"HI. You must be the new A.E, right?"
Ang tanong ng isa sa kanila na siyang may pinaka approachable na mukha. Pinagmasdan pa siya nito ng matagal at tila pinag-aralan ang hitsura niya. Ngayon lang siguro ito nakakita ng isang assistant na may pagka-manang manamit.
"Hmm, yes. What can I help you with, sir?" She politely answered.
"Oh, I'm Levin Montes by the way. We're looking for your boss."
"A-ah, sorry, Mr. Montes but my boss is occupied at the moment and doesn’t want to be interrupted." Tsaka siya ngumiti ng bahagya.
Sumabat naman ang isang morenong lalaki, "Don't worry, we can handle him." Naglakad ito patungo sa conference room ni Demus.
Sumunod naman ang dalawa pa.
Hinabol niya ang mga ito. "Wait mga sir," aniya at humarang sa pinto ng conference room. "Hindi po talaga siya maaring maistorbo, mainit ang ulo niya. Parang ganito oh." Sabay mwestra ng tila umuusok ang ilong.
Ngumisi lamang ang tatlo.
"You're funny, Miss. Pero gaya nga ng sabi nitong kasama ko, we can handle him," wika ni Levin.
"I'm Jax, by the way," singit na pakilala naman ng morenong lalaki.
"And I'm Kirbin at kaibigan namin ang sinto-sinto mong amo," sabat din ng isang tila pinakatahimik sa kanila.
"Mga kaibigan niya kayo?" Si Kola na nagpalipat-lipat ng tingin sa tatlo.
Sabay-sabay pang tumango ang mga ito.
"Bakit parang hindi ka makapaniwala na may kaibigan ang boss mo?" Natatawang turan ni Levin.
Napangiwi si Kola. Ganoon na ba kahalata ang reaction niya na hindi siya makapaniwalang may magtyatyagang maging kaibigan si Demus.
"Huwag kang mag-alala kami rin ay hindi makapaniwala na naging kaibigan namin siya." -Jax.
Natawa si Kola sa sinabi nito at pagkaraan ay napabuntong hininga siya at marahang umalis sa pagkakaharang sa pinto. Mukha kasing mahirap din kausap ang mga ito at talagang kahit anong pigil niya ay papasukin ng mga ito si Demus.
"Don't worry, we got you. Hindi ka masisisante," pahuling sabi pa nung Levin bago pumasok sa conference room.
Bago isara ni Levin ang pintuan ay narinig pa niya ang inis na boses ni Demus na nagtatanong kung anong ginagawa ng tatlo doon.
Mabilis siyang tumalilis at bumalik sa kaniyang mesa. "Bahala kayo diyan," bulong niya habang humarap na sa trabahong iniatang sa kaniya.
Hindi na namalayan ni Kola ang oras at nagulat na lamang siya nang tumunog ang intercom niya.
"You can go home, Miss Matias."
"Okay, sir."
Magmula pumasok ang tatlo sa conference room ay hindi na lumabas ang mga ito, hindi na siya magtataka dahil mukhang mga business tycoon ang mga ito at malamang ay sa business napunta ang sana'y pagdalaw lamang.
___________________________________
__________________________
PAGPARADA pa lang ng sinasakyang tricycle ni Kola sa harap ng kanilang bahay ay nangunot na ang noo niya nang makita ang pamilyar na kotse nakaparada sa harap nila. Hindi siya maaring magkamali kung kanino iyon, sa apat na taon ba namang nagtutungo roon ang may-ari ng nasabing kotse.
Pagpasok ng bahay ay nakita niya nga ang dating katipan na kalaro ang dalawang pamangkin niya sa sala, bagay na lagi nitong ginagawa noong sila pa. Mahilig kasi sa mga bata si Lawrence. Gustong-gusto na nga nitong magka-anak sila dati, siya lang ang ayaw.
"Lawrence," mahinang tawag niya sa lalaki.
"Kola," anito na tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig nilang nilagyan lamang ng gray na carpet.
"Anong ginagawa mo rito? Alam ba ni Cindy na nagpunta ka rito?" Magkasunod niyang tanong.
Ngumiti si Lawrence at umupo sa maliit nilang sofa na nasa salang 'yon.
"Hindi niya alam."
"Bakit ka narito? Kapag nalaman niyang bumisita ka rito, aawayin na naman niya ako." Alam niya kung gaano ka warfreak ang pinsan niyang 'yon.
"Gusto lang kitang kamustahin at humingi ng pasensya sa mga nasabi ni Cindy noong nasa bar tayo," panimula ni Lawrence.
Bumuntong hininga si Kola at pinigilan ang sarili sa pagnanais na lapitan si Lawrence at yakapin ito dahil sa namiss niya ang lalaki.
"Wala sa akin 'yon. Huwag mo ng isipin pa."
Tumango-tango si Lawrence at pagkaraan ay dumako ang tingin nito sa ID na suot ni Kola. ID sa Moretti company. "Totoo nga talaga, ano?"
Bigla siyang napatitig kay Lawrence. "Ang alin?"
"Na magkasintahan kayo ni Demus Moretti?"
Hindi agad nakasagot si Kola at pinakaisipan kung sasabihin ba rito ang totoo. Pero sa huli ay naisip niyang mas magandang isipin na lang ni Lawrence na kasintahan niya talaga si Demus.
"Yes." Pagsisinungaling niya.
"And you work for him?"
Tumango siya.
"I see. Pero gusto kong mag-ingat ka pa rin sa lalaking 'yon. Kilala ko siya and he's a womanizer, Kola. I don't want you to get hurt again." May dumaang guilt sa mukha ni Lawrence matapos sabihin 'yon."
Ngumiti si Kola. "He's a good man." Sige at talagang pinanindigan na niya ang drama.
Tumango si Lawrence. "Salamat sa oras mo, aalis na ako at may pupuntahan pa ako."
Gusto sanang sabihin ni Kola naag stay muna ito at magkwentuhan sila dahil ang dami na niyang bagay na gustong ikwento sa dating katipan.
"Tara hatid kita sa labas," iyon na lamang ang sinabi niya.
Nagpatiuna si Lawrence at tahimik lamang na sumunod si Kola sa lalaki hangang makarating sa gate.
"Nga pala Kola, pinapakumusta ka ni mommy."
Pagkasabi ni Lawrence sa mga salitang 'yon ay may nabanahag na saglit na kalungkutan si Kola sa mga mata ng binata. Kagaya ng lungkot na nararamdaman niya nang mabanggit nito ang ina. Close na close kasi sila ni Mrs. Fernandez at mabait talaga ito sa kaniya.
"Sabihin mo sa kaniya na okay lang ako and bibisitahin ko siya kapag nakahanap ako ng free time."
Tumango si Lawrence at tahimik na sumakay sa kotse nito. Hangang sa makaalis ang kotse ay hinatid iyon ng tingin ni Kola. Mabigat ang loob niyang pumasok sa kanilang bahay at sa sala ay nakasalubong niya ang ina.
"Umalis na si Lawrence?"
"Oo, ma." Tsaka siya nagtungo sa kaniyang silid. Sinundan naman siya ng ina.
"Nagkakabalikan ba kayo? Hiwalay na ba sila ng impakta mong pinsan?"
"Mama!" Suway niya sa ina.
"Simula mamatay ang ama mo ay pinutol ko na talaga ang kung ano man ang meron tayo sa side niya, mga matapobre! Lalo na ang ina ni Cindy!"
Nag-iisang kapatid ng tatay niya ang mama ni Cindy. Nang mamatay ang papa niya ay parang nawala na rin ng pakialam ang tita niya sa kanila at parang nasusuklam na naging kamag-anak sila. Ganoon siguro talaga kapag mahirap.
"Ikaw naman kasi Kola, bakit kasi kayo naghiwalay ni Lawrence? Napakabait na bata, isa pa kung siya ang napangasawa mo ay hindi ka maghihirap. Maganda ang trabaho at may kaya rin ang pamilya."
Hindi siya sumagot. Kung sasabihin kaya niya sa mga ito na kaya naghiwalay sila ni Lawrence dahil ilang beses niyang tinanggihan ang proposal nito dahil sa responsibilidad niya sa pamilya nila, na hindi niya maiwan ang mga ito dahil hindi pa tapos sa pag-aaral ang dalawa niyang kapatid at wala pa sa ayos ang buhay nila? Ano kayang magiging reaction ng mama niya?
"Kung nakikipagbalikan ang tao ay babalikan mo naman ba Kola?"
"Ma ano ba 'yang mga tanong mo. Sige na at papahinga muna ako, napagod ako sa trabaho at sa byahe."
Bago pa sumagot ang mama niya ay mabilis na niyang sinara ang pintuan.
Pero imbes na magpahinga ay tinawagan niya ang kaibigang si Jessy at tinanong kung may ganap ba ang mga ito tonight. Meron nga raw at magb-bar hopping.
At siyempre sasama siya. Bahala na kung makakapasok bukas, paniguradong uusok na naman ang ilong ni Demus kapag na-late siya!