THIAGO Nagising ako at mabigat ang aking katawan ng bumangon ako. Nasa hindi pamilyar na kuwarto na ako. Maliit lang ito may isang kama isang banyo may malaking monitor ng TV. Tumingin ako sa kisame at may isang CCTV akong nakita. Mabilis akong bumaba at akmang bubuksan ang pinto ngunit tumalsik ako nang maramdaman ko ang malakas na kuryente sa pinto na ikinagulat ko. Inalala ko ang huling nangyari bago ako mapunta dito. Nakipaglaban kami kay Mandiego at naubos ang mga tauhan ko. Napatay namin siya ngunit hindi namin akalain na may panibagong kalaban na susugod sa amin. At ang huli ko na lamang naalala ay nawalan ako ng malay. “Wag mo nang subukan pang lumabas diyan. Dahil kahit anong gawin mo hindi ka makakalabas sa kwarto na yan. Binigyan ka na namin ng maayos na tutuluyan. Kaya magpah

