"Ara!" napa-ahon ng pag kaka-upo ang parents n'ya ng pumasok s'ya sa mansion nila. Puno ng pag hihinakit ang tingin n'ya sa parents n'ya maging sa mga kapatid n'yang naroon maliban kay Aira na marahil hindi pa rin ma contact ng magulang n'ya. "So, alam n'yong lahat na anak ko ang kambal?" walang maka-imik kahit isa na parang hiyang-hiya na yumuko ang mga ito. Iniwan n'ya pansamantala ang mag-ama n'ya sa hospital kung saan dinala ang mga anak nila. "Sabi ko noon hindi pa ako ready na mag ka-anak dahil hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong mommy. Kaya ko bang isuko yung buhay na nakasanayan ko na sarili ko lang ang iniintindi ko pero na lungkot din naman ako ng sabihin ng Doctor na maliit ang chances na mag buntis ako kung di ko babaguhin ang lifestyle ko. Iniyakan ko pa at na depres

