KEYLA Maaga akong nagising dahil may inasikaso ako kagabi. Binuksan ko muna ang pinto ng veranda at lumanghap ng sariwang hangin. Medyo sumisikat na ang araw at masarap sigurong maglakad-lakad sa labas. Para kahit paano ay ma-arawan naman ako. Baka mamayang gabi pa si Thaigo makatawag sa akin kaya para hindi ako mainip ay bumaba na lamang ako. “Good morning.” Napadako ang tingin ko kay Cherry dahil sa masayang bati niya sa akin at ngayon ay nakasuot ng apron habang naghihiwa ng mga karne sa mesa. Siguro ay naghahanda na siya ng almusal. Hindi ko siya pinansin ang tumuloy ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Himala ata binati mo ako ng ganyan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig sa baso. “Wala lang nagkausap na kasi kami ni Harvey, at pinagsabihan na

