5:30PM nang makarating sila sa Bohol ni Demus, sakay ng private jet na pagmamay-ari ng binata. Isang malaking beach resort ang pinuntahan nila at mukhang halos mga mayayamang tao ang nagtutungo roon. Tahimik na nakasunod lamang si Kola kay Demus. Ang tanging dala lamang niya ay ang laptop niya at ang shoulder bag.
"This is your cottage," sabi ng binata pagkatapat nila sa isang cottage.
Isang maaliwalas na cottage na ang disenyo ay pinaghalong tradisyunal at modernong estilo. May malalaking bintana ang nasabing cottage na nagpapapasok ng malamig na hangin at liwanag ng araw, at ang veranda nito ay nakaharap sa dalampasigan. Naisip ni Kola na ang sarap magkape doon sa tuwing umaga habang nakamasid sa karagatan.
"Dito ako matutulog? Magkaiba tayo ng cottage?" Hindi alam ni Kola kung bakit naitanong niya 'yon. Huli na para bawiin ang nakakahiyang katanungan.
Naroon na naman ang nakakalokong ngisi ni Demus. "Don’t worry. I’ll be there with you, whenever my desire pulls me to..." Tsaka na umalis ang binata.
Natameme si Kola. Bakit ba kasi naisip niyang magsasama sila sa iisang cottage? Nakalimutan niya na napaka pribadong tao ni Demus at ayaw nitong may nakakapasok sa pribadong buhay nito. Especially siya, maliban sa executive asssistant siya nito, s***h bed warmer ay wala naman siyang ibang connection dito.
Bago saan pa mapunta ang isip niya ay pumasok siya sa loob ng cottage. Sa loob nito ay may malambot na kama, may aircon din sa loob, at mga kasangkapang gawa sa kahoy na nagbibigay ng presko at komportableng ambiance. Mabilis niyang kinalkal ang cellphone sa bag at naisipang tawagan ang kaniyang mama at baka mag-alala ang mga ito na hindi siya nakauwi.
Tatlong ring bago sinagot ng mama niya ang tawag.
"Oh, Kola?"
"Ma, hindi ako uuwi ngayon at susunod na mga araw, nasa business trip kami ng boss ko," imporma niya sa ama.
"Oh sige."
Medyo natigilan pa si Kola nang pinatay na ng mama niya ang tawag. Medyo nalungkot siya dahil umasa siya na itanong ng mama niya kung saang lupalop ba ang business trip na napuntahan niya o kahit simpleng 'ingat ka diyan' man lang. Pero wala, kailan ba siya masasanay sa mama niya na sadyang ganoon talaga ito pagdating sa kaniya. Pabalibag siyang humiga sa kama at tumitig na lamang sa kisame ng cottage. Dapat niyang enjoyin ang business trip na ito dahil madalang lang siya makapunta sa mamahaling resort katulad nito. Isipin na lamang niya na nagbabakasyon siya.
Hindi alam ni Kola kung dala ba ng pagod ng byahe ay nakaidlip siya at nagising na lamang siya sa mga katok sa kaniyang cottage, medyo madilim na rin sa labas. Agad siyang bumangon, inayos ang buhok at pinunasan ang gilid ng labi at baka may laway na nakaalpas doon. Madali niyang tinungo ang pintuan at nang buksan ay sumalubong sa kaniya ang dalawang babae na base sa mga suot ay mga empleyado ng beach resort. May mga bitbit itong ilang pirasong paper bag din.
"Hello, Miss Matias. Para po sainyo ang mga ito."
"Sa akin?"
"Ipinabibigay po ni Mr. Moretti."
Nakita pa niya na parang kinilig pa ang dalawa. Ang buong akala siguro ng mga ito ay kasintahan siya ni Demus.
Nginitian niya ang dalawa at tahimik na kinuha ang mga paper bag na inabot ng mga ito.
"Thank you."
"Please get ready, we’ll come back for you at 7PM for dinner.”
Napatango na lamang siya sa dalawa at pagkaalis ng mga ito ay muli siyang pumasok sa loob at agad niyang inilapag sa kama ang mga paper bag at kinalkal. Mga damit ang laman n'un, tsinelas na pang beach, personal hygiene kit at undergarments. Talagang kinumpleto ni Demus ang kailangan niya.
Mabilis na naligo si Kola at napiling suotin ang isang puti at manipis na dress na mukhang presko sa pakiramdam. Kung si Demus ang pumili ng damit na ito ay masasabi niyang napaganda ng taste nito, mukhang sanay na sanay sa pagbili ng ganoon. Hinayaan lang ni Kola na nakalugay ang kaniyang long dark wavy hair at hindi naglagay ng kahit anong make up sa kaniyang mukha, tutal ay wala naman siya kompanya upang mag-ayos pa.
Bandang alas siete ng gabi nang balikan siya ng isa sa mga empleyado kanina at iginiya siya nito patungo sa isang private part ng beach resort na iyon. Nang medyo malapit na siya ay sinabihan niya ang babaeng kasama na doon na lang siya ihatid at siya ng bahala. Natanaw na ni Kola sila Demus sa hindi kalayuan. Matagal munang nanatiling nakatayo ang dalaga sa kaniyang pwesto, nagmasid-masid, may tatlong lalaking kausap si Demus at natatandaan niya ang tatlong 'yon. Ito ang mga pumunta sa opisina dati at sinabing kaibigan daw nila si Demus, ito ba ang mga ka-meeting ng binata? May dalawang babaeng kasama din ang mga ito, mga sosyalin ang dating at ang gaganda ng mga ito.
"I shouldn't be here..." bulong niya sa sarili. Kung itatabi siya sa mga ito ay magmumukha siyang basahan. Kinain na naman siya ng kahihiyan para sa sarili.
Hindi naman siya siguro kailangan doon? Kailangan lang naman siya tuwing may meeting hindi ba? May pera pa naman siya, bibili na lang siya ng sarili niyang pagkain.
Tumalikod na siya at akmang aalis na nang isang tinig ang nagpatigil sa kaniya.
"Kola."
Napapikit siya nang mariin at huminga ng malalim bago muling marahang humarap. Si Demus ang tumawag sa kaniya. Naglakad siya palapit sa mesa ng mga 'to.
"Oh, the assistant is here."
Dinig niyang sabi ng isa na ayon sa pagkakatanda niya ay Jax ang pangalan. Tinignan niya ito at nakita niyang ang lawak ng pagkakangiti nito. Napansin din niya na pawang nakatingin ang lahat sa kaniya, kaya halos mag-kros ang mga paa niya sa paglakad.
"Why did you bring her?" Usisa naman ni Levin na nakangiti rin.
"I need an assistant here." Walang anong sagot naman ni Demus.
"Really, huh?" Dudang wika ni Levin.
Lihim na nagkatinginan sina Levin, Jax at Kirbin. Hindi normal kay Demus ang magsama ng assistant lalo kapag sila lang naman ang magkakasama. Sanay itong walang assistant.
Mabilis na lumapit ang isang maputi at matangkad na babae kay Kola. Mapapagkamalang isang modelo ito dahil sa tindig at kung paano manamit. "Hi, what's your name?" Magiliw na bati nito kay Kola na kumapit pa sa braso ng dalaga.
Sa nahihiyang tinig ay nagpakilala si Kola, "Hello. I'm Kola, assistant ni Sir Demus."
Ngumiti ang babae. "Ako naman si Zhila. Levin's fiancée."
Ramdam ni Kola ang pagka-proud sa boses ni Zhila. Naging ganoon din siya noon kay Lawrence sa tuwing ipapakilala niya ito sa mga kakilala niya.
"By the way, you have a nice name, Kola," puri pa ni Zhila.
Ngumiti siya sa babae. Napakagaan ng awra nito at mukhang napakabait pa. "Thank you ma'am."
"Oh c'mon, just call me Zhila."
Muli siyang ngumiti sa babae.
Tumayo rin ang isang babae at nagpakilala. "Hi, Kola. I'm Eleonor but you can call me EL. I'm Kirbin's girlfriend."
Inabot niya ang kamay ni El upang tanggapin ang pakikipagkamay nito. Mukhang ang bait din ng isang 'to. Iginiya siya paupo ng dalawa sa round table na naroon. Habang ang mga lalaki ay nakatayo at ipinagpatuloy ang kwentuhan. Kasalukuyang isiniserve pa lamang ang pagkain sa kanilang mesa.
"So, totoo bang assistant ka lang ba ni Demus or there is something going on between you two?" Dama ang excitement at intriga sa boses ni Zhila.
Pilit na ngumiti si Kola at tumingin sa kinatatayuan ni Demus na nang mga sandaling 'yon ay napatingin din sa kaniya at tila nagsabi ng isang babala ang tingin nito.