Tila may kumurot sa puso niya nang makita ang magkahalong sakit at lungkot sa mga mata ng babae. "Dianne, wait." Mabilis na hinabol ni Ulysses si Dianne nang magtangka itong mag-walk out pagkatapos iwan ang dalang box kay Phoenix. He grabbed her arm at sinubukan itong paharapin pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. Kahit si Dianne ay nagulat sa ginawa. Muli itong tumalikod at akmang lalabas ng pinto pero agad na pinigilan ni Ulysses. "Sandali nga," frustrated na sabi ni Ulysses. "Mag-usap muna tayo, pwede ba? Ang hirap mong basahin. Pumunta ka lang ba rito para sampalin ako?" "Wala na tayong dapat pag-usapan pa," galit na sabi ni Dianne. "Bakit mo ako sinampal? Dahil nakipaghalikan ako? Girlfriend ba kita?" sunod-sunod na tanong ni Ulysses. Wala na siyang pakialam ku

