CHAPTER 3- "Comfort and Trust"

1976 Words
Vrougn's Point of View HINDI ko malaman kung bakit parang naiilang o nahihiya sa akin si Althea habang kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Magkaharap kami ngayon sa maliit na lamesa. Matapos kong magpakilala sa kanya kanina at sabihing naririto kami sa isla na tanging kami lamang ang nakatira ay mukhang nilukuban na naman siya ng kaba, katulad ng reaksyon niya kaninang pagkakita sa akin. I felt it. Alam kong hindi pa niya lubos matanggap na nangyayari ito sa kanya nvayon at hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ko siya dinala rito sa Isla. Na kung saan ay halos karugtong lamang ng Isla Del Fuego pero wala pa siyang ideya. Saka ko na lamang sasabihin sa kanya. Alam kong pagiging makasarili ang ginawa kong pagtatago sa kanya rito subalit iniisip ko lamang ang kaligtasan niya. Hindi ko alam kung anong magiging hatol sa akin ng mga magulang niya. Pero, hindi ko na muna iniisip ang tungkol doon. Handa ko namang tanggapin kung anuman ang maaari nilang ihatol sa akin. Pero, hindi pa rin ako sigurado na ligtas nga si Althea sa lugar na ito. Matutunton at matutunton din nila kami rito. But, I'll do everything not to be traced! Hanggat hindi pa naaayos ang lahat ay magtatago kami rito! Sinulyapan ko si Althea habang seryosong kumakain. Her face is so angelic. She's like an angel in my eyes.. I smiled. I'm so lucky that I have her now. Marahil naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya kaya't napaangat siya ng tingin sa akin. Tipid siyang ngumiti ng bigyan ko siya ng nakakaakit na ngiti! I'm happy seeing her smiling back at me! "Enjoy eating." I said and she nodded. Althea is a very kind person. That's what I've noticed her.. Kung iba-iba kasi, baka sa ngayon ay pinagsasampal at kinakarate na ako dahil sa ginawa kong pagtago sa kanya rito. Hindi siya nagalit o nagpumiglas man lang. Ngunit, alam kong nandoon pa rin ang kawalan niya ng tiwala sa akin. Oo, naroon pa rin ang takot sa mga mata niya. I saw it in her eyes even in her moves! Sabagay, sino ba naman ang maniniwala at magtitiwala kaagad sa taong kakikita at kakikilala mo pa lang? Lalo pa't inakala niyang ako ang isa sa mga dumukot sa kanya.. Kahit pa nga naipakilala ko na ang sarili ko ay hindi pa rin siya mapakali. I can't blame her.. "Finish your meal and stop staring at me, Vrougn." she said while busy eating. She's so cute! Ang sarap sa pandinig ng tawagin niya ako sa pangalan ko! Mala-anghel ang boses niya. Napangiti ako. "I'm sorry. You're so beautiful.. I can't help it." Nakita kong napangiti uli siya! Lihim kong nakagat ang labi ko.. Tsk! Tsk! Tsk! Habang nakayuko siya ay nagkaroon ako lalo ng pagkakataon na titigan siya. Tinitingnan ko siya sa bawat pagsubo niya ng pagkain.. I secretly smiled. Damn.. She's really-really like an angel! She's so beautiful.. Napakahinhin ng galaw niya at masasabi mo talagang lumaki sa desente at napakarangyang pamilya. Lihim akong napangisi nang bumalik sa isipan ko ang unang reaksyon niya pagkakita niya sa akin.. Hindi ko alam kung takot ba iyon o paghanga? I don't know exactly.. At kanina, halos ayaw pa niyang umalis sa kama dahil yata sa nangangamba pa rin siya sa akin. Napilit ko lang siyang gumalaw no'ng dalhin ko na ang pagkain dito sa kwarto upang makakain na siya. Nangiti ako nang agad naman siyang dumulog sa pagkain. Naging mas magana pa nga siya kesa sa akin! Hehe. Kasalukuyan pa rin kaming kumakain nang mapansin kong simot na simot na niya ang pagkaing binigay ko sa kanya. "Do you like the food, Miss Althea?" tanong ko sa malambing na boses. Tumingin naman siya sa akin. "Do you want another soup?" Marahan siyang umiling saka agad na niyang pinunasan ng tissue ang bibig. "No, thank you. I'm done. Salamat sa pagkain, nabusog ako." anya saka tipid na ngumiti. Simpleng ngiti lang iyon ngunit para akong idinuyan sa tanawing iyon. Her smile... She's really sweet! Kaya naman, agad ko siyang ginantihan ng mas malawak na ngiti. "Your much welcome, Miss Althea. Salamat naman at nagustuhan mo." Tumango siya. "Yeah. Masarap kang magluto." Muli akong nangiti sa papuri niya. "Thanks. So it means.. maaari na akong magasawa?" Nakita kong nangunot ang noo niya kaya natawa ako. "Sabi kasi ng iba, kapag magaling ka na raw magluto, maaari ka ng magasawa." paliwanag ko na ikinatango-tango niya. "Really? Wala ka pang asawa?" nagulat ako sa tanong niya. Umiling ako saka ngumisi. "I don't even have a girlfriend.." I honestly said. Natigilan naman siya sa isinagot ko pero agad ding natauhan. "S-Seriously?" Tumango ako. "Yeah. Pero, malapit na akong magkaroon." sabi ko saka mabilis na tumayo upang kunin na ang pinagkainan namin at dalhin ito sa kusina. Ni hindi ko nakita ang naging reaksyon ni Althea pagkatapos kong sabihin iyon. Ano kaya ang nasa isip niya? Pagkatapos kong mahugasan ang mga pinagkainan namin ay dali-dali akong bumalik sa kwarto ni Althea para sana makausap siyang muli ngunit nang pagpasok ko ay nakita ko siyang malungkot na nakadungaw sa labas ng bintana. Nakahalukipkip ang mga kamay at nakasandal ang ulo sa dingding. Agad akong lumapit sa kanya at pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Marahil naramdaman niya ang paglapit ko kaya gulat siyang lumingon sa akin. Tinitigan ko siya at saka siya humarap sa akin subalit sa ibang direksyon naman niya ibinaling ang tingin. Iniwasan niyang tumingin sa akin. "I know my Dad and Mommy Adriana will getting worry about me. Natatakot ako sa maaari nilang gawin sa 'yo oras na malaman nilang itinatago mo 'ko rito, Vrougn.." Nagpakawala akong muli ng malalim na buntong hininga saka hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. "I'm ready for it. Tatanggapin ko kung anuman ang magiging hatol nila sa 'kin. And I am so sorry because this is the last thing I know how to save you. I swear, I have no bad intention to you, Miss Althea. I'm not a bad person." Matagal niya akong tinitigan. "Anong gagawin ko upang 'wag silang magalala sa 'kin?" "I've already sent them a message, Miss Althea. They're not worrying about you. Siguro, magaalala pa rin pero hindi na gaano." Bahagyang nangunot ang noo niya at mataman akong tinitigan. "What did you tell them?" Nagaalangan akong sabihin sa kanya ang ginawa kong alibi. Hindi naman ako sigurado kung kakagat ang Daddy niya sa idinahilan ko. It's the only funny thing I've ever done in my whole life! "Bakit di mo ko sinasagot? Ano bang sinabi mo kay Daddy?" muli niyang tanong. Napalunok muna ako bago ako nakapagsalita. "S-Sinabi kong.. n-nagtanan tayo." nauutal ko pang sagot! Damn it! Hindi ako makatingin sa kanya. Matagal bago siya nakapag-react at pagkuway napangisi. "Hindi maniniwala si Daddy doon. Alam niyang wala akong boyfriend.." Lihim akong napangiti sa huli niyang sinabi. Nagkaroon ako ng napaka-laking pagasa para mapansin niya. Alam kong nanliligaw sa kanya si Dazsher ngunit kaibigan lang naman daw ang turing niya sa kapatid ko. So, pagpupursigehan ko na siya ngayon. 'Patawad, Althea. Pero, sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para sa akin mahulog ang loob mo.' "I know, Miss Althea." matagal bago ako nakatugon. Nilulukob kasi ng saya ang puso ko! "You know, that's the only crazy way I know that they won't getting much worrying about you. 'Tsaka, babalik din naman tayo sa reyalidad kapag naging maayos na ang lahat. Ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat ng nangyari." Tumango siya bilang pagsangayon. "Kilala mo ba kung sino ang nasa likod nito? Sa dami kasi ng mga nakakalaban namin ay hindi ko malaman kung sino ang tumatarget sa amin ngayon." "Si Tita Verra." deretsahan kong sagot na ikinatahimik niya ng ilang segundo. "I knew it! Pero, nagtataka kasi ako kung bakit ako ang target niya gayong na kay ate Amirah ang sadya niya?" "She's also targeting you, Miss Althea. Hindi lang ang Isla ang gusto nilang makuha kundi pati na ang lahat ng pagaari niyo. Ikaw ang inuuna niyang puntiryahin dahil ikaw ang may hawak ng lahat ng properties niyo. Kaya't lihim kong binabantayan ka dahil wala ka ng magagawa kapag nakuha ka niya." Nakita kong sumidhi ang takot sa mga mata niya. "Masyadong matinik si Tita Verra. Kahit pa sa loob ng inyong mansyon na alam niyong pinakaligtas na lugar para sa inyong mga Del Fuego ay kaya niyang pasukin makaganti lamang. She's a former queen of Del Fuego's, Miss Althea. Remember that. At marahil alam na rin niya na ako ang tumulong sa iyo kaya kailangan ko ring tumago, ingatan ang sarili ko." seryoso kong sabi na ikinatitig niya sa kawalan. "How can we stop her? May magagawa ba tayo kung nandito tayo? Hindi matatapos ang g**o against Mom kung patuloy din siyang nagtatago sa dilim at lihim kaming pinupuntirya. Bakit hindi na lang niya harapin si Dad? At bakit kailangan pa niya akong idamay? Lalo na si ate Amirah na paboritong-paborito niya noon? Anong ginawa namin sa kanya? Naging mabuti naman kaming anak sa kanya. Maaari naman sigurong daanin sa maayos na usapan ang lahat. Hindi 'yong mayroong mapapahamak. Ang sakit lang sa loob na kahit pa nga no'ng nalaman kong hindi siya ang totoong mommy ko ay hindi naman ako nagkaroon ng galit sa kanya.. Kaya't bakit kailangan niya akong dukutin? Anong gagawin niya sa akin?" humihikbing sambit ni Althea. Patuloy siya sa pagsinghap upang pigilan ang emosyong lumulukob sa kanya. Hindi ko siya masisisi.. Wala rin akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanila noon kung hindi ko lamang narinig ang usapan nila Dad at tita Verra pagkarating na pagkarating ko galing ibang bansa. At nalaman ko ang lahat-lahat ng aminin iyon ni Dazsher sa akin. Nanatiling nakayuko si Althea habang patuloy na nagpupunas ng mga luha sa mata. Nakaramdam ako ng lungkot habang tinitingnan siya kung kaya't hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan siya at bigyan siya ng comfort. Nagulat siya pero kalaunan ay yumakap din siya sa akin pabalik. Isinandal ko ang ulo niya sa malapad kong dibdib at hinayaan ko siyang umiyak doon. Nakangiti ko siyang niyakap saka hinaplos-haplos ng marahan ang malambot niyang buhok. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong magkayakap kaming dalawa. Para akong nakasakay sa alapaap! Sounds gay but that's what I felt right now. "Everything's gonna be alright, soon, baby.." bulong ko sa bandang itaas ng tenga niya. I've heard her still sobbing. "Sana nga tigilan na ni Mom ang paghihiganti niya kay Daddy.. I want a peaceful life, Vrougn.." sumisinghot niyang saad. Imbes na malungkot ay nangiti pa ako ng gawin niyang pampunas ang laylayan ng damit ko. 'Damn.. She's so cute!' Nangingiti ako habang patuloy na hinahaplos ang buhok niya. "Mangyayari iyon, Miss Althea. Magtiwala ka lang at magiging maayos din ang lahat. At sana'y kahit papaano ay maranasan mo ang kapayapaan na hangad mo sa lugar na 'to. Alisin mo muna sa isipan mo ang lahat ng problema at lahat ng mga masamang nangyari sa 'yo, lalo na 'yong kanina. Huwag mo munang alalahanin ang lahat ng iyon. At sana, maging masaya ka na ako ang kasama mo dito." Inangat niya ang paningin niya sa akin at nakipagtitigan siya sa akin. "Vrougn.." Ngumiti ako sa kanya. "Please don't be sad, my angel... I won't leave you. I'll promise to be here for you whenever you need a comfort like this. I'm always here. You know, I want to see you smiling, not crying.. I want to hear you laughing, not sobbing. And I hope while we're here, I want you to enjoy this place.. with me. Just trust me.." madamdamin kong saad na ikinatikom ng bibig niya. Subalit, hindi niya magawang alisin ang mga mata sa akin. Mas lalo pang lumamlam at mas lalong naging kaakit-akit ang mga mata niya sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Damn! I want to kiss her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD