did your brother told you about everything happen in me? In my family? And by the way, you did'nt answer my question about Dazsher's appearance.. Why he's here?" Kumibit balikat siyang muli saka bumuntong hininga. "Well, yes. I know everything about you.. And, kaya nandito si Dazsher kanina is because, ipinaalam ko lang naman sa kanya ang nangyari sa 'yo. Pinapunta ko siya rito para makita ka niya. After he knew what happened, he got worried. So, ipinagkatiwala na niya sa akin ang siguridad mo. Dahil, wala siya no'ng mga oras na mayroong nangyari sa 'yo at sa ngayon ay mawawalan na rin siya ng panahong protektahan ka dahil sa abala na rin siya kasama ang kapatid mo, si Miss Amirah." mahaba niyang paliwanag habang seryoso ang napakagwapo niyang mukha.. "So, magkasama sila ni ate Amirah?" sa dami ng sinabi nito ay iyon lang ang bukod tanging naintindihan ko. Marahan siyang tumango pagkuwa'y ngumiti. "Yeah. And, I heard their making good memories together." Hindi ko malaman kung bakit niya sinabi ang bagay na iyon. Gayong hindi naman ako magseselos kung magkasama nga ang dalawa. Syempre, nabigla lamang ako dahil hindi ko akalain na may makakasama rin pala si ate Amirah sa Isla, she's not alone there. Dazsher is a nice person and for sure my sister will be safe. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Nabawasan ang pagaalala ko sa kapatid ko. Ngunit, papaano ko siya makakausap kung naririto ako sa isang lugar na di ko malaman kung saang parte ng mundo? Itinakas at itinago ako nitong lalaking nasa harapan ko at imposibleng payagan niya akong makapunta sa Isla Del Fuego. Bigla kong ibinaling sa iba ang paningin dahil nakaramdam ako ng pagkaasiwa sa mga titig niya na nagiging pamilyar na sa akin. Lihim kong ipinilig ang ulo saka bahagyang yumuko. Napasadahan ko tuloy ng tingin ang kasuotan ko, ito pa rin ang suot ko kanina. Ngunit nang mapadako ang paningin ko sa mga palapulsuhan ko ay nanlumo ako.. Nangingitim ang bahaging iyon. "What happened to my arms...?" nagaalala kong hinapuhap ang magkabilang kamay na may latay. "Pwede mo bang sabihin sa akin ang ibang nangyari? Huling naaalala ko kasi ay 'yong takpan nila ako ng panyo sa mukha at saka binusalan sa bibig." He took a deep breath and stared at me. "Noong maabutan namin ni Holmer ang Van na sinasakyan ng mga dumukot sa 'yo ay nagkaroon ng kaunting putukan. They lose against me and my buddy. At nang pasukin ko ang loob ng sinasakyan mo ay nakita kitang nakahiga sa lapag, nakabusal ang bibig at nakatali ang mga paa at kamay mo. Kaya't nagkaroon ng latay ang mga palapulsuhan mo maging sa mga paa mo dahil sa higpit ng pagkakatali nila sa 'yo." lumapit siya sa akin saka bahagyang hinaplos ang bahagi ng mga latay ko. "I'm sorry.. Nahuli kami." malungkot niyang sabi. Napaawang ang bibig ko at sandali akong natigilan dahil sa ginawa niya. "H-How about Kaleb? My driver? Where is he?" "He's in my rest house. My men took care of him. He's safe. Don't worry about him." "Thanks, God..." napapikit ako dahil muling nabawasan ang mga alalahanin ko. Subalit, napamulat ako nang iangat niya ang dalawang kamay ko at salubungin niya iyon ng kanyang kulay rosas na mga labi. Hinalikan niya ang dalawang kamay ko na ikinanigas ng kalamnan ko. Hindi ko alam kung ilang boltahe ng elektrisidad ang pumasok sa katawan ko dahil sa simpleng ginawa niya. 'It's just a simple soft kiss on my hand but it feels like.. It feels like.... I'm flying!' "Hey? What are you thinking, baby? Are you hungry already?" Tumango na lang ako bilang tugon. Wala akong masabi. "Oh? Sakto, nakapagluto na rin naman ako kanina. Antagal mong magkamalay, eh. Iinitin ko na lang." nakangisi niyang sabi saka umayos ng tayo sa may gilid ko. Mataman akong tumingin sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. "Where are we pala? And... who are you?" kanina pa kaming naguusap ngunit ni hindi ko alam ang pangalan niya at hindi ko naitatanong kung saan niya ako dinala. Ngumiti ito ng pagkatamis at saka mayabang na inilahad ang kanang kamay. "I am Vrougn Zean James, Miss Althea. And I am your handsome savior." anya. Nagaalinlangan man ay dahan-dahan ko ng inabot ang mga kamay niya para kamayan. "You know me already so I think, I don't need to introduce my name, right?" I can't resist his charm so I smile him back. Nagkatitigan kaming dalawa kaya malaya kong napagaralan ang kabuuan ng mukha niya. Sobrang hawig niya si Dazsher pero ibang-iba ang dating niya. Subalit, laking gulat ko nang pisilin niya ng bahagya ang kamay kong hawak-hawak pa rin niya! Uminit bigla ang pakiramdam ko.. Napapitlag ako ngunit hindi ko ipinahalata iyon. Nakahinga na lang ako ng maluwag ng bitiwan niya na ang kamay ko. "And, we're here in my private Island. And, tayong dalawa lang ang nakatira rito.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD