BAHAGYANG namutla at mas lalong nakaramdam ng kaba si Kola nang malaman na ina pala ni Demus ang ginang. Malay ba niya na mama ito ng binata?
"My apologies, Mrs. Moretti. Please wait a moment, I’ll let Sir Demus know that you're here." Hinging pasensya niya sa ginang.
Maglalakad na sana siya patungo sa conference room nang pigilan siya ng ginang.
"No need, ako na ang pupunta sa kaniya." Nilampasan nito ang mesa niya at nang tila may naalalang sabihin ay muli siya nitong hinarap.
"By the way, next time, at least know who's visiting your boss so you'll actually know how to receive them properly. Hai capito?" mataray nitong sabi bago siya muling talikuran.
"Yes, ma'am."
Pagpasok ng ginang sa conference room ay doon pa lamang tila nakahinga ng maluwag ang dalaga. Ngayon ay alam na niya kung saan nagmana si Demus. Mukhang magakaugali ito at ang ina nito.
"Sino naman kaya ang susunod na magpupunta rito? Kapatid niya? Tito niya o pinsan niya?" Bulong ni Kola sa sarili. Dapat na yata niyang alamin ang bawat miyembro ng pamilya nito para hindi siya napapahiya.
Bandang alas dose ng tanghali at hindi pa rin lumalabas ang mag-ina sa conference room kaya naisipan na ni Kola na mag lunch break na at sadyang nagugutom na rin siya. Ganoon ang utos ni Demus, basta dumating ang oras ng kaniyang lunch break ay umalis lang siya.
_______________________________
_________________________
NANG makarating sa cafeteria ay nakita niya ang tatlo, sina Gail, Irene at Clarisse na kumakaway sa kaniya at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ng mga ito. Lumapit siya sa tatlo matapos makapag order ng kakainin.
"Uy, girl. Akala namin ay natanggal ka na sa trabaho dahil hindi ka namin nakita nitong mga nakaraang araw," ani Clarisse na siyang katabi niya sa upuan.
"Swerte ko nga at hindi ako tinanggal," sagot niya habang natatawa.
Nag-usisa naman si Gail, "Eh, nasaan ka nagpunta nitong mga nakaraang araw? Huwag mong sabihin na kasama ka ni sir sa isang business trip?" May pang-aasar sa boses nito.
Ngumisi siya. "Ganoon na nga, isinama nga niya ako sa isang business trip sa bohol."
"Talaga? Ang swerte mo naman at nakasama mo na si sir sa ganiyan," segunda naman ni Irene na mukhang crush si Demus. "Kung alam ko lang, sana ay assistant na lang ang inapplyan ko rito."
Natawa si Gail. "Naku for sure bagsak ka agad. Ayaw ni Mr. Moretti sa madaldal na assistant. Ikaw pa naman ang pinakamadaldal rito."
"Atleast maganda," bwelta ni Irene.
Natawa na lamang si Kola sa pagbibiruan ng dalawa.
"Kwento ka naman, Kola. Kumusta naman kasama si sir?" Tila interesadong usisa pa ni Irene sa dalaga.
Napaisip si Kola. Sa limang araw na nakasama niya si Demus sa beach resort na 'yon, napagtanto ni Kola na hindi naman ganoon kapangit at kalamig ang ugali pala ng binata gaya nang iniisip niya noon. Mabait ito ngunit parang hindi lang nito madalas ipakita 'yon.
"Wow, mukhang nag-iisip ka na ng sasabihin ngayon, ah?" Pang-aalaska naman ni Clarisse.
Natawa siya. "Mali pala ako ng akala, may pagkamabait naman pala si sir kahit paano," aniya sa tatlo.
"Talaga?" Sabay-sabay pang usisa ng tatlo na tila hindi makapaniwala.
Tumango siya sa tatlo. "At mababait ang mga kaibigan niya," dagdag pa niya.
Nagkwento siya ng ilang kaganapan sa Bohol, pero siyempre hindi niya kinwento lahat, lalong-lalo na ang parte kung saan nalasing siya.
NANG matapos na ang oras ng break nila ay nagpaalam na siya sa tatlo. Pagbalim niya sa executive office ay wala na si Demus doon at ang ina nito, tinignan din niya ang calderetang baka na binigay niya kanina sa binata at wala na rin 'yon sa mesa nito. Hindi napigilan ni Kola ang mapangiti nang maisip na baka dinala iyon ni Demus at kinain. Sana lang ay magustuhan nito ang lasa.
____________________________
_______________________
ALAS-OTSO na ng gabi ngunit nasa waiting shed na malapit sa moretti building si Kola. Bigla kasing lumakas ang buhos ng ulan kaninang paglabas niya at nahirapan siyang maghanap ng masasakyan. Pati nga taxi na kahit mahal ay papatusin na sana niya para lang makauwi siya, ang kaso ay wala din. Basang basa na rin nga siya dahil hindi naman kalakihan ang waiting shed na 'yon. Tatlo na lang silang tao na naroon at mukhang may sari-sariling sundo rin ang mga ito base na rin sa naririnig niyang usapan mula sa dalawa. Kinakabahan siya sa isipang mag-isa na lang siya mamaya at takot siyang baka hindi siya makauwi ngayong gabi at sa kalsada siya matulog.
Huwag naman sana.
Maya-maya pa ay umalis na ang dalawang kasama niya dahil dumating na ang mga sundo ng mga ito at tuluyan na nga siyang naiwang mag-isa. Lumipas ang sampung minuto nang biglang may dark blue na mamahaling kotse ang tumigil sa harapan niya, biglang kinabahan ang dalaga dahil agad pumasok sa isip niya na uso ang nandudukot ngayon.
Napaatras siya ng bahagya at hinawakan niya ng mahigpit ang shoulder bag niya na maari niyang ipampalo lalo na pag may nagtangka sa kaniya, lalaban talaga siya.
Pagbaba ng salamin sa passenger seat ay nagulat siya nang makita si Demus ang nasa driver seat. As usual walang emosyon ang mukha nito at sanay na siya roon.
"Hop in."
"Sir?"
"Hop in."
"Huwag na sir, maghihintay na lang ako. Basa na rin po ako."
Siyempre magpapakipot siya at titiisin na lang niya ang ginaw kesa mas makasama niya ang lamig ng presensya ni Demus sa kotse.
"Get in the car, Miss Matias—unless, of course, you'd prefer kidnappers to give you a ride instead," He said in a sarcastic tone.
Nang marinig ni Kola ang 'kidnappers' ay mabilis pa sa alas kwatrong sumakay ito sa back seat. Pero nagtataka siya nang hindi pa rin ini-start ni Demus ang kotse at kita niya ang titig nito sa rear-view mirror.
"What's with the back seat? I'm not your Uber, Miss Matias."
Sa madaling salita ay pinapalipat siya nito sa passenger seat. Tututol pa sana si Kola pero pinigilan niya ang sarili. Muli siyang bumaba at sumakay sa passenger seat.
"Happy sir?" Hindi niya alam kung ba't niya nasabi yon sa sarkastikong tinig.
Tinapunan siya ng matalim na titig ni Demus pero wala naman itong sinabi. Binigay niya ang direksyon kung saan siya nakatira, siyempre inihatid na rin siya nito, papahatid na siya sa mismong bahay nila. Nangangatal na kaya siya sa lamig lalo na at bukas ang aircon sa kotse.
Sa isip ni Kola kung wala kayang balak si Demus na pahiramin siya nito ng jacket gaya ng mga napapanood niyang telenovela na madalas gawin ng isang lalaki kapag nakakita ng nilalamig na babae. Pero mukhang walang balak si Demus dahil hangang makarating na sila sa bahay nila ay wala itong ginawa.
"Diyan na lang ako sa tabi," aniya nang matanaw ang harap ng bahay at nakita rin niya ang ina na nakapayong na tila may hinihintay.
Itinigil ni Demus ang kotse sa harap pa ng mama ng dalaga at nang makita ng ginanag na bumaba si Kola roon ay nanlaki ang mga mata nito at sumilip pa sa loob ng kotse.
"Siya na ba ang bago mong jowa, Kola? Aba mukhang mayaman! Halika at magkape ka muna, hijo." Yaya pa ng ginang kay Demus.
Hindi maitago ni Kola ang hiya at hinawakan sa braso ang ina. "Ma, hindi ko siya boyfriend at hindi siya nagkakape." Nilingon niya si Demus. "Salamat, sir."
Pero nagulat si Kola na imbes na umalis na si Demus ay bumaba pa ito mula sa kotse.
"I think I want some coffee."
Iyon ang saad ni Demus at wala ng nagawa si Kola kung hindi patuluyin sa maliit nilang bahay ang binata.