Inulan siya ng kantyaw mula sa mga kabanda nang magkita sila kinabukasan. Kagagaling niya lang sa security agency at dumeretso sila ni Zach na katrabaho niya rin, sa Celestial bar para mag-bonding. Dahil maaga pa ay sarado pa iyon at sila lang ang tao. "Boss, okay ka lang?" natatawang tinapik siya ni Otap sa balikat. "Okay na okay," nag-thumbs up pa siya. Napatingin siya sa relo. "Siya nga pala, ininvite ko si Ivan para makita niyo siyang mag-perform before natin siya isali." "Tanggap na agad 'yon," sabi ni Marco. "malakas ka sa amin e." Natawa si Ulysses, "magaling talaga si Ivan." "Ano nga palang nangyari sa'yo nung surprise party pagkatapos naming umalis?" natatawang usisa ni Otap. "Secret," hindi maiwasang mapangiti ni Ulysses. Naghiyawan ang mga kaibigan. "Invite mo minsan si

