3RD PERSON "Anong nginingiti mo diyan?" Nakataas-kilay na tanong ni Dhrevey sa kasama niyang butler. Si Luiz. Napailing ito at tumingin sa kanya. Hindi parin maalis sa mga mata nito ang tuwa. "May natanggap lang akong balita, mukhang mag e-enjoy ako habang nandito ka sa isla ni Leshyen."Sabi nito sa kanya. Mas lalo siyang nagtaka dito. "Ibig sabihin, sasamahan mo ako dito?"mariing sabi niya dito. Alam nitong ayaw niyang samahan pa siya nito sa isla. "No, alam ko namang ayaw mong samahan kita dito."Sabi nito. "Kung ganoon, ano bang ikinangiti mo kanina?"muling tanong ni Dhrevey. Napangisi ito. "Magiging trainor ako ng babaeng kinaiinisan mo,"nakangising sabi ni Luiz sa babae. Bahagya namang napataas ang kilay ni Dhrevey sa sinabi ng binata. "Deretsohin mo nga ako," "Im going to be

