CHAPTER 4- "First Kiss

2221 Words
ALTHEA'S Point of View "PLEASE don't be sad, my angel... I won't leave you. I'll promise to be here for you whenever you need a comfort like this. I'm always here. You know, I want to see you smiling, not crying.. I want to hear you laughing, not sobbing. And I hope while we're here, I want you to enjoy this place.. with me. Just trust me.." Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at masuyo niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago pa man kami parehong nagulantang sa biglaang pagtunog ng cellphone niya. Sabay din tuloy kaming nagiwas ng tingin sa isa't-isa. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at saka muling tumingin sa akin. "Sasagutin ko muna." anya at nagmamadaling tumalikod sa akin. Napako na lamang ang paningin ko sa pintuang nilabasan niya at napakurap-kurap ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita kanina. Hindi ako makatugon sa mga sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit parang naging panatag din ang kalooban ko matapos niya akong yakapin at sabihin ang mga katagang iyon. Ang sarap pakinggan. Ngayon lang ako nakarinig ng lalaking gano'n ang mga inilalabas na salita sa bibig. Kapatid niya si Dazsher pero magkaiba sila. Dazsher is kinda makulit. And Vrougn? Masyadong mabulaklak kung magsalita. At ewan ko ba kung bakit parang pumapanatag ang kalooban ko ngayon at handa na rin akong tiwalaan siya kahit pa nga ngayon ko pa lamang siya nakilala at nakasama. 'But, why do I felt something that I already met him? Ang mga salita niya.. pamilyar sa 'kin? Do I met him before?' Hindi kaya, isa siya sa mga masusugid kong manliligaw na madalas kong hindi mapansin o sabihin na nating hindi ko talaga pinapansin dahil sa naging abala ako sa kompanya? Hindi ko naman kasi sila mai-entertain kaya after work ay matiyaga ko namang binabasa ang mga cards na naka-indicate sa mga regalong ipinapadala nila sa akin—oh yeah! The cards! Gano'n na gano'n ang madalas kong nababasa sa cards kaya pala parang naging pamilyar sa akin ang mga sinabi ni Vrougn. 'Please don't be sad, my angel... I'll be here for you whenever you need a comfort, just tell me. I wanna make you smile everyday..' 'Yan ang natatandaan kong litanya ng isa sa mga admirers ko. Iyon kasi ang pumapasok sa isipan ko everytime na nalulungkot ako. At 'yong tawag niya palagi sa akin na 'Angel at baby'.. Isa ba si Vrougn sa mga iyon at siyang madalas na magpadala ng gift and foods sa office ko? Kung oo, ibig sabihin ba nito ay kaya niya ba ako sinagip dahil sa... gusto niya ako? Binabantayan niya ba ako talaga ako parate? Matagal na ba niyang ginagawa 'yon? 'Tsaka... plano niya rin ba na dalhin ako rito sa lugar kung saan kaming dalawa lang talaga ang nakatira? Mariin kong ipinikit ang mga mata dahil sa dami ng tanong na pumasok sa isipan ko. Ano ba talaga ang totoong intensyon sa akin ni Vrougn? Sabi niya kanina ay wala naman daw siyang masamang intensyon sa akin. Sana nga.. Pero, hindi ko naman iyon mahuhulaan kung hindi ko siya pakikisamahan. Nahinto ako sa pagiisip nang marinig ko ang mga yabag ni Vrougn pabalik ngunit nahinto ito sa may pinto habang nasa tenga pa rin ang cellphone. Mataman niya akong tinitigan saka bahagyang ngumiti. Nagaalangan akong gumanti ng ngiti sa kanya kaya umiwas na lamang ako ng tingin. "Okay. Okay, buddy. Thank you. Balitaan mo 'ko sa mga nangyayari diyan." dinig kong sabi niya kaya napatingin akong muli sa kanya ngunit nakayuko na siya habang hinihilot-hilot ang noo. "She's awake now. Yeah—she's fine, nothing to worry about. Okay. Okay. Thanks, buddy! Bye." sumulyap siya sa akin bago niya isinilid sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone at saka siya nakangiting naglakad papalapit sa akin. "Sino 'yong kausap mo?" hindi ko na mapigilang itanong lalo't dinig kong ako ang pinagusapan nila sa huli. "Si Holmer.. right hand ko, Miss Althea. Bale, siya 'yong kasama ko no'ng sagipin kita at 'yong driver mo. Siya din 'yong katulong ko no'ng dalhin kita dito." kahit seryoso ang pagkakasabi niya ay nangingiti pa rin ang mga mata niya. "Gano'n ba.." gusto ko sanang itanong sa kanya kung anong pinagusapan nila o bakit nila ako pinaguusapan kaso hindi ko maisatinig iyon. Pero, hindi naman yata masama kung magtanong ako ng iilang bagay lalo tungkol sa nangyari sa akin. "Vrougn.." mataman ko siyang tinitigan at sandali akong natahimik. Nagtatanong naman ang mga mata niya habang nakikipagtitigan sa akin. "May gusto ka bang itanong sa akin, Miss Althea? O baka may gusto kang sabihin.. You can ask me anything or you can say what you want to say. Just speak up. Because, your silence makes me feel awkward..." tipid siyang ngumiti at pagkuwa'y iginiya ako papunta sa maliit na sala na nasa loob mismo ng kwarto at saka kami naupo sa pandalawahang upuan. Magkatabi kaming naupo ngunit may kaunting pagitan naman sa gitna namin. "Ano kasi.. Ano bang pinagusapan niyo no'ng ka-buddy mo? Ano na ba ang nangyayari sa labas? I got curious kasi.. I'm sorry." Humugot siya ng malalim na hininga bago tumingin sa akin. "Nah. It's okay.. You have the right to know everything. You're not a prison here, baby. But, I hope you stay calm after you hear those things, okay?" I nodded. "Okay." I patiently wait to speak him up. Bago pa man siya makapagsalita ay nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga na animo'y ambigat ng nararamdaman niya. I feel nervous because of that. "Natunton ni Tita Verra ang driver mo na ipinagkatiwala ko sa isa sa mga tauhan ko. Dinala pala nila ito sa hospital para gamutin. Naging delikado ang buhay niya sa resthouse kaya't kinailangan niya na ang expertong doktor. Buhay na sana siya matapos maoperahan ngunit tinuluyan na siyang patayin ng mga tauhan ni Tita Verra kasama ang tauhan ko at dahil siguro sa wala silang makuhang impormasyon tungkol sa nangyari. Namatay ang tatlong tauhan nila Tita Verra kaya't mas lalo silang nanggigigil na mahanap ka. Nasabi rin sa akin ni Holmer na may mga tauhan na rin si Tita Verra na umaaligid sa mansyon ninyo at sa Del Fuego's Twin Tower kung saan naroon ang opisina mo." Nagimbal ako sa mga narinig kaya't napaawang ang bibig ko at bigla na lamang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. "Oh God.." hindi ko malaman ang sasabihin.. Parang sasabog ang dibdib ko. "Bakit nangyayari 'to.. Hindi ko alam kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat... Bakit kailangang gawin 'to ni Mom!? Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya pinatay si Kaleb!?" napasubsob na ako sa mga kamay ko. "Ang sakit-sakit tanggapin na kailangang magsakripisyo ni Kaleb.. Nalulungkot ako sa mga nangyayari, Vrougn.." mas lalo akong nagalala sa iba pang madadamay. Kaya't napahagulhol na ako. Nananatili akong nakasubsob sa mga kamay ko kaya't hindi ko nakitang umusog si Vrougn ng mas malapit pa sa akin at nabigla ako ng maramdaman kong ikinulong niya ako sa kanyang matitipunong braso. For the second time ay nakaramdam uli ako ng kapanatagan. Pinakalma niya ako sa paraang alam niya at siyang nagugustuhan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at ipinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya at doon ko ipinagpahinga ang sarili. Hindi naman niya alintanang nabasa ko ang damit niya dahil sa iniluha ko kanina. But still I'm hurting inside. "I'm sorry. I really can't control my feelings and my emotions.." muli akong naiyak at hinayaan niya ako. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "Napakasakit mawalan ng isang taong naging malapit sa iyo.. Naisip ko rin na kung nakuha ba nila ako, gano'n din kaya ang gagawin nila sa akin?" Mas lalo akong naiyak sa naisip. "I won't let that happen.." he whisper it in my ears. Maya-maya lang ay kumalma na rin ako. Kumalas ako sa kanya saka tiningnan siya sa mga mata. "Si Dad.. Kailangang alam ito ni Dad, Vrougn. Kailangan niyang malaman ang nangyari sa 'kin at kay.. Kaleb." Malalim siyang bumuntong hininga saka agad na pinunasan ang pisngi kong nabasa ng luha ko kanina. "Siguradong may alam na ang Daddy mo sa mga nangyari sa 'yo, Miss Althea. At kahit pa hindi natin sabihin sa kanya ay agad niya itong malalaman. You know your Dad. He has a lot of connection as Dazsher said. Alam din ni Dazsh ang bawat galaw ni Tita Verra. He reported your Dad twentyfour-seven. And, don't worry, nagtatrabaho ang mga tauhan ko. Relax your self, hmm?" "Si Dazsher? Anong koneksyon niya kay Tita Verra?" "Anak ni Tita Verra si Dazsher." "What??" Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "For real?" "Yes. Tita Verra abandoned her three year old son Dazsher just to marry your father." Matinding awa ang naramdaman ko kay Dazsher.. At nilukoban naman ako ng galit kay Mommy Verra. Paano niyang nagawang abandunahin ang sarili niyang anak? She's so evil! "My mother raise Dazsh as his real son. Pareho kaming lumaki sa ibang bansa ni Dazsher at doon lumaki kaming hindi nakikilala ang tunay naming ama." "Until now?" "Kilala na namin si Dad. He's Frank Simeon Del Rious. Siya ang unang lalaki sa buhay ni Tita Verra. Siya din ngayon ang kasabwat ni Tita Verra sa mga masamang plano." Napasinghap ako sa dami ng mga nalaman ko. I'm so speechless.. "Iba ang kinagisnan naming ama, Miss Althea. Two years ago nang mamatay si Daddy Troy at saka lamang nagpasya ang mom ko na umuwi rito sa pilipinas with Dazsher. So, saka lang din nakilala ni Dazsher ang mga nagabandona sa kanya." patuloy niyang paliwanag. Matagal akong hindi makatugon. "Pero.. hindi ba dapat nasa panig nila si Dazsher? Bakit sa amin siya—I mean, kayong dalawa kumakampi? They are your parents, Vrougn.." naguguluhan pa rin at nagtataka kong tanong. "Miss Zilverrah is not my Mom, Miss Althea. Kapatid niya ang Mommy ko, si Terecita De Mujer. I and Dazsher are just half siblings as I told you lately. And, yeah.. they are our family, but, Dad and Tita Verra.. they are evil. Oo nga, dugo nila ang nananalaytay sa amin ni Dazsher ngunit hindi gano'n ang pagpapalaki sa amin ng Mommy ko at ni Daddy Troy. Hindi kami papanig sa mali at masama. That's why we're here to protect anyone of you, specially you.. And I can even sacrifice my own life, baby, I'll give it to you. I promise that." "V-Vrougn..." I don't know what to say after what he said. I am so speechless! But a minute later... "Why? I mean.. why did you do this for me? Why do you want to sacrifice your own life just for me? Am I that special to you?" That is my only chance to know about what's his real intention on me.. He stared at my eyes... down to my lips. "You wanna know my reason why?" he seriously asked and then I nervously nodded. "Because I.. I like you.. so much" Oh! Shoot! "Believe me. The first time I laid my eyes on you, the first time we met, I think that's the magical day for me. You look like an angel. And I thank God, He brought the most beautiful angel here on earth.. for me, just for me.." he said in a sweet sexy voice. "D-Did we met already, Vrougn?" tanong ko. Iyon lang ang naisip ko kahit pa halos lumabas na ang puso ko sa kaba. "Nagkita na ba tayo dati pa?" Nanunuot ang mga titig niya sa akin at para akong nahihipnotismo sa mga titig niya. "Yes. And, I am one of your admires, Miss Althea." pagaamin niya.. I am right. He is! "You are?" Napangisi siya ng may maalala. "And, I won against them. Your here with me." "And you're happy with that? Huh?" Tumango-tango siya ng nakangiti. "Yeah. You didn't know how happy I am." "Medyo halata nga." "Hmm.." Ngumiti siya sa akin. Napalunok ako nang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin na mas lalong ikinabilis ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa kanya ngunit parang may magnet ito na pinipigilan akong lumayo. Napapikit na lamang ako nang maramdaman kong lumapat na ang labi niya sa labi ko. Hindi ko nagawang magpumiglas.. Hindi ko siya nagawang itulak. Kahit pa nabibigla ako sa bilis ng pangyayari ay hindi ko magawang umangal. Nagagawa ko pang namnamin ang mga halik niya na masuyo niyang ipinalalasap sa akin. Napakabanayad ng halik niya. Naroon ang respeto niya sa akin. Pero, nang maramdaman ko ng medyo lumalalim na ang halik niya ay napakapit na ako sa batok niya. Hindi ko kaya ang idinudulot nitong kiliti sa sistema ko. Nakakaliyo. Walang salitang namutawi sa amin dahil patuloy niya akong hinahalikan. Saglit siyang huminto para magsalita. Idinikit niya ang kanyang noo sa noo ko kaya halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. "Everything's gonna be alright, baby.. Just trust me.." anya sa paos na paos na boses. Ramdam ko ang kagustuhan niyang muling angkinin ang mga labi ko. Hindi ko rin malaman kung bakit sumusunod ako at marahan akong napapatango. Kaya naman, ngiting tagumpay siya at muli na niya akong siniil ng halik. Oh God.. He is my first kiss.. My wild first kiss...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD