CHAPTER SEVEN

1091 Words
ANG tila armalite na bunganga ni Aling Susan ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Kola. Dahil sa maliit lamang ang bahay na inuupahan nila, abot hangang sa silid niya ang boses ng ina. "Ang aga naman niyan..." bulong niya habang nakapikit pa rin. Marahan niyang hinilot ang sintido dahil parang pumipitik iyon. Hang over na naman. Pinilit niyang bumangon at tinignan ang oras, alas sais pa lamang ng umaga. Pero bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala na ngayon ang unang araw niya sa Moretti Empire! "Oh, s**t. Nine o'clock sharp!" Paalala niya sa sarili. Dali-dali siyang nagtungo sa kanilang maliit na kusina kung nasaan naroon na rin ang dining table. Nasa hapag kainan na ang kapatid na si Tiffany at Cedric na nag aalmusal na. Ang ina naman nila ay nasa bandang labado at tumatalak habang may nililinis doon. Ito ang normal na umaga ni Kola. Maingay, magulo at well, okay naman at sanay na siya. Kasabay ng pag-upo niya sa upuan ay ang pagbagsak sa harapan niya ng mga papel kung saan nakasulat doon ang mga bills na babayaran niya ngayong buwan. "Due date na ng mga 'yan this week," anang ina niya na siyang nagdala ng mga bills. Kaya pala mainit ang ulo nito ngayon dahil hindi pa niya nababayaran ang mga dapat bayaran Inayos ni Kola ang eye glasses at tinignan ang mga 'yon. Water bill, electric bill at wifi bill nila. Wala pa man ay gusto ng manlumo ng dalaga. "Wala pa diyan ang renta nitong bahay. Naniningil na kahapon ang land lady natin, Kola. Ano ang nangyari at nadelay ka sa pagbabayad ngayon? Dati ay hindi naman, ah." Oo nga pala hindi alam ng pamilya niya na resigned na siya sa dating trabaho at ngayong araw pa lamang siya magsisimula ulit sa bago niyang trabaho. Sabagay, wala naman pakialam ang mga ito sa kung saan siya nagtatrabaho, basta ba nababayaran niya ang mga bills. "Huwag kang mag-alala ma, ako ang bahala diyan," tanging nasambit na lamang ni Kola habang nilalagyan ng sinangag ang plato. Pero sa totoo lang problemado siya. Hindi na sapat ang hawak niyang back pay para bayaran ang lahat ng pending bills nila. "Aba ay bayaran mo na, baka tayo ay maputulan ng kuryente o kaya naman ay palayasin rito. Ayokong tumira ulit sa kalsada, matanda na ako para maranasan pa 'yon." Hindi sumagot si Kola. Dati rin kasi nilang naranasang tumira sa kalsada, noong nabubuhay pa ang ama nila. Kahit siya ay hindi na niya nanaiisin pang muling mangyari 'yon. Pilit na nginuya ni Kola ang itlog at sinangag na nasa bibig. Okupado ng problema ang kaniyang isipan. Nakakahiya naman ng mangutang sa dalawa niyang kaibigan na pawang mga breadwinner din katulad niya. "Ate..." Tumingin siya kay Tiffany na siyang tumawag sa kaniya. May nais itong sabihin pero may pag aalinlangan sa mukha nito. Sa lahat ng kapatid niya, si Tiffany lang ang medyo nakakaunawa sa hirap niya bilang breadwinner ng pamilya nila. "Ano 'yon, Tif?" "May babayaran kasi kami sa school this week din, ate. Kakayanin ba?" Malumanay nitong tanong. Marahang napabuntong-hininga si Kola at pilit na tumango. "Sige, magsabi ka lang kung kailan ba." "Sige, ate." "Naku ako rin ate mayroong babayaran," biglang sabat naman ni Cedric. "Magkano naman ang sa'yo?" "Mga nasa six hundred lang 'yon, Ate Kola. Next week din kasi 'yon." Mas lalong nahirapang lunukin ni Kola ang kinakain. Imbes na magka-energy siya dahil nag-almusal, mukhang nanlambot pa siya lalo dahil sa mga bayarin. Hinarap niya ang ina na patuloy pa rin sa pagkiskis sa lababo. "Ma, si Kuya Evan? Hindi ba niya ako matutulungan sa mga bills or kahit sagutin na lang niya ang kina Tiffany." Humarap si Aling Susan, bumuntong hininga. "Kola, wala naman maibibigay ang kuya mo. Kulang pa sa kanilang magpapamilya ang sahod niya. Maawa ka sa kapatid mo, may mga anak 'yon." Buti pa ang mama niya, marunong maawa at intindihin ang kapatid niya. Pero pagdating sa kaniya, Nada! Nevermind na lang. Pinili na lang ni Kola na manahimik. Pero kung tutuusin matutulungan naman siya ng kuya niya, paanong hindi sasapat ang sahod nito sa pamilya nito e halos siya naman nagpapakain sa mga ito? Halos wala ng gastos ang kuya niya na nakikipisan sa kanila. Saan nito dinadala ang sahod? Wala man lang itong kusang mag-ambag. Nakakasama naman ng loob. Tahimik na tumayo si Kola mula sa hapag, hindi na inubos ang pagkain at muling pumasok sa silid niya. Nagkalkal siya sa closet niya ng pwede niyang isuot ngayong araw. Sa pagkalkal niya ay doon lang niya narealize na wala siyang mga bagong damit na nabibili para sa sarili niya. Ganoon na ba siya ka-selfless? Bago pa siya lamunin ng awa sa sarili ay nagtungo na siya sa CR upang makaligo. ______________________________ ____________________ AFTER an hour, nakagayak na ang dalaga. She chose a Ivory-white buttoned up to the collar blouse, then she put a soft and delicate silk scarf around her neck. She wore her favorite pressed navy skirt, cut just below the knee and paired it with black leather pumps. Kola drawn back her long black and glossy hair in a pony tail. This style revealed the clean line of her jaw and the delicate curve of her ears. And ofcourse, her thick eyeglasses were an inseparable part of her get-up. Hinihingal ang dalaga dahil sa pagmamadali habang papasok siya sa matayog na building ng Moretti Empire, hangang sa makarating sa elevator hindi mawala-wala ang hingal at kaba ni Kola lalo na nang masilip sa kaniyang simpleng wrist watch ang oras. "Hindi naman niya siguro ako lalamunin ng buo, hindi ba?" Kausap ni Kola sa sarili dahil mag-isa lang siya sa elevator ng mga sandaling 'yon. Late na late na siya! Nang makarating sa palapag ng C-suite ay mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ni Kola kumpara kanina, mas malala rin nga sa kaba nang unang pagpunta niya rito noon. Gusto na nga niyang umurong at lisanin na ang building na 'yon. Kahirapan ng buhay lang talaga ang isa sa pumigil sa kaniya. Triple ang laki ng sasahurin niya kay Demus kumpara sa ibang mapapasukan niya. Makailang beses munang huminga ng malalim si Kola bago kumatok sa pintuan ng executive office na 'yon. Marahan niyang itinulak ang pintuan at bumulong ng munting panalangin na sana maging smooth ang unang araw niya sa Moretti Empire. "You're late, Miss Matias." Ngunit ang malamig, nakakatakot at seryosong tinig ni Demus ang sumalubong sa kaniya. At alam ni Kola na hindi magiging smooth ang araw na 'yon gaya ng dinadasal niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD