CHAPTER TEN

1332 Words
KINABUKASAN kahit puyat at may hang-over si Kola mula sa pagwawalwal nila ng mga kaibigan ay sinigurado niyang maaga siyang makakapasok sa trabaho at talagang gusto rin niyang maunahan sa pagdating sa opisina si Demus. Papasok na sana siya sa building nang may biglang humablot sa kaniyang braso na ikinagulat niya. "Cindy?" Gulat at may pagtatakang wika niya nang mapagsino kung sino ang humablot sa kaniya. Hinila siya ni Cindy sa gilid at pabagsak na binitawan nito ang braso niya. Tila umuusok ang ulo nito sa galit, bagay na ipinagtaka lalo ni Kola. May kasalanan ba siya sa babaeng 'to? "You! You're such a b***h!" Sabay duro nito sa kaniya at parang anumang oras ay sasampalin siya nito. Medyo napaurong si Kola. "Anong problema mo?" Nagugulumihang tanong niya sa pinsan. Naningkit lalo ang mga mata ni Cindy at muli siyang dinuro. "Nagmamaang-maangan ka pa? Napakalandi mo talaga, ano? Anong dahilan bakit nagpunta sainyo kagabi si Lawrence? Ikakasal na kami pero nilalandi mo pa rin siya!" Nanlaki ang mga mata ni Kola sa paratang ng pinsan. "Teka, kasalanan ko bang pinuntahan niya ako kagabi para humingi ng dispensa sa mga pinagsasabi mo sa akin?" Dipensa niya. "Liar!" Akmang sasampalin na sana siya ni Cindy nang may kamay na pumigil sa padapo nitong palad. Nang lingunin niya kung sino iyon ay nakita niya sa gilid niya si Demus. Madilim at malamig ang mukha nito ngunit ramdam ang tila galit na nasa presensya nito. "Mr. Moretti!" Inagaw ni Cindy ang kamay at umatras ng bahagya. Ngunit naroon pa rin ang talim sa mga titig nito na ipinupukol kay Kola. "Do not even think about hurting her.” matigas na wika ni Demus kay Cindy. For a moment, parang biglang naramdaman ni Kola ang pagnanais ni Demus na maprotektahan siya. Parang may kung anong mainit na palad ang humaplos sa kaniyang puso. "It's her fault!" Nagsalubong ang kilay ni Demus na tumingin kay Kola. Nagtatanong ang mga mata nito. "See? Hindi mo alam." Tumawa ng pagak si Cindy at humalukipkip. Tinignan itong muli ni Demus. Ganoon pa rin ang mukha nito. Madilim, malamig at seryoso. "Lihim lang naman na nakikipagkita ang girlfriend mo sa boyfriend ko! Nagpupunta si Lawrence sa bahay nila!" Parang batang sumbong ni Cindy. Umalma si Kola. "Mali ang iniisip mo!" Hindi kumibo si Demus na nakikinig lamang sa pagtatalo nila ni Cindy. "Paanong mali? Bakit ka pa pinupuntahan ni Lawrence If there’s really nothing going on between you two, huh?" "Ang dumi talaga ng isip mo, sinabi ko na ang sadya niya kaya siya nagpunta kagabi doon. Umalis ka na Cindy, Wala akong oras para patulan ka." Tinalikuran niya si Cindy dahil naiinis na siya sa pinangagawa nitong eksena, buti na lang at walang masyadong nakakapansin sa kanila. Hinila siya pabalik ni Cindy. "Hindi pa tayo tapos—" "That's enough," ani Demus sa maawtoridad na tinig. "If there’s someone you should be talking to, it’s your boyfriend, because it’s him who keeps showing up at Kola's house." Tumango-tango si Kola na sinang-ayunan ang sinabi ni Demus, hinila niya ang braso kay Cindy. Buti na lang talaga dumating si Demus at napakahirap kausap ni Cindy, kilala niya ang pinsan niya. Si Cindy naman ay natigilan at hindi makauma sa sinabi ni Demus. Nang makabawi at may sasabihin pa sana ay itinaas ni Demus ang isang kamay upang pigilan ito. "You can leave now, Miss Manalili and I never want to see your face here again. Or else, I myself will throw you out." Demus said in a cold, heartless voice at iniwan na nga si Cindy na napanganga na lang sa mga narinig. Binalingan ni Demus si Kola at parang giginawin ang dalaga sa lamig ng mga titig nito. "Come with me." Kinabahan si Kola lalo nang marinig ang tinig ni Demus. Tahimik at mabagal siyang sumunod sa binatang nagpatiuna na sa paglalakad, bahagya pa niyang nilingon si Cindy na mukhang mas lalong nanggigil. Bawat madaanan nilang empleyado ay nagbibigay galang kay Demus at tila halos mga kinakabahan sa tuwing titingin sa mga ito ang mapanuring mga mata ng lalaki. Ganoon katakot ang mga empleyado ni Demus dito? Sabagay may pagka strict at mainitin ang ulo ito at saksi siya roon. Nang sasakay sila sa elevator ay nagsilabasan ang mga naroon na para bang takot makasabay ang lalaki or sadyang ipinagbawal ni Demus na sabayan siya? Ang ending silang dalawa lamang ni Demus ang naroon na mas nakadagdag sa kaba niyang nararamdaman. Tahimik lamang sila sa loob ng elevator at walang nagtangkang magsalita, ramdam na ramdam ni Kola ang kabog ng kaniyang dibdib. Nang saktong makapasok na sila sa executive office ay impit siyang napasigaw nang hinila ni Demus ang braso niya. Mahigpit at tila nanggigil. "Demus—I mean, sir..." "Totoo ba ang sinasabi ng babaeng 'yon? Nakikipagkita ka pa rin ba sa ex mo?" Mabangis na may halong lamig ang tinig ni Demus ng sabihin ang mga salitang 'yon. Salubong na salubong ang kilay nito na halos mag-isang linya na. Umiling siya. "Ofcourse not." "Good." Binitawan ni Demus ang braso niya pero hindi ito lumayo sa kaniya. "Gusto ko lang linawin sa'yo, you are forbidden from dating anyone else, especially from seeing or rekindling anything with your ex, until our deal is over." Marahang napatango si Kola at pagkaraan ay nagtanong, "And once our deal is over?” "That’s your business then. You can do whatever you want, Miss Matias." "Until when does our deal last?" Gusto lang niyang malaman kung hangang saan siya sa buhay nito. Ngumisi si Demus. "The deal lasts for as long as I say it does." Sabay talikod at naglakad patungo sa mesa nito. Hinabol ito ni Kola. "How about you? Pwede kang makipag date sa iba, ganon?" Binigyan siya ng nakakalokong ngisi ni Demus. "Not as long as you can satisfy me in my bed." Umupo si Demus sa swivel chair ngunit ang tingin ay nanatili sa dalaga. Natigilan si Kola sa narinig at hindi nakahuma. So dapat galingan pala niya sa kama? "Come here, Kola. Prove what you’re capable of in bed." Namula ang mukha ng dalaga at hindi agad nakagalaw. Ngunit sa huli ang marahan siyang lumapit sa kinauupuan ni Demus. "Sit on my lap." In his commanding tone. Tututol pa sana si Kola ngunit mabilis siyang hinila ni Demus sa paupo sa kandungan nito at walang babalang inangkin ang kaniyang mga labi. "D-Demus...baka may makakita sa atin." Sa pagitan ng mga halik ay wika ni Kola. Ngunit tila walang narinig ang lalaki. Naramdaman na lang ni Kola na ang isang kamay ni Demus ay marahan tinatanggal ang mga butones ng suot niyang blouse. Hindi siya maaring tumutol dahil may kasunduhan sila ng binata at wala siyang nagawa kung hindi nagpaubaya. Yumakap ang kakaibang lamig sa kaniyang katawan nang tuluyang nabuksan ni Demus ang kaniyang blusa at tumambad ang makinis niyang dibdib na tanging ang manipis na tela ng kaniyang bra na lamang ang siyang tumatakip. Pinutol ni Demus ang halik at puno ng pagnanasang winika, "So, you do have a fine breast after all." Namula si Kola sa sinabi ni Demus at awtomatikong itinapal ang mga braso sa kaniyang hinaharap. "Don't. I want to see them." Walang nagawa si Kola kung hindi muling ibaba ang mga braso at hayaan ang mga mata ni Demus na magsawa sa pagtitig sa mga malulusog niyang dibdib. Muling inangkin ni Demus ang kaniyang mga labi, hangang hinalikan siya pababa sa kaniyang leeg at pababa pa. Naipulupot ni Kola ang kaniyang mga braso sa balikat ng binata. Ang isang kamay ni Demus ay malayang humahaplos sa kabuuan ng dalaga. Hindi maiwasan ni Kola ang mapaungol sa kakaibang sensasyong hatid ng bawat haplos ng lalaki. Mga sensasyong aminin man niya o hindi ay hinahanap-hanap niya sa nagdaang araw. Ngunit pareho silang napatda ni Demus nang biglang tumunog ang cellphone ng binata, sa ring tone pa lang ay alam na niya kung sino ang istorbo. Napamura si Demus dahil sa frustration, "Oh, s**t! I'm gonna kill you, Jax!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD