CHAPTER SIXTEEN

1137 Words
"NARITO na pala kayo, saan kayo galing?" Salubong ni Zhila kina Jax at Kola nang puntahan nila ang mga ito kung saan sila magd-dinner. "Naglakad-lakad sa dalampasigan," ani Jax at tumingin kay Demus na tahimik lamang na nakaupo sa isang banda. "Masarap pa lang kasama at kakwentuhan itong si Kola, nag-enjoy ako," dagdag pa ng binata na tila inaasar ang kaibigan. Kita ni Kola kung paano tumalim ang mga mata ni Demus kay Jax na kung nakakamatay lamang ang titig ay bumagsak na ang huli. "Kola is really so charming, isn't she? Kaya bulag na lang ang lalaking hindi magkakagusto sa kaniya," Sabat naman ni Zhila na pasimpleng tinignan din si Demus at hinila si Kola patungo sa isang pwesto kung saan malapit lamang si Demus. "Okay, let's eat our dinner na!" Hindi komportable si Kola habang marahang kumakain. Para kasing nararamdaman niya ang mga pasibat na titig ni Demus sa kaniya kahit hindi siya nakatingin dito. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mga titig ng binata. "Since it's our last day here tomorrow, bakit kaya hindi tayo mag-inuman na lang?" Biglang yaya ni Levin sa kalagitnaan ng kanilang dinner. Sinang ayunan naman ito ng iba. Wala sa loob na napatingin siya kay Demus na walang kibo at nakatingin pa rin sa kaniya. Mabilis niyang binawi ang tingin sa lalaki at ibinaling sa kinakain. Bakit ba kasi titig nang titig ito? Maya-maya pa ay may sumiko sa kaniya at syempre alam niyang si Jax 'yon dahil ito ang katabi niya sa kaniyang bandang kaliwa. "What?" Mahina niyang tanong sa binata. "He's looking at you, at us like a jealous bug." "Sino?" Patay malisyang usisa niya sa kausap. Ngumisi si Jax. "Don't play dumb." Nagulat si Kola nang bigla siyang inakbayan ni Jax. "Guys, nabanggit nitong si Kola sa akin kanina ay malakas daw siyang uminom." Siniko niya ito. "Liar. Wala akong sinasabi sa'yo," pabulong niyang sabi sa lalaki. "Meron, hindi mo lang natandaan," pang aalaska pa nito. Mabilis nilang tinapos ang kanilang dinner at nagpahinga lang saglit upang kahit paano naman ay bumaba ang kanilang kinain. Maya-maya lang ay tumayo si Levin. "Guys, I'll get the booze." Tumayo din si Zhila. "Sasama ako babe, ako ang pipili at maghahanda sa pulutan," segunda ni Zhila na kumapit sa braso ng nobyo. Napangiti si Kola. Bagay na bagay ang dalawa at talagang mga mukhang inlove. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit at naimagine na ganoon din sana sila ni Lawrence. "Samahan na kita," ani EL at tumayo na rin. Parang may napansin siya kay EL, parang wala sa mood ito mula kanina. Tinignan din niya si Kirbin na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Demus. Mukhang may LQ ang dalawa. "Sama din ako sainyo," biglang sabat niya at tumayo. Kumapit siya kay EL. "Let's go guys," aya ni Levin na nagpatiuna na kasama si Zhila. Sumunod sila sa mga ito. Habang naglalakad sila palayo sa pwesto nila kanina ay ramdam ni Kola ang tila pagtitig ni Demus sa kaniya, kaya tuloy parang pipilipit ang kaniyang mga binti. "Okay ka lang?" Naisipan niyang itanong kay EL. Umiling ito. "Naiinis ako kay Kirbin. "Bakit?" "Parang hindi ko kasi maramdaman ang sweetness niya. Nakakainis talaga." Natawa siya. "Baka sadyang ganoon siya? May lalaki kasing hindi showy, ano ka ba?" Napanguso si EL. "Isang taon na kami at halos never pa siyang naging sweet sa akin, ganoon ba talaga?" "Ramdam mo naman bang mahal ka niya?" "Oo. Pero mas ramdam kong mas ako ang nagmamahal." Hindi nakakibo si Kola. Tila bigla niyang naramdaman ang bigat na dala ni EL. Ang buong akala niya ay okay na okay din ang relasyon nito kay Kirbin. "Balang araw magiging sweet din 'yan at mas mamahalin ka niya sa paraang gusto mo, sa ngayon ay magtiis ka muna." Nginitian niya si EL at bahagyang tinapik ang braso. Tumango si EL at pilit na ngumiti. ____________________________________ _____________________________ "ISA pa guys!" Tinignan ni Demus si Kola na siyang nanghihingi pa ng bote ng beer na kanilang iniinom. Base sa hitsura ng dalaga ay lasing na ito. Masyado ng pula ang mukha nito, ang mga mata ay masyado ng malamlam at medyo maingay na rin ang dalaga. "Here." Inabutan ni Jax ng alak ang babae. Gusto niya tuloy pilipitin ang leeg ng kaibigan na tila sinasadyang lasingin si Kola. Pagkatanggap ni Kola sa alak ay mabilis na lumagok ito doon at pabalibag na umupo sa upuan nito at tumawa pa ng malakas na parang nababaliw. Pawang may tama na ang lahat, si Zhila na nakahiga na lang sa dibdib ni Levin, si EL na medyo sumasayaw-sayaw na kahit walang tugtog, si Jax na tawa nang tawa at si Levin kahit hindi maingay ay alam niyang tinamaan na rin. Tanging sila na lamang ni Kirbin ang siyang hindi lasing at pinapanood lamang ang mga kasama. "Isa pa!" Muli siyang napatingin kay Kola. Mukhang hindi ito titigil sa kakahingi. Damn, she's so drunk and can hardly stand. "Kaya mo pa Kola?" Nakakalokong tanong ni Jax at handang abutan na naman si Kola ng isa pang bote. Huminga siya ng malalim bago tumayo. Sinundan siya ng tingin ni Kirbin. "Where are you going?" "I should probably walk her back to the cottage before she passes out." "Why? Seems like Jax is still busy having a little fun with her, mukhang type niya ang assistant mo," makahulugang wika ni Kirbin. Tumalim ang mata ni Demus kay Kirbin at hindi pinansin ang sinabi nito at nilapitan sina Kola at Jax. Assistant niya si Kola at siya ang nagsama rito sa beach resort kaya responsibilidad niya ang babae. Isa pa, hindi niya ipagkakatiwala ang lasing na si Kola kay Jax na kilalang kilala niya pagdating sa babae. Paglapit niya kay Jax ay kinuha niya rito ang bote ng alak na ibibigay sana sa dalaga. "That's enough. I'll take her to her cottage now." "Mamaya na, can't you see we're still having fun, bro," tutol ni Jax. "H-he's r-right," sang ayon pa ni Kola na halos hindi na maintindihan ang sinasabi sa sobrang bulol. Tumayo pa ang dalaga at tangkang aabutin ang alak sa kamay ni Demus pero tila bigla itong nahilo at tutumba sana kung hindi lang naging mabilis ang pagsalo ni Demus dito. "Don't be stubborn." Pagkasabi ni Demus sa mga salitang 'yon ay walang babalang itinapon sa buhanginan ang alak at binuhat si Kola. "P-put me down..." "Yeah. I'll put you down on your bed." Ramdam ang bahid ng inis sa tinig ni Demus. "I-I said put me down..." Ngunit hindi pinansin ni Demus ang sinasabi ng dalaga at tuloy-tuloy lang ang lakad. "M-magsusuk—" Bago pa matuloy ni Kola ang sasabihin ay bumulwak na ang halos laman ng tiyan niya sa dibdib ni Demus na nanlaki ang mga mata habang nagtatagis ang mga bagang. "Damn it Kola!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD