CHAPTER 5- "Off Clothes"

2674 Words
Vrougn's Point of View HALOS hindi ko maipuknat ang mga labi ko sa napakatamis na mga labi ni Althea. I was just kissing her continually and glad that she responded it. Kaya naman, patuloy kong ipinalalasap sa kanya ang marubrob kong halik. Natutuwa ako dahil nagpapaubaya siya at hinahayaan niya ako sa ginagawa ko sa kanya kayat mas lalo akong ginaganahan lalo pa't sumasabay na siya sa bawat galaw ng labi ko. Malaya na ring naglalakbay ang mga kamay ko sa katawan niya. Subalit nang mapadako ang palad ko sa maselang parte ng katawan niya ay bahagya niya akong naitulak at saglit siyang natigilan. "What's wrong?" namamaos kong tanong habang pinakatitigan ko ang mukha niya. Napayuko siya at marahang umiling-iling habang inaayos ang nalihis na lace ng kanyang sleeveless white dress. Hindi ko namalayan na halos nahubaran ko na pala siya kanina. Ngunit lihim akong napalunok nang makita ko ang kanang bahagi ng kanyang dibdib na bahagyang lumantad kanina. "Hey? What's wrong?" muli kong tanong nang hindi pa siya umiimik. Kinakabahan na rin ako dahil baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at magalit siya sa akin. "Are you okay?" Marahan kong iniangat ang baba niya upang magtagpo ang mga paningin namin subalit ilap pa rin siya. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin kahit halos gahibla na lang ang lapit ng mga mukha namin. She glanced at me. Pero muli niyang ibinaling sa ibang dereksyon ang paningin at mariin siyang pumikit. "This isn't right, Vrougn.." anya sa matinis at malambing na boses. Dinig ko rin ang malalim niyang buntong hininga. Hinawakan ko ang kanyang kamay at naramdaman ko ang panlalamig nito. Napatitig ako sa kanya ng may pangamba ngunit nilakasan ko na lamang ang loob kong ikulong ang mga palad niya sa palad ko. "I'm sorry.." Doon na siya tumingin sa akin. "W-Why you're sorry?" Napabuntong hininga ako. "I'm sorry for kissing you... But for me, kissing is a means of getting two people so close together that they can't see anything wrong with each other. There's nothing wrong with that kiss. Hopefully you don't get mad at me—" "I'm not mad at you, Vrougn.. It's just that—" Napakislot siya at nahihiya pa ring tumingin sa akin. "D-Do you know that, that you are my f-first kiss?" nauutal-utal pa niyang sabi na ikinalawak ng ngiti ko. Nakagat ko pa ang labi ko sa pagpipigil kong mangiti ng todo! "Really?? Oh God.. I'm so lucky to be your first then, Althea.." Hindi ko na mapigilang matawa sa nararamdamang saya subalit agad din akong sumeryoso ng makita ko siyang tahimik na nakatitig sa akin. "I'm still sorry for being fast. This is not my intention. It's just that I can't control my self on kissing you." I hold her hand so tightly and slightly caress it. I mean it. Wala sa intensyon ko ang maging mapangahas sa kanya lalo pa't ngayon pa lang kami nagkasama. Ayokong isipin niya na sinasamantalahan ko siya. Ngunit nagtataka din ako kung bakit siya nagpaubaya kanina. Is that means, she likes it too? I hope so.. "Y-You're forgiven.." She smiled at me and I was shocked! "Honestly, I don't know why I like your kiss. But, please do not take advantage on me, Vrougn.." She seriously said. Napakurap-kurap pa ang mga mata ko at ilang sandali pa akong natigilan. Akala ko talaga ay magagalit siya sa akin dahil sa kapangahasang ginawa ko ngunit hindi gano'n ang nangyari... At nagulat ako nang ngumiti siya sa akin! Kinakabahan pa man din ako kanina! Damn.. I want to kiss her more!! "Thank you.." Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling abutin ang mga labi niya at dampian iyon ng halik. Mabilis lang iyon kaya medyo nagulat na naman si Althea. "Vrougn.. N-Nakakadami ka na..." reklamo niya pero sumilay ang ngiti sa labi niya. Napangiti na rin ako. "Sorry.." Matagal ko nang gustong mangyari ito, ang mahalikan siya. Matagal ko na siyang gustong makasama.. Matagal ko na siyang pinangarap na mapasaakin. Matagal ko ng inaasam na mayakap siya at maangkin... Pero... hindi dahil sa nasa ganito siyang sitwasyon. Siguro ito rin marahil ang kagustuhan ng langit, ang magkasama kami rito.. Na kaming dalawa lang. Sa sobrang sayang nararamdaman at hindi ko pa makontrol ang sarili ko ay muli kong kinuha ang mga kamay niya at dinala ko iyon sa labi ko saka ko iyon hinalikan ng paulit-ulit! Masuyo ko din siyang tinitigan habang siya naman ay nahihiya pa ring makipagtitigan sa akin. Maya-maya pa ay umayos siya ng kanyang upo at sinuklay ang mahabang buhok niya gamit ang mga daliri. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo akong naakit sa kanya. She's really damn beautiful! Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Tsk! Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti kaya naman nagtataka siya ng mapatingin sa akin. "Bakit ba panay ang ngiti mo diyan?" Nagkibit ako ng balikat. "Masaya lang ako.." "Huh? Why?" "Coz.. you're here with me." "Syempre. Kinidnap mo 'ko eh, kaya nandito ako kasama mo." Wala sa loob niyang sambit na ikinaawang ng bibig ko. "Y-Yeah.. Pero hindi kita kinidnap, Althea." Malungkot kong sabi na ikinahagikhik niya. "I know! I'm just kidding, Vrougn. But seriously, thank you dahil iniligtas mo 'ko sa totoong kidnapper. I owe my life, Vrougn." Muli siyang ngumiti sa akin dahilan para muli ring matunaw ang puso ko. Damn it. Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko dahil sa ngiting iyon! She was also staring at me... seductively! Marahan kong pinisil ang baba niya at iniangat 'yon ng bahagya upang magtagpo ang mga paningin namin. "A beautiful woman like you needs a saviour like me. So your much welcome, baby." maging ako ay gwapong-gwapo sa tono ng boses ko kaya siguro gano'n din ang rumehistro sa pandinig ni Althea kaya naman titig na titig siya sa akin. Hindi ko intensyong akitin siya ngunit iyon ang bumalatay sa mga mata niya ngayon. Namumula din ang magkabilang pisngi niya sa hindi ko malamang kadahilanan. Bahagya pa siyang napayuko nang sa tingin ko ay hindi niya kinaya ang titigan naming dalawa. Lihim akong napangiti nang silipin ko siyang napapakagat din ng labi. Hindi ko na kayang awatin ang sarili ko kaya't inangat ko na ang mukha niya gamit ang dalawa kong palad at nang magtamang muli ang mga paningin namin ay agad ko na siyang siniil ng halik. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon at pagkakataon. Katulad kanina, sa una ay mababaw lang ang halik ko ngunit nang maramdaman ko ang mga kamay niyang nangungunyapit na sa batok ko ay magana ko ng pinailalim at pinapusok ang halik ko. Halos galugarin ko na ang pinakasulok-sulukan ng kanyang bibig. At ang ikinasasaya ng loob ko ay hinahayaan niya akong pasukin ang mundo niya. Ako naman ang saglit na natigilan nang magsimulang lumikot ang mga kamay niya sa batok ko. Bumaba iyon papunta sa likod ko at doon ako nagningas. Umalab ang pakiramdam ko sa paraan ng haplos niya. Kaya naman mapusok ko siyang hinataw gamit ang uhaw na uhaw kong labi. Binitiwan ko lamang siya nang halos mapugto na ang hininga naming dalawa. Napasandal pa siya sa balikat ko at doon namahinga. Nang sa maging okay na ang paghinga ko ay pilyo kong kinintilan ng halik ang puno ng tenga niya na ikinapitlag niya. "Vrougn..." nakanguso niyang sabi. Nangiti ako sa ka-cute-an ng boses niya! "So, how's your first kiss, baby?" pilyo kong tanong na muli niyang ikinamula ng pisngi. Napairap siya sa akin at bahagya akong nakurot sa tagiliran. Nakangisi akong umilag at hinuli ang kamay niya. Sumiksik ako sa kanya at inilapit ang bibig ko sa puno ng tenga niya at bumulong. "You have no idea how much I want to feel and touch you, baby." "Vrougn?" Napapitlag siya sa sinabi ko. "I know this is not the right time so I have to control my self on wanting you. Ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang pagkakataon na 'to. Lalo't tayong dalawa lang ang nandirito." sabi ko habang masuyo kong sinapo ang isa niyang pisngi. "Gusto kong magkakilala muna tayo ng lubos bago natin gawin ang lahat. Gusto kong makilala mo 'ko at mahulog ang loob mo sa 'kin." Nakangiti naman siyang tumango marahil bilang pagsangayon. Hinawi niya ang buhok na tumabing sa mala-anghel niyang mukha at pagkuway tumayo. "At syempre, kapag mayroon ng TAYO, Vrougn." aniya sa nangingiting boses at saka tuluyan ng tumalikod. Nagulat ako sa sinabi niya at sa biglaan niyang pagtayo. "W-Where are you going?" Napatayo na rin ako. Muli siyang lumingon at tumingin sa akin ng nakangiwi habang nakahawak sa kanyang tiyan. "I'll go to the bathroom. My stomach hurts." "Oh, okay! Go ahead.." Tumango siya sa akin bago niya ako tinalikuran. Napabuntong hininga ako. Akala ko ay kung ano na! Tsk! Habang nakasunod ang tingin ko sa kanya habang papasok ng banyo ay sumilay ang ngiti sa mga labi ko. I really can't believe this is happening! Napaupo akong muli sa sofa at napainat ako sa sandalan saka ibinaling ang tingin sa kawalan. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap, makakasama ko si Althea at mahahalikan ko pa ang napakatamis at napakalambot niyang mga labi. Sa dinami-rami ng nakapilang manliligaw niya, sa opisina man at maging sa mansyon nila ay ako ang bukod tanging pinagpala! Haha! Ako ang maswerteng kasama niya ngayon. Noon, akala ko ay hanggang tingin at sunod lang ako sa kanya, kahit nagmumukha na nga akong tanga! And now, we're living together, in one roof! Damn! I am so damn happy! Wooaahh! Pigil ko ang sarili ko na huwag akong mapahiyaw dahil baka kung ano pa ang isipin ni Althea. I want her to be comfortable with me. Ayokong matakot o mailang siya sa akin. Kayat, iniingatan ko rin ang bawat galaw at sasabihin ko. At sana, matapos na ang gulong ito. Ang gulong binuo ng kinagisnan niyang ina, ni Tita Verra.. Nang sa gano'n ay maging tahimik at malaya na rin si Althea sa mundong ginagalawan niya.. Ngayong nandito siya kasama ko, I'll protect her and I will do everything to make her happy. I'll make sure of that. And no one can ever touch and harm her.. I closed my eyes and smile again like a fvcking idiot... ————— Althea's Point of View I'd spent more than an hour inside the bathroom with no more reason to stay. But still I didn't go outside. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya matapos naming magsalo ni Vrougn sa isang mapusok na mapusok na halik. At kung hindi pa tumigil si Vrougn kanina ay batid kong bibigay na ang katawan ko. Oh my God! Nakakalunod din kasi ang paraan ng halik niya! Para bang magpapakatianod ka na lang sa ginagawa niya at ipapaubaya mo ang lahat sa kanya. That's what I felt! Napahawak akong bigla sa labi ko at saka mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Muling bumalik sa isipan ko ang halik niya. And God! I.. I like it... Ang sarap niyang humalik.. Nakaligo na nga ako at nakapag-toothbrush na rin pero parang nakadikit pa rin ang mga labi niya sa 'kin... Napangiti ako sa harap ng salamin. Ibang-iba pala talaga ang epektong dulot ng unang halik. Napakasarap nito sa pakiramdam at ngayon ko lang ito naramdaman! Nakakapang-init ng katawan at may kung anong kumikiliti sa akin na ikinanakit ng puson ko! Para ding may kung anong sasabog sa katawan ko na hindi ko mapangalanan.. 'Grabe.. Halik pa lang niya iyon.. Paano pa kaya kapag higit pa doon ang ginawa niya sa 'kin?' "Oh no.." I shook my head. Thinking that we we're living in one roof and no one lives in here except us, my body felt something I don't understand.. I just can't explain. I let out a heavy sighed and shook my head multiple times! Hindi ko napansin na kanina ko pa pala kagat-kagat ang labi ko kaya halos masugatan ko na ito! Muli tuloy akong napamumog at saka tiningnan ang sarili sa harapan ng salamin. Napangiti akong muli sa repleksyon ko. There is something in my eyes that I can't even recognized what it was.. And my lips.. I am smiling right now with no more reason to smile... Really??? What did you do to me Vrougn??? But then suddenly, something bumped in my head. Is this what they called, Love at first sight? Or maybe, Love at first touch and kiss, I think! I shook my head again and again! "Where did I met him? I don't remember when or where.." Inaalala ko kung kelan at saan ko siya unang nakita. Nakita ko na kasi siya dati pa, eh, hindi ko lang talaga maalala. Nasabi niya na isa nga raw siya sa mga admirers at suitors ko pero di ko talaga siya matandaan. At siguro hindi ko siya napapansin noon kaya hindi siya gaanong tumatak sa isipan ko. Pero ngayong kasama ko siya, ibang-iba ang nararamdaman ko sa kanya. And I'm worried.. I'm worried to fall in just a blink of an eye! "This is new to me." mahinang bulong ko. "I want to explore many things about being with a man in a romantic relationship." Siguro nga ay dahil bago ang lahat sa akin. Dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Gusto kong pasukin at tuklasin ang mundo ng lalaking kasama ko ngayon. Wala namang masama. 'Yong halik niya ang dahilan kaya nararamdaman ko ito. Dahil sa halik niya kaya hindi mapakali ang t***k ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako ng sobra-sobra! Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga at saka lumunok. Kaagad ko nang inayos ang pagkakatali ng bathrobe sa katawan ko at inayos ang pagkakabuhol ng tuwalya sa buhok bago ako tuluyang lumabas ng banyo. Subalit, nakakaisang hakbang pa lamang ako nang maalala kong nasa loob pa rin pala ng kwarto si Vrougn. Napatiplak ako sa noo. Dapat pala ay nagdala na ako ng bihisan sa loob para di na niya ako makitang nakaganito lang. Baka kung ano pa ang isipin niya! Ngunit tila wala sa sariling nagpatuloy ako sa paghakbang papalabas. "Magbihis ka na. Hindi ka ba nilamigan sa loob? Antagal mo sa banyo, eh. Akala ko nga natulog ka na doon. Papasukin na sana kita." tunog pangaasar na salubong niya sa akin. Ang totoo, nagulat ako sa biglang pagsulpot niya! Napahawak pa ako sa dibdib ko at gusto ko sana siyang pukulin ng irap kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nahihiya ako sa kanya! "Why are you still here? You might be on your room and have a sleep." sabi ko. Hindi ko siya magawang tingnan, patuloy ako sa paglapit sa cabinet. "It's too early.. I want to stay here for a minute or even a couple of hour just to check you up if you're okay." seryoso niyang sabi. Hindi ko siya pinansin. Tumalikod ako sa kanya at binuksan ang cabinet upang maghahanap ng maisusuot. Ngunit nanlumo ako nang wala akong makita ni isang damit ko. Puro damit ng panlalake ang naroon. "Where's my clothes, Vrougn?" nanlulumo kong tanong habang panay pa rin ang paghalukay ng mga damit na naroon sa cabinet. Pagkuwa'y bumaling ako kay Vrougn na nanatili sa hamba ng pintuan ng kwarto. Mataman siyang nakatingin sa akin. Nagtaka ako nang mapansin kong nakaligo na rin pala siya! At ang gwapo pa niya ngayon sa suot niyang white shirt at boxer shorts. Mukhang matutulog na siya.. "Where's my clothes?" ulit ko. Malungkot siyang lumapit sa akin at napapakamot na umupo sa paanan ng kama ko. "I'm sorry.. Hindi ko nakuha 'yong mga damit mo." hinging paumanhin niya. "Anong isusuot ko kung gano'n?" napabuntong-hininga ako at napayuko. Hindi ko tuloy namalayan ang paglapit ni Vrougn sa akin. "Nilalamig na ako." Marahan niyang iniangat ang mukha ko at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Sa isang kisap-mata ay muling lumapat ang labi niya sa nakaawang na mga labi ko. Namimilog ang mga mata ko sa bilis niya! "You are more beautiful even when you're off clothes," aniya at muli akong siniil ng halik na nagpainit sa nilalamig kong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD