CHAPTER THIRTEEN

1234 Words
ANG malamig na ihip ng hangin na nagmumula sa bintana ng cottage ang gumising kay Kola sa mahimbing niyang pagkakatulog. Mabilis siyang bumangon at tinignan ang oras sa kaniyang cellphone na nakapatong sa may bed-side table. Alas siete na ng umaga. Napabalikwas siya ng tayo sa kama at mabilis na gumayak. May usapan pala sila nina Zhila at EL na magsuswimming sila ngayong umaga. Nagsuot lamang siya ng isang itim na short at tshirt, hindi kasi siya sanay mag bikini. Saktong pagbukas niya ng pintuan ay nabungaran na niya ang dalawa na nakangiti. Kapwa nakasuot ng two piece ang dalawa at talagang napaka sexy ng mga ito. "Good Morning, Kola! Tayo na!" Excited na wika Zhila. Hindi pa man siya nakakasagot ay hinila na siya ng dalawa sa magkabilang kamay at iginiya na siya kung saan. "Syempre mag-aalmusal muna tayo," ani Zhila nang makarating sa isang parte ng resort na kung saan ay sila sila lamang ang naroon. "Sakto nagugutom na ako," dagdag naman ni EL. Nakiupo na lang din siya at nakisalo sa pag-aalmusal ng dalawa. Luminga-linga siya sa paligid baka sakaling mahuli ng kaniyang mga mata si Demus at ang mga kaibigan nito, ngunit hindi niya makita ang mga ito. "Hinahanap mo ba ang boss mo? Huwag mo ng hanapin pa, nasa meeting silang apat," ani Zhila na mukhang nabasa ang iniisip niya. Napatingin siya sa babae. "Pero bakit hindi niya ako sinama? Hindi ba at trabaho ko ang mag take down ng mga note and details sa meeting na 'yon?" Magkapanabay na natawa ang dalawa. "Hay naku, mas mabuti ng hindi ka niya sinama. Sasakit lang ang ulo mo sa apat na 'yon," ani Zhila na umupo sa tabi niya. "Atsaka hindi naman talaga sanay si Demus na may kasamang assistant sa mga ganiyan. Tingin ko ibang dahilan kung bakit isinama ka n'un dito and I am really curious what is it." "Ayun din ang iniisip ko," sabat ni EL. "Hindi kaya ay may gusto sa'yo si Demus?" Kinikilig pang dagdag nito. Namula si Kola at hindi alam kung ano ang sasabihin sa dalawa. Hindi naman niya pwedeng sabihin na may deal silang dalawa ni Demus dahil tanging sila lang dapat ang nakakaalam doon. Naalala na naman niya ang babala sa titig ni Demus kagabi sa kaniya, mukhang ayaw talaga nitong may makaalam sa lihim nila. Napanguso si Zhila. "That's impossible-" biglang napatingin sa kaniya si Zhila. "No offence, Kola. What I mean is hindi magkakagusto sa iba si Demus dahil may mahal pa 'yon." Nagsalubong ang kilay ni Kola dahil sa kuryosidad. Katulad ba siya ni Demus na hindi maka move on sa mga nakaraang relasyon? Wala siyang alam sa personal na buhay ni Demus at hindi niya maintindihan kung bakit naroon ang pagnanais na magkaroon siya ng alam tungkol dito. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi niya napigilang itanong. Napangiwi si Zhila at tinapik ang bibig. "Napakadaldal ko talaga. Huwag mo ng isipin ang sinabi ko. Past na 'yon." Hindi na siya nag-usisa pa, baka kapag pinilit niyang magkwento si Zhila ay mahalata siya na masyado siyang curious. "Teka, kailan ba matatapos ang meeting ng apat na 'yon? Mag isang taon na nilang pinaplano ang usapan nilang business at hangang ngayon wala pang nangyayari," bigla ay sabi ni EL habang kumakain. "Pwede bang magtanong kung ano ba ang binabalak nilang business?" Sabat niya. "Ah, 'yun ba? Gusto nilang bumili ng isang malaking Isla at gawing beach resort para sa mga mayayamang tao. Pinarerentahan ganun." Napatango-tango na lamang si Kola. Naisip niya na ang swerte nina EL at Zhila dahil ang mga mapapangasawa ng mga ito ay mayayaman at hindi mararanasan ng mga ito maghirap gaya ng pinagdadaanan niya. "Kain pa Kola," alok ni EL at inabutan siya ng isang plato ng prutas na naka slice na. "Salamat..." Kung saan saan pa dumapo ang kanilang kwentuhan hangang sa mapagdesisyonan na nilang lumangoy sa dagat. Nakaupo lang sa dalampasigan si Kola at hinayaan muna niya ang dalawa na magtampisaw sa tubig. Maya-maya ay Humiga siya sa buhanginan at gusto niyang damhin ang init ng araw sa kaniyang balat. Lumipas ang sampong minuto nang biglang narinig na lamang niya ang sigaw ni EL. "Help! Help! Zhila's drowning!" Napatayo agad si Kola at natanaw si Zhila na parang hindi makaangat-angat sa tubig. She's struggling for life in the middle of the waves. Walang pagdadalawang isip na sinuong ni Kola ang dagat, nasa hindi kalayuan si Zhila, medyo may kalakasan ang alon pero hindi alintana iyon ng dalaga. Ang nasa isip niya lamang ay mailigtas si Zhila. Si EL naman ay umahon sa dagat at nagtatakbo upang puntahan sina Levin at sabihin ang nagaganap. Ilang saglit pa ay kasama na nito ang apat na nagtatakbo pabalik sa dalampasigan at nadatnan na nila si Kola at Zhila sa dalampasigan, kapwa nakahiga sa buhanginan. Agad na nilapitan ni Levin si Zhila na umuubo pa rin at halos kapusin pa ng hininga. Si Kola naman ay nanatiling nakahiga sa buhanginan dahil tila biglang nanlambot ang kaniyang buong katawan. Kung hindi niya nilakasan ang loob, maaring dalawa sila ni Zhila na nalunod na ngayon. Buti na lang talaga at magaling siyang lumangoy simula pa noon pa man. Nagulat si Kola nang may mga brasong sumalo sa ulo niya at natunghayan niya ang mukha ni Demus na sa unang pagkakataon ay nakitaan niya kahit kakaunting pag-aalala. "You okay?" Tanong nito sa malalim na tinig. Ngumiti siya. "Ofcourse. Don't worry about me..." Pinilit niyang tumayo ngunit natigilan siya nang buhatin siya ni Demus. "I'll take you to your cottage." Hindi na siya kumibo at tumutol pa. Isinandal niya ang ulo sa matitipunong dibdib ni Demus at pumikit. Ngayon niya ramdam ang panlalambot ng kaniyang mga kalamnan. "What you did is impressive, but it's dangerous, Kola. You would have drowned as well." Seryosong-seryoso ang tinig ni Demus nang sabihin 'yon. Napangiti si Kola. "But I'm safe now." Pumalatak si Demus. "You're lucky, silly." Nang makarating sa cottage ay marahan siyang inilapag ni Demus sa kama kahit puno siya ng buhangin. Sinundan niya ng tingin si Demus nang nagtungo ito sa mini closet na nasa sulok. "I'll help you change your clothes." "Huwag na, kaya ko naman." Ngunit tila walang narinig si Demus at patuloy lang nagkalkal sa closet hangang ang isang roba. "Here, wear this for now." Lumapit si Demus at talagang tinotoo nito ang pagbibihis sa kaniya. "Don't be shy anymore. I've already seen every part of your body, Kola." Walang emosyong wika ni Demus habang ipinasusuot nito ang roba sa kaniya. Si Kola ay walang masabi, namumula ang mukha sa kahihiyan nang mga oras na 'yon. Tumayo si Demus. "You stay here. Tatawag ako ng magpapalit ng bedsheet mo." Huminga ng malalim si Demus at pinakatitigan ang dalaga, bago tinawid ang pagitan sa kanilang dalawa at inangkin ang mga labi ni Kola. Mapusok at mapag-angkin ang bawat paggalaw ng labi ni Demus. "Damn it, Kola. Just the sight of your uncovered body is enough to awaken my desire within me..." sa gitna ng halik ay naibulong ng binata. "D-Demus..." Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi. Minasdan ni Demus si Kola ng buong pagnanasa at marahang hinaplos ng hintuturo ang makinis na mukha ng dalaga. "Damn, you're a temptation I can't resist and I am helpless before you..." Muli ay sinibasib ni Demus ng halik ang dalaga. Sa pagkakataong ito ay mas malalim at mapaghanap ang halik na ipinagkaloob nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD