Nakahinga nang maluwag si Dianne nang wala pa rin si Ivan pagdating nila. Nag take out na lang sila ng pagkain on the way. "Umakyat ka muna sa kwarto," utos ni Dianne kay Ulysses. "Para hindi makahalata si Ivan na sabay tayong dumating. Kunyari tulog ka pa." Natawa si Ulysses pero sumunod naman ito. Maya-maya pa ay dumating na ang anak na may dalang cake at regalo. "Nandyan na si daddy Ule?" excited na tanong nito. "Tulog pa," sagot niya. Kumunot ang noo ni Ivan, "Paano mo nalaman?" "D-di pa kasi bumababa e. Kaya baka tulog pa. Puntahan mo kaya," kinabahan si Dianne. Sana lang ay hindi ito nakahalata. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na ito nag-usisa pa. "Binili ko na rin siya ng cake," sabi ni Ivan. "Gigisingin ko na ba?" "Sige," sagot ni Dianne bago sindihan ang kandila s

