CHAPTER TWENTY

1317 Words
"LAWRENCE?" mahina niyang bigkas sa pangalan ng dating katipan, May kung anong kumislot sa puso ni Kola nang makita ito na nasa pintuan nila. "What happened? Ayos ka lang?" May pag-aalala sa tinig nito at mabilis na nilapitan ang dalaga at inalalayan sa pagtayo. "A-ayos lang ako..." Halos hindi na umalpas sa bibig ni Kola ang mga salitang 'yon sa tindi ng panghihinang nararamdaman. "No, you're not okay. Dadalhin kita sa hospital," wika ni Lawrence. Tututol pa sana ang dalaga ngunit binuhat na siya ng binata. Pa-bridal style at lalabas na ng pinto nang saktong dumating si Paula. "Bakit? Anong nangyari?" May pagkataranta sa tinig ni Paula at nilapitan ang dalawa. "Masyadong mataas ang lagnat ni Kola at dadalhin ko na siya sa hospital." "Ano? Sasama ako teka lang at kukunin ko ang mga kakailanganin niya," ani Paula na diretso pasok sa bahay nina Kola at nagtungo sa silid ng kaibigan upang kunin ang shoulder bag nito na naglalaman ng pera and ID's nito at cellphone. "Tayo na," ani Paula pagkabalik at ito ang nagbukas sa pintuan ng kotse ni Lawrence para maisakay ang kaibigan. ____________________________ NAGING okay naman si Kola matapos maturukan ng pampababa ng lagnat, ngunit kailangan niyang mag stay sa hospital hangang bukas para malaman ang result ng ibang lab test na ginawa sa kaniya. "Ano na ang nararamdaman mo? Okay ka na?" Hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa mukha ni Paula. "Tinawagan ko si Jessy at papasyal siya mamaya rito." "Medyo masakit na lang ang ulo ko pero mas okay na ako ngayon kumpara kanina. Hindi mo na dapat inabala si Jessy." Inirapan siya ni Paula. "Magtatampo 'yon kapag hindi natin sinabi, alam mo naman ang baklang 'yon." Hindi na lamang sumagot si Kola. "Mabuti naman kung okay ka na, Kola. Sa susunod kasi huwag kang magpabasa sa ulan alam mo namang lagi kang nagkakasakit kapag ganoon ang nangyayari," sabat ni Lawrence na nakatayo sa bandang paanan ng kaniyang hospital bed. Natawa siya, kabisado pa rin talaga siya nito. Pero biglang may kudlit ng sakit ang sumapol sa puso niya sa isipang hangang doon na lang sila. Magkaibigan. "O siya sige, hahanap muna ako ng makakakain mo at tawagan ko na rin sina Aling Susan para malaman na narito ka." Si Paula na tumayo na. Pinigilan ito ni Kola, "Huwag mo nang sabihin kina mama, Paula. Baka mag-alala pa ang mga 'yon," aniya sa kaibigan. Napataas ang kilay ni Paula. "Talaga ba? Mag-alala sa'yo? Baka mag-alala sa magiging bill mo rito." Walang prenong sabi ni Paula. Tinampal niya ito habang natatawa. "Sige na huwag mo nang sabihin. Hanapan mo na lang ako ng pagkain bigla akong nagutom." Tumingin si Paula kay Lawrence. "Lawrence, iwan ko muna sa'yo 'tong babaeng 'to ha? Lalabas lang ako, buti na lang talaga at naisipan mong pumasyal kina Kola, salamat sa'yo. Sana all kahit break na pumapasyal pa rin. May magagalit na naman nito panigurado." Tukoy nito kay Cindy. Hindi talaga mapigilan ni Paula ang pagkamatabil. Natawa si Lawrence sa ginawi ng babae. "Ako ang bahala sa kaniya. Hindi ko siya pababayaan." "Good to know! Bye, wait niyo ako rito." Nang maiwan silang dalawa ni Lawrence ay saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Si Kola ang unang bumasag n'on, "Salamat, Lawrence, pero bakit ka pala naligaw sa bahay kanina?" Bumuntong hininga si Lawrence at umupo sa gilid ng kama. "Nakiusap kasi si Tita Susan na kung pwedeng makahiram sa akin ng cash, ihahatid ko lang sana." "Ano?! Nanghihiram pa sa'yo si mama?!" Gulantang niyang sabi na halos mapaupo pa mula sa pagkakahiga. "Calm down, Kola. It's just a money, hindi naman ganoon kalakihan ang hinihiram niya." "Magkano?" "Sampung libo." "Ano?!" Nasapo ni Kola ang ulo dahil tila biglang kumirot 'yon. Hindi niya lubos maisip na hihiram pa ang mama niya kay Lawrence gayong alam naman nito na hiwalay na sila at ano na lang ang sasabihin ni Cindy kapag nalaman nito 'yon? Tiyak magkakagulo na naman at ayaw niyang mangyari 'yon. "Pandagdag daw niya sa tuition ni Tiff. Next month pa lang daw kasi ang sahod mo," pagpapaliwanag ni Lawrence. "Pero kaya ko naman diskartehan 'yon kung sa akin na lang siya nagsabi, pasensya ka na Lawrence, huwag mo ng ipahiram si mama at ako na ang bahala." "No. Naka-oo na ako kay tita." "Lawrence..." "It's okay, Kola. Parang tulong ko na lang kay Tiff ito." Ganoon kabait si Lawrence pagdating sa pamilya niya kaya minsan namimihasa. Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang cellphone ni Kola. "Sige sagutin mo na muna, lalabas lang ako para may privacy ka, baka kasi ang boyfriend mo 'yan," biro pa nito. Tumango si Kola. Sinaklot ng kaba ang puso niya nang makitang si Demus ang tumatawag. Lagot talaga siya rito. At tama nga siya. Pagsagot pa lang niya ay agad niyang nadinig ang galit na tinig nito. "Damn it, Kola! It's already eleven AM, Where are you? I already told you last night that I need you at my meeting today." Nakakatiyak si Kola na talagang galit ang binata base na rin sa tono ng boses nito. "I'm sorry, sir—" "Damn it! Get here right now." "I can't, sir." Sasabihin ba niya ang totoo na nasa hospital siya? "Why?" Mabalasik na tanong ni Demus na nasa kabilang linya. "Nasa hospital ako." Sa huli ay napagpasyahan niyang sabihin ang totoo. Tila natigilan sa kabilang linya si Demus at hindi agad nakapagsalita. "Hospital?" Kapagkadaka'y medyo mababa na ang boses nito at tila kumalma. "Yes, sir. Kaya pasensya ka na kung hindi ako nakapasok." "Saang hospital? Ibigay mo sa akin ang pangalan ng hospital." Wow at talagang sisiguraduhin nitong hindi siya nagsisinungaling lamang? "St. Gerald hospital." Biglang nawala sa kabilang linya si Demus. "Sir?" Ngunit wala ng sumagot kaya binaba na rin ni Kola. "Grabe talaga 'tong Moretti na 'to. Gusto pa niya yata akong sunduin dito para lang papasukin," kausap ni Kola sa sarili habang nakatingin sa cellphone niya. Lumipas ang trenta minutos pero hindi na muling pumasok sa loob si Lawrence, inisip na lang niya na baka nagutom din ito at naghanap ng makakainan, at si Paula ay hindi pa rin dumadating. Talagang nagugutom na siya dahil kagabi pa siya hindi kumakain. Tatawagan na sana niya ito ngunit bumukas na ang pinto at iniluwa n'on si Paula, bitbit ang mga binili nito. May kakaibang ngiti at kislap sa mga mata ng kaibigan. "Bakit ganiyan ang ngiti mo?" "Gaga ka, ang haba ng hair mo, day!" Nagulumihan siyang nagtanong kay Paula, "Ano? Anong pinagsasabi mo?" Muling lumawak ang ngiti ni Paula, "Ikaw ah, hindi ka nagsasabi sa amin ni Jessy na may something kayo ng boss mo, nakakatampo tuloy! Pero girl! Ang hot ng boss mo at s**t, parang malalaglag ang panty ko kanina. Hot din naman si Lawrence pero pang-good boy ang datingan. Pero ang boss mo, grabe iba ang dating." Tuloy-tuloy at tila walang hingang wika ni Paula sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Kola nang ma-gets ang sinasabi ng kaibigan. "Teka, nakita mo si Demus?" "Demus? Siya ba ang boss mo na jowa mo rin? Nasa labas siya kausap ni Lawrence." Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kola sa nalaman at may kakaibang kaba na bumangon sa dibdib niya. Bakit naroon si Demus? Paano rin nito nalaman ang room number niya? Pero bigla din niyang naisip na walang imposible kay Demus Moretti. "Sabihin mo nga sa akin, jowa mo na ba talaga ang boss mo? Mukhang bigatin!" Halata ang pagkasabik sa boses ni Paula. "Mukhang magiging donya ka sa future." Napangiwi siya sa kaibigan dahil kung saan-saan tumatalon ang isip nito. "Halika rito, Paula. May sasabihin ako," bulong niya. Lumapit naman agad si Paula at pabulong niyang ipinaliwanag kung bakit ang pagkakaalam ni Lawrence ay boyfriend niya si Demus. "Ay, ganoon? Pretend-pretend lang pala? Pero kung ganoon nga, bakit ka dinalaw dito ng boss mo?" Natigilan siya. Bakit nga ba naroon si Demus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD