"Ma, alis na ako," paalam ni Ivan. Day off niya noong araw na iyon at kasalukuyang tumitingin ng pwede pang ibenta online. Bukod kasi sa trabaho sa call center ay nag-oonline selling din siya para magkaroon ng extra income. Gusto niya kasing makaipon para sa college ng anak. "Pupunta ka mamaya ha?" paalala nito. This is Ivan's first performance with the Red Ticket band kaya naman inimbitahan siya nito. Masaya si Dianne dahil isinasali na siya ngayon ni Ivan sa mga activities nito. Mas napalapit din silang dalawa sa isa't-isa simula nang bumalik si Ulysses. Speaking of that devil, ito ang unang nag-imbita sa kanya para mapanood si Ivan. They decided to have a dinner after at doon na sasabihin ang totoo. Una namang mag-peperform ang banda at aayain na lang daw nito si Ivan na umuwi nang m

