CHAPTER SIX

1097 Words
"THIS is insane," bulong ni Cindy na hindi pa rin makapaniwala sa narinig. "But, well. Since may boyfriend naman na si Kola. We can invite them into our wedding, hindi ba, babe?" Sabay tingin kay Lawrence na seryoso lang ang mukha na nakikipagtagisan ng titig kay Demus nang mga sandaling 'yon. "Babe?" Ulit ni Cindy na napakunot na ang noo. Biglang tila natauhan naman si Lawrence at sumang-ayon na lamang, "Ah, yeah. We can invite them." Malawak ang ngiting tumingin muli si Cindy kina Demus at Kola. "Did you hear that? Our wedding will take place three months from now, so I expect to see you both there." Hindi alam ni Kola ang isasagot. Nakatayo lang siya doon na parang biglang napipilan sa lahat ng nangyayari. "Sure," maikling sagot ni Demus at sa pagkakataong ito ay inakbayan si Kola. "Good!" Kumapit sa braso ni Lawrence si Cindy at sinenyasan nito ang lalaki na umalis na. Tumango lamang si Lawrence. Ngunit kita ni Kola na bago tumalikod si Lawrence ay binigyan siya nito ng isang tingin na hindi niya maintindihan. Pinagmasdan niyang makalayo ang dalawa, basag na basag at nagdurogo ang kaniyang puso. "Aren't you going to thank me?" Nilingon ni Kola ang nagsalitang si Demus na bumalik sa malamig ang hitsura nito. This time ay tinanggal na nito ang pagkaka akbay sa kaniya at naglagay ng espasyo sa pagitan nila habang nakapamulsa. "Thank you for what?" Nagkibit ng balikat si Demus. "I saved your ass from your ex." Sumimangot si Kola. "At bakit mo alam na ex ko 'yon, aber?" "I happened to overhear your conversation. I was sitting nearby." Parang walang ano na sagot ng binata. "Lakas ng pandinig mo, may tugtog pa sa paligid niyan, ha," sarkastikong wika ni Kola. "Salamat ha? Dinagdagan mo ang problema ko!" Tumaas ang isang kilay ni Demus. "Dinagdagan?" "Pumayag kang magpunta sa kasal nila!" Ngumisi ng nakakaasar si Demus. "Ayaw mo ba?" "That's pathetic!" Nag walk out si Kola. Ang pagpunta sa kasal ng dalawa ang pinakahuling bagay na gusto niyang gawin! Hindi siya masokista! Mabilis na naglakad si Kola na tila biglang nawala ang kalasingan dahil sa nangyari. Binaybay niya ang pasilyong may kadiliman patungo sa ladies room. Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa women's room ay impit siyang napasigaw nang may humila sa braso niya at bigla siyang isinandal sa pader ng pasilyong 'yon. Napasinghap siya nang mapagsino ang pangahas. "Demus!" "Have you given my offer some thought?" Inipit siya ni Demus sa pader, isinandal nito ang buong katawan sa kaniya at inilapit din ng binata ang mukha nito sa kaniyang mukha. Aninag ni Kola sa mapusyaw na ilaw ang apoy ng pagnanasa na nasa mga mata ni Demus. "Demu—" Tangka sana niyang itutulak ang lalaki. Ngunit bago magawa ni Kola iyon ay marahas at nakakaliyong halik ang ipinagkaloob ni Demus sa dalaga. Buti na lang at walang sagabal dahil hindi niya suot ang kaniyang salamin at naisipan niyang magsuot ng contact lens na may grado nang gabing 'yon. "Open up for me..." Hindi alam ni Kola kung bakit sinunod niya ang nais ni Demus at tinugon ang halik nito. Dala pa rin ba ito ng alak sa kaniyang sistema? O dala ng katotohanang talaga namang nakakatukso ang tulad ni Demus? Sino ba naman ang hindi matutukso sa kakisigan nito? Sa lalaking-lalaking amoy nito at sa nakakamagneto nitong parsonalidad. "I want your answer now, Kola..." Hingal na wika ni Demus matapos nitong putulin ang isang marubrob na halik sa pagitan nila. Bahagya lamang nitong inilayo ang mukha sa mukha niya. Hindi mahanap ni Kola ang boses. Ano ba ang dapat niyang isagot? "H-hindi ko alam. Bakit ako?" sa wakas ay bigkas ng dalaga. "Because I know you don't fall easily...and that only makes it more tempting..." Hindi sumagot si Kola at nahulog sa malalim na pag-iisip. Tumaas ang kabilang gilid ng labi ni Demus nang mapansin ang reaksyon ni Kola. "Think of this... We'll both have our share— i'll help you forget your ex and I'll satisfy myself. See? It will feel as though we're only playing..." For Kola, it's a dangerous game to play. Isang laro kung saan bihasa si Demus, at siya? Anong alam niya? Isa lang siyang babaeng may pusong sugatan na nais makalimot pansamantala and at the same time isang breadwinner na nais magprovide sa dukhang pamilyang meron siya, and Demus could give her both. "Fine. I'll accept it." Hindi sigurado pero binigkas pa rin ni Kola ang mga salitang 'yon. Kumislap ang mga mata ni Demus at muli nitong inangkin ang labi ni Kola. Sa pagkakataong iyon, ito'y mapusok at mapag-angkin. "Hey, you guys get a room!" Naitulak ni Kola si Demus nang marinig ang sinabi ng isang babaeng dumaan. Pakiramdam ng dalaga ay pulang-pula ang mukha niya nang oras na 'yon at halos magpalamon na siya sa lupa. Nang tignan niya si Demus, tila wala man dito ang kahihiyan dahil may nakapuna sa kanila. He's just there, standing like a boss habang malamig ang mga matang pinagmamasdan siya. Isang bagay ang napansin ni Kola, ang bilis magbago ng ekspresyon ng mukha nito at mata. Kung kanina ay puno ng pagnanasa 'yon patungkol sa kaniya, ngayon naman ay hindi mo na mabasa ang naroon. "S-saglit lang at gagamit lang ako ng rest room," tarantang wika ni Kola habang kabadong inaayos ang mahabang buhok na nagulo sa pinanggagawa nila ni Demus kanina. "Be in my office tomorrow at nine o'clock sharp." Wika ni Demus sa commanding at seryosong tinig. Napanganga na lamang si Kola at tahimik na pinagmasdan ang papalayong bulto ni Demus. "Oh, gosh. Ano ba itong pinasok ko?" Mangiyak-ngiyak niyang bulong at wala sa sariling nakagat ang hintuturo na malimit niyang gawin sa tuwing kinakabahan. "Kola! Kanina ka pa namin hinahanap babae ka!" Sigaw ni Jessy. Kasama nito si Paula at naglalakad papalapit sa kaniya ang mga ito. Pasimpleng pinunasan ni Kola ang labi upang masigurong hindi kumalat doon ang lipstick dahil sa pakikipaghalikan sa binata. "Ayos ka lang? Para kang ginulpi diyan?" Puna ni Jessy nang tuluyan ng nakalapit ang mga ito. Parang biglang muling namula ang pisngi ni Kola. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang pinaggagawa niya. "Mag-CCR ako, kayo ba?" Painosente niyang tanong. "Haler, hinahanap ka nga namin, hindi ba? Iuuwi ka na namin, mukha ka ng ano diyan oh." Salo naman ni Paula habang nagsusuklay ng buhok. Mabilis na inagaw ni Kola ang suklay mula sa kaibigan at sinuklay ang nagulong buhok. Napapa 's**t' na lang siya sa kaniyang isipan sa tuwing naalala si Demus at ang larong pinasok niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD