"Pasensya na talaga, pare ha kung 'di na ako makakasali sa banda," narinig nilang sabi ni Ivan. Pagkatapos ilabas ang tub ng icecream at kumuha ng baso at kutsarita, umupo pa ito at kumain sa mesa. "medyo malayo na rin kasi ang lilipatan kong school tsaka syempre, parang bonding na rin namin ng daddy ko iyon. Alam mo namang matagal ko siyang 'di nakasama." Nagkatinginan si Dianne at Ulysses sa ilalim ng mesa. Hindi napigilang ngumiti ng huli. "Talaga?" muntik nang masipa ni Ivan sa mukha si Dianne nang iwasiwas nito ang isa paa. "Sige, panoorin ko kayo. Support ako dyan." Maya-maya pa ay tumayo na ito at narinig nilang bumukas ulit ang ref. "Matutulog na ako," paalam ni Ivan sa kausap. "Baka magising si mama. Malamang gising pa ako. Nagutom lang ako kaya ako bumangon. Bye." Nakahinga

