KEYLA “Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Cherry nang pumasok kami sa kanyang kwarto. “Kalagan niyo siya.” Utos ko sa mga tauhan ni Thiago. “Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Ms. Keyla? Nag-aalalang tanong ni Harvey. Bumaling ako ng tingin sa kanya. “Wag kang mag-alala sandali lang ito.” Nakangiting sagot ko sa kanya. Pagkatapos nilang kalagan si Cherry ay lumabas na sila gaya ng sinabi ko. “Bakit? Anong kailangan mo? Hindi ka na siguro makatiis at gusto mo na akong patayin ano?” Nang-uuyam na tanong niya. Halos tatlong oras pa lamang siyang nakakulong sa kwarto niya at nakatali. “Pasalamat ka hindi sa kulungan ng mga aso kita pinakulong dahil kung hindi baka nilalapa ka na ng mga malalaking aso na yun.” Seryosong sabi ko sa kanya. “Hindi ako natatakot sa’yo! Kung gusto mo ak

