"Ayoko nito Tatay." maktol ni Summer na may padyak pa habang tinutulungan itong mag bihis ng dress para birthday party ng mga ito. "Maganda yan maniwala ka sa akin." "Ayoko na po, wag na lang akong mag birthday." simangot na simangot na wika ni Summer. Natawa naman si Devin sakto naman bumukas ang banyo at lumabas si Ara at sunshine na sabay na naligo. "Ano ba naman yang sinuot mo kay Summer." galit na bulalas ni Ara ng makita ang anak. "Naynay, si Tatay ginagawa akong boy." sumbong ni Sum sa ina habang masama ang tingin sa ama. "Hindi naman lahat ng nag susuot ng tuxedo lalaki." "Pepektusan kita e, labas ka na nga ako na mag bibihis sa kambal at saan mo ba nakuha ang damit na to." inis na tanong ni Ara habang hinuhubad sa anak. "Nakita ko lang d'yan sa kama kanina pag pasok ko so a

