"PASENSYA ka na sa munting bahay namin, ah? Saglit gagawan kita ng kape," sabi ni Aling Susan kay Demus at mabilis na nagtungo sa kanilang maliit na kusina.
Umupo si Demus sa maliit nilang sofa at tahimik lamang na nagmasid sa paligid. Nakaramdam ng kaunting hiya si Kola dahil sadyang napakaliit ng bahay nila para sa binata at alam niyang hindi sanay ito sa ganoong paligid.
"Magbibihis muna ako," paalam niya sa binata at hindi na niya hinintay ang sagot nito, mabilis na siyang pumasok sa silid niya.
Talagang kanina pa siya nilalamig at mahina siya pagdating doon.
Kahit nasa silid at sarado ang pintuan n'on ay dinig niya ang boses ng ina niya na kinakausap si Demus.
"Heto ang kape mo, Mr. Moretti—naku, tama ba? Pasensya ka na at napagkamalan kitang jowa ng anak ko kanina, ah? Kasi sino namang boss ang ihahatid ang empleyado kung ano...alam mo na."
Mariing napapikit si Kola at natigil ang tangkang pagbibihis dahil sa sinasabi ng ina niya. Nakaramdam siya ng hiya at marahas na bumuntong hininga. Minadali niya ang pagpapalit at baka kung ano pa ang masabi ng ina niya kay Demus kung hindi niya pa lalabasin ito.
"Kola, dalian mo riyan at walang kasama ang boss mo rito. Ako'y lalabas muna upang abangan sa kanto si Tiffany at Cedric, baka nabasa na ng ulan ang dalawang 'yon. "
Dinig niyang bahagyang sigaw ni Aling Susan. Minsan gusto niyang magselos dahil buti pa ang dalawa niyang kapatid ay naisipang salubungin ng ina at siya ay hindi.
"Ayan na patapos na," sagot niya habang nilalagay ang bra.
"Maiwan na muna kita rito, Mr. Moretti—"
"Just call me Demus."
"Ah, sige Demus maiwan na muna kita, patapos na niyan si Kola."
Narinig na lang ni Kola ang mga yabag ng mama niya palabas ng bahay, minadali na niya ang pagbibihis nang biglang mapasigaw dahil bumukas ang pintuan ng kaniyang silid.
"Demus!" Bulalas ng dalaga sabay takip sa dibdib dahil hindi pa niya tuluyang naikakabit ang bra. "A-anong ginagawa mo rito?" Utal niyang usisa.
Umikot ang paningin ni Demus sa kabuuan ng silid ni Kola bago dumapo ang tingin sa dalaga.
"Is this a room or a closet?"
Hindi alam ni Kola kung ma-ooffend o matatawa siya sa tinuran ng binata. Pero hindi niya masisisi ito dahil napakaliit talaga ng silid niya, mas malaki pa nga ang CR sa opisina ni Demus.
"Huwag mo ng laitin ang kwarto ko, Mister bilyornaryo. Labas, baka makita ka ni mama o ng mga kapatid ko," taboy niya kay Demus.
Buti na lang at wala lahat ang tao sa bahay.
"Why?" Biglang nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata ni Demus at pinagmasdan ang kabuuan niya. "Come on, why not keep getting dressed right here in front of me?" He teasingly said.
Mabilis na pinamulaan ng mukha si Kola. "Shut up," aniya at tinulak niya palabas si Demus sabay sara sa pintuan ng kaniyang silid.
Napasandal sa dahon ng pinto ang dalaga habang kabang-kaba, tila may naghahabulang maraming daga sa kaniyang dibdib. Bakit ba laging ganoon ang epekto ni Demus sa kaniyang sistema?
"Relax ka lang, Kola. Masanay ka na sa presensya ni Demus..." pagpapakalma niya sa sarili.
Huminga siya ng malalim at binilisan na niya ang pagbibihis at lumabas upang puntahan sa sala ang binata. Dinatnan niya roon ito na nakaupo habang lumalagok sa tasa ng kape.
"H-hindi ka pa aalis?" Iyon agad ang ibinungad niya rito.
Dahil kapag bumalik ang mama niya at ang mga kapatid niya ay mas gugulo.
Tumingin sa kaniya si Demus na seryoso ang mukha. "I can't blame you for choosing your responsibility to your family over your own happiness, Miss Matias."
Natigilan si Kola at hindi ma-gets ang sinabi ni Demus. "What?"
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Demus. "Nothing. Forget what I said, I have to go." Ibinaba na nito ang tasa ng kape at muling tumingin sa dalaga. "By the way, make sure you're not late tomorrow. I have an important meeting, and I need you there."
"Ofcourse, sir."
Tumayo na si Demus at tumungo sa pintuan. Hinatid ni Kola ito hangang sa kotse dahil tumila na ang ulan. Hangang sa makaalis ang binata ay palaisipan kay Kola kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Demus, nang sabihin nito sa kaniya ang mga katagang 'yon kanina ay may kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata nito na daglian din nawala.
__________________________________
____________________
KINABUKASAN ay hindi nakapasok si Kola dahil bigla siyang inapoy ng lagnat nang gabi, siguro dahil na rin sa pagkakabasa niya sa ulan kagabi. Wala pa naman siyang kasama ngayon at mautusan upang bumili ng kaniyang gamot. Pumasok sa eskwela sina Ced at Tiff, ang ina naman nila ay may pinuntahan daw at ang kapatid niyang isa ay kahapon pa wala at pumasyal sa byenan kasama ang pamilya nito.
"s**t, mamamatay na yata ako," biro pa niya sa sarili.
Paano ba naman kahit maglakad patungo sa kusina ay hindi niya magawa dahil talagang nanlalambot siya, nanginginig din ang mga kalamnan niya at talagang ramdam niya ang panghihina ng kaniyang buong katawan. Biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ilalim ng unan kaya sinagot niya 'yon nang makitang si Paula ang tumatawag.
"Uy, ano na? Kumusta ka na? Hindi ka na nakakasama sa gala namin ni Jessy, ano mamaya game ka? Free ka?" Tuloy-tuloy na sabi ni Paula.
"Hindi ako pwede. May lagnat ako ngayon at nasa bahay," aniya sa mahinang tinig.
Nabahiran ng pag-aalala ang tinig ni Paula. "Okay ka lang ba? Uminom ka na ng gamot?"
"Hindi pa, wala pa akong mautusan at wala rin naman si mama."
"Ano?! Hindi ka man lang nila pinag-iwan ng gamot bago sila nagsilayasan? My gosh!"
Naiimagine niya ang galit na mukha ng kaniyang kaibigan kaya bahagya siyang natawa.
"Ano ka ba, okay lang naman ako, lagnat lang 'to."
"Mukha kang hindi okay. O siya sige hintayin mo ako diyan at dadalhan kita ng pagkain at gamot."
Napangiti siya. Ito ang gustong-gusto niya sa mga kaibigan niya kapag may sakit siya ay mas grabe pa mag-alala ang mga ito kaysa sa pamilya niya.
"Salamat Paula..."
Pagkapatay niya sa tawag ay naramdaman niya ang biglaang pagkahilo kaya pumikit muna siya sandali. Ramdam niya ang nakakapasong init ng kaniyang katawan lalo na sa loob, patuloy sa panginginig ang kaniyang mga kalamnan at ang pakiramdam ng panlalambot. Dala na rin siguro ito ng gutom dahil hindi na siya nakakain ng dinner kagabi.
Pagkalipas ng isang oras ay may narinig siyang pagkatok sa main door at pinilit ni Kola na maglakad patungo sa pintuan upang buksan 'yon dahil baka si Paula na 'yon. Pagkabukas niya ng pinto ay hindi si Paula ang naroon...