CHAPTER ELEVEN

1276 Words
HINDI natuloy ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Demus. Sinagot ng huli ang tawag at pumasok ito sa conference room nito upang doon kausapin ang kung sino man ang tumawag. Mabilis na inayos ng dalaga ang blusa at nagretouch ng kaniyang manipis na make up at hinarap ang trabaho na dapat niyang tapusin ngayong araw. Ngunit sa gitna ng trabaho ay hindi maiwasang maglaro muli sa isip ng dalaga ang naganap lang kanina sa kanila ni Demus. Muli siyang pinamulaan ng mukha at napapikit ng mariin, pilit iwinawaksi sa isip ang naiisip. Pero dapat na siyang masanay hindi ba? dahil tiyak na laging mayroong ganap sa pagitan nila ng binata, dapat ay alam na niya 'yon nang pinasok niya ang DEAL nilang dalawa. Makalipas ang kinse minutos ay sinabi ni Demus sa intercom na may darating na mga tao at papasukin niya diretso sa conference room. Bandang alas onse ng umaga ay dumating ang mga ka-meeting nito at siya naman ay bumalik sa mesa upang ituloy ang trabaho. Ngunit hindi niya mapaglabanan ang antok at isinubsob ang mukha sa mesa at pasimpleng umidlip habang busy ang binata. ________________________________ ____________________ "WAKE UP, Miss Matias." Sa naaaalimpungatang isip ay rinig ni Kola ang boses na iyon at nang matanto na si Demus iyon ay mabilis siyang bumalikwas ng bangon at unang nasilayan ang seryosong mukha ni Demus na nakatunghay sa kaniya sa mesa. Talagang nakatulog siya nang tuluyan kanina?! "K-kanina ka pa diyan, sir?" Pautal niyang usisa. Tipid itong sumagot, "Yes." Lumingon-lingon siya sa paligid. "Nasaan ang mga kameeting mo?" "They've left." "I-Ibig sabihin nakita nila akong natutulog rito?" Hindi sumagot si Demus pero alam naman na niya ang sagot. Nakakahiya! Tinalikuran siya ni Demus upang magtungo sa sarili nitong mesa. Napaka nonchalant talaga nito. "OMG! I'm sorry, sir." Tinignan niya ang oras. It's already 12pm?! Nasapo niya ang noo dahil sa kahihiyan. "I'ts your lunch break, Miss Matias." "Ikaw? Hindi ka ba kakain?" Hindi niya alam bakit naisipan niyang itanong 'yon. Natigilan si Demus habang may kinakalkal sa drawer, bago sumagot, "No." At muling ipinagpatuloy na nito ang ginagawa. Hindi na sumagot si Kola at inayos ang bag. Nagtungo siya sa cafeteria ng kompanya at halos malula siya sa lawak n'un, sabagay ang laking kompanya ba naman ng Moretti Empire. Bumili siya ng lunch gamit ang meal card na bigay ng kompanya at umupo sa pinakasulok ng cafeteriang iyon. Wala pa siyang kakilala sa mga empleyado doon kaya nahihiya pa siyang makahalubilo. Ninanamnam ni Kola ang pagkain nang biglang may tatlong babaeng lumapit sa kaniya. Pawang nakangiti ang mga ito at mukhang friendly naman ang mga ito "Hi. Puwedeng makishare ng table? Puno na kasi halos," anang isang babae. Nakangiti siyang pumayag, "Sure." Umusog siya upang bigyang espasyo ang mga ito. "I'm Clarisse pala, ito si Gail at si Irene. Ikaw ang executive assistant ni Mr. Moretti, hindi ba?" Ngumiti at tumango siya. "I'm Kola." "Hindi ka naman nahihirapan sa trabaho mo?" Usisa ni Gail. Nag-isip si Kola bago sumagot. Nahihirapan nga ba siya? "Hmm, hindi naman gaano." "Really? Kalat kasi rito sa kompanya na ang pinakamahirap na trabaho ay ang pagiging executive assistant ni Mr. Moretti. Sana magtagal ka sa kaniya," sambot naman ni Clarisse. Na-curious tuloy si Kola. "What do you mean?" "Well, marami na kasing naging executive assistant 'yan si Mr. Moretti pero halos wala naman nagtatagal. Minsan one week lang, matagal na ang isang buwan," mahabang pahayag ni Clarisse. "Uy, meron namang nagtagal, 'yong napabalitang naging fling din ni Mr. Moretti. Nakalimutan ko na ang pangalan pero magandang executive assistant niya dati 'yon," sambot naman ni Irene habang patuloy sa pagsubo sa kinakain. "Ah, oo. Natatandaan ko 'yon. Kaso mukhang nainlove si babae kay Mr. Moretti at hindi naman seryoso itong si sir, kaya ayun at nag-resign si babae." -Clarisse. Natigilan si Kola sa pagkain habang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng mga kasama. Hindi naman siguro siya aabot sa puntong mahuhulog ang loob niya sa binata? Ayaw niyang maging magkapareha ang kapalaran nila ng babaeng tinutukoy nina Clarisse. Pero para sa kaniya ay imposibleng magkagusto siya sa lalaki, mahal pa niya si Lawrence noh! "Ikaw, Kola? Anong masasabi mo? Mabait naman ba si Mr. Moretti?" "Ah... Madalang lang 'yon maging mabait." Walang prenong bigkas niya. "Madalas kasi parang matandang binata siya na laging galit sa mundo." Sinundan pa niya iyon ng tawa. Nagtataka siya bakit hindi nakisabay sa tawa niya ang tatlo. Parang biglang namutla nga ang mga ito at nakatitig lang sa kaniya na para bang isa siyang multo. "Okay lang kayo? Totoo ang sinasabi ko. Ni hindi nga 'yon marunong ngumiti, laging aburido, para kang nakatuntong sa numero kapag—" "Kola awat na..." marahang wika ni Gail. "Bakit? Bawal ba 'yon sabihin or pag-usapan?" Pagpapatuloy niya. Napangiwi ang tatlo at ngumuso ang mga ito sa bandang likuran niya. Unti-unti siyang lumingon para lang mapatda nang makita si Demus na nakatayo roon habang nakapamulsa. Gaya ng karaniwan, blanko at malamig ang ekspresyon ng mukha nito. Biglang pinamulaan ng mukha si Kola at napangiwi siya. "K-kanina ka pa diyan, sir?" "Yes, long enough to hear everything." Ngayon ay bigla naman namutla si Kola at hindi malaman kung ano ang isasagot. Ano ba kasing ginagawa nito sa cafeteria? "Come to my office, Miss Matias." Tsaka nagpatiuna ng umalis si Demus. "Mukhang hindi ka na makakapasok bukas?" Napangusong sabi ni Clarisse. "Magiging okay ka lang ba Kola?" Sabat naman ni Gail na may pag-aalala sa mukha. Pilit na ngumiti si Kola at nag thumbs up pa sa tatlo. "Don't worry, akong bahala. Pero kung hindi niyo na ako nakitang pumasok bukas, alam niyo na." At talagang naisipan pa niyang magbiro sa mga ito kahit parang lalamunin na siya ng kaba niya. "Sige na at sumunod ka na kay Mr. Moretti at baka mag-alburoto na naman," taboy ni Irene habang bahagyang natatawa. Nag-bye pa siya sa mga ito at tumakbo para sundan si Demus. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa cafeteria pero kunwari ay hindi niya pansin. Tahimik lamang si Kola habang nakikiramdam kay Demus na kasama niya ngayon sa loob ng elevator. Tahimik lamang din ang binata at diretso ang tingin nito. "Hmmm, sir about sa narinig mo, sorry..." Wala pa rin siyang nakuhang kibo mula kay Demus. "Mabait ka naman, sir. Kaya lang..." Sunod sunod munang napalunok si Kola. "Kaya lang minsan lang..." Gustong tapikin ng dalaga ang bibig dahil sa mga pinagsasabi niya. The more na nagsasalita siya, the more na napapahamak siya. Bumukas ang elevator at lumabas sila. "I'm going on a business trip." Hinabol niya ang hakbang ni Demus. "Okay, sir." Gustong magtatalon ni Kola sa tuwa. Ibig sabihin ay hindi niya muna ito makakasama sa opisina. Makakapag-relax siya kahit paano. Nilingon siya ni Demus. "And you’ll be accompanying me." "What? Bakit kasama ako?" "I need you there. You are my executive assistant, remember?" Hindi nakasagot si Kola. Nang makarating sa executive office ay ipinagayak ni Demus ang lahat ng kailangan nila sa business trip. "Wait. Ilang araw ang business trip na ito?" "Five days." "Five days?! Teka kailangan kong umuwi para maka empake ng mga damit ko." At siempre para makapagpaalam na rin sa mama niya. "No need to do that. Bibilhin na lang natin doon ang mga kailangan natin." "Pero..." Tinignan siya ni Demus. "What? You won’t be needing a lot of clothes there—since you’ll be sleeping with none at all." Nakakalokong sabi ni Demus. Napanganga si Kola at halos malaglag na nga ang panga nito, pinanlakihan niya ng mga mata si Demus. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o kung ano. Paano kung patulugin nga siya nito ng walang damit sa buong magdamag?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD