MAGKASALUBONG ang kilay ni Demus habang minamasdan ang oras sa wall clock na nasa opisina niya. It's already 10:30 in the morning at wala pa rin si Kola. Ayaw na ayaw pa naman ni Demus sa taong nal-late. Marahas siyang napabuntong hininga at napailing. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw lamang ng kaniyang lamesa. It's Jax Cavlar.
"What?"
"Whoa, bakit mukhang mainit na naman ang ulo mo?" Wika ni Jax sa usual na mapang asar nitong boses.
"Shut up. Anong kailangan mo?"
Tumawa pa ng nakaka-asar si Jax sa kabilang linya. "Mukhang mas lalong iinit ang ulo mo sa ibabalita ko."
"Shoot."
"It's about Rain and Arzus."
Pagkarinig ni Demus sa mga pangalan na nabanggit ni Jax ay kumuyom ang kaniyang mga kamao at tumiim ang kaniyang bagang.
"I just heard that they're coming back to the Philippines—for good."
Lalong dumilim ang anyo ni Demus. Humigpit ang hawak sa cellphone na tila nais niyang ihagis iyon sa pader.
"Sinabi ko ito sa'yo para hindi ka masurprise kapag sa mga darating na araw ay makita mo ang pinsan ko. So, pinaganda ba ng balita ko sa'yo ang unaga mo ngayon?" Sinabayan pa iyon ni Jax ng isang nakakalokong tawa.
Naiimagine ni Demus kung gaano kalaki ang ngisi ng kaibigan niya habang inaasar siya.
"You ruined my day, jackass."
"I know." Sabay tawa na naman ng nakakaloko. "I really love ruining your day."
"Asshole."
Dinig pa niya ang halakhak ni Jax bago niya pinatay ang tawag nito. Tila may nagwawalang halimaw sa kaloob-looban ni Demus, tumayo siya at dinampot ang mamahaling flower vase na nasa isang estante at buong lakas niyang hinagis iyon sa pader at nagkadurog-durog. Matagal niyang tinitigan ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Kung hindi niya pipigilan ang sarili ay mas marami pang kagamitan ang masisira niya sa loob ng opisina niya gaya ng karaniwang nangyayari kapag naalala niya ang dalawa.
Lumipas ang ilang minuto at nagawang kumalma ng binata. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang opisina at nang tignan kung sino ang dumating ay hinarap niya ito.
"You're late, Miss Matias," wika ni Demus sa malamig at seryosong tinig.
__________________________
________________
KABADONG umayos ng tayo si Kola at tumingin kay Demus na nakatayo sa harapan niya habang nakapamulsa ang isang kamay nito sa pantalon. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito habang pinagmamasdan siya. His overall presence feels both powerful and intimidating, that makes him more dangerous.
"I'm sorry, sir. Naipit lang ako sa traffic."
"So, is it my fault na naipit ka sa traffic?"
"No sir—"
"Let's get this straight, Miss Matias. In my company, being late is not an option. It means, you're not allowed to be late!" Dumagundong ang boses ni Demus sa buong opisina.
Napapitlag si Kola sa lakas ng boses ni Demus at lalo siyang nakaramdam ng matinding kaba kasabay ng unti-unting pagbangon ng takot sa kaniyang kalooban. Malayong-malayo ang Demus ngayon sa Demus na nakaharap niya sa mga nakaraang araw.
"Sorry, sir." Ang tanging nasambit na lamang ni Kola.
Narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga ni Demus. Muling bumalik ito sa swivel chair nito, umupo at pinagsalikop ang mga braso.
"That's your table," anito sa mas medyo kalmado ng boses.
Napatingin si Kola sa itinuro ni Demus sa isang sulok na malapit sa main door ng executive office nito. Naka set na roon ang magiging working area niya. Medyo nagulat lang si Kola dahil akala niya ay ilalagay ang working area niya sa isang adjacent room na nakita niya sa tabi ng executive office, para mas may privacy sana siya. Iniisip pa lamang niya na nasa isang office lang sila ni Demus sa maghapon ay parang hihimatayin na siya sa kaba. Lalo na at ganito ka istrikto ang kasama niya.
"I placed your desk here so you'll always be accessible."
Muling napatingin si Kola sa binata na tila nabasa nito ang nasa isip niya. Hindi niya tuloy maiwasan maglagay ng ibang kahulugan sa sinabi ni Demus na 'accessible'. Sa isipang 'yon ay namula ang mukha ni Kola.
"I want you to be highly organized and detail oriented, Miss Matias."
"Yes, sir."
"Do you have strong multitasking abilities?"
Mabilis siyang sumagot, "Ofcourse, sir."
Ngumisi si Demus. "Good."
Muli ay hindi naiwasan ni Kola na pamulaan siya ng mukha nang tila nabasa niya ang iniisip ni Demus about sa 'multitasking'. Lalo na at bukod sa EA siya nito ay may iba pa silang usapan ni Demus. She's a bed-warmer, too.
"By the way, I want you to be professional and discreet in everything."
"Yes, sir—"
"Be discreet, Miss Matias. You're not allowed to tell anyone about our deal, our game."
Marahan siyang tumango kay Demus na titig na titig sa kaniya. Tila ba pinag-aaralan nito ang buong hitsura niya at ekspresyon niya sa bawat segundo.
"Good. Now, bring my coffee and clean that mess." Sabay turo sa bubog ng vase at pagkaraan ay nagsimula na itong magkalkal sa mga papeles na nasa harapan nito.
Lumipad ang tingin ni Kola doon at talagang noon lang niya napansin ang basag na vase. Gusto sana niyang magtanong kung bakit nabasag iyon pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pala pwede maging tsismosa kapag si Demus ang kasama niya.
Mabilis na nagtungo si Kola sa kaniyang desk at ibinaba ang bag doon.
"The pantry area is there." Sabay turo sa isang sulok.
Agad na pinuntahan ni Kola ang itinuro ni Demus. Kailangan magpakita siya ng gilas kahit paano dahil mukhang mainit talaga ang ulo ni Mr. CEO.
_______________________________
_____________________
"BULLSHIT! Get out of my office. NOW!"
Hindi alam ni Kola kung pang ilan na ang taong iyon sa mga nasigawan ni Demus ngayong araw. Naaawa na lang siya sa mga lumalabas ng opisina nito na bagsak ang mga balikat at halos mangiyak-ngiyak.
"Coffee, Miss Matias."
Mabilis na tumayo si Kola mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair nang marinig ang tinig ni Demus. Pang-apat na tasa na nito ng kape mula kaninang umaga, alas-dos na ng hapon ngayon. Maingat siya at iniiwasang makagawa ng pagkakamali dahil tiyak na masisigawan siya nito.
"Sir..." Marahang inilapag ni Kola ang tasa ng kape sa table ni Demus na abala sa mga papeles na hawak nito. Pagkalapag ay mabilis na bumalik sa mesa si Kola at muling humarap sa laptop niya. May ipinaayos kasi si Demus sa mga important emails nito.
"Damn it."
Dinig na dinig ni Kola ang sinabi ni Demus. Pero nagpanggap siya na parang walang narinig at pasimple niyang minasdan ang binata gamit ang kaniyang peripheral vision. Tumayo si Demus at naglakad ito patungo sa kanang bahagi ng office nito at pumasok sa isang connecting room kung saan naroon ang confidential meeting room o conference room ni Demus. Kaninang tinignan niya iyon ay malaki rin ang espasyo ng nasabing silid, at sinabi ni Demus na kapag pumasok siya doon ay ayaw niya ng iniistorbo. Sa kaliwang bahagi naman ng opisina, may isang connecting room din doon kung nasaan naman ang private lounge o private room ni Demus. Nang silipin niya iyon kanina, kumpleto 'yon sa kagamitan, may kama, may sofa at may TV at ilang mga personal items ng lalaki. Parang silid din sa isang bahay, kung tutuusin ay mas malaki pa 'yon sa silid niya sa kanilang tahanan.
Nagulat pa si Kola nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa n'un ang tatlong gwapong lalaki na pawang mukhang mga yayamanin. Matatangkad, ang dalawa ay mapuputi at ang isa naman ay katulad ni Demus na moreno. Medyo nagulat din ang mga ito nang makita siya.
"Hi. You must be the new E.A, right?"