bc

My Assassin Lover

book_age16+
851
FOLLOW
2.0K
READ
revenge
fated
badboy
badgirl
cheerleader
mafia
twisted
campus
betrayal
asexual
like
intro-logo
Blurb

Sa love, hindi mo masasabi kong kailan titibok. Minsan magugulat ka na lang, isang araw mahal mo pala ang isang tao. Just like me, I never thought, that i will fall for him.

That i will fell inlove with a someone who already destined to other woman.

We are Childhood friend and worst, we are enemies. We are both Assassin.

Assassin turn into secret Lovers.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Yhevey's Pov Narito ako ngayon sa gym ng aming school, napakasama ng umaga ko dahil nakita ko na naman ang isa sa kinaiinisan ko. "Stupid!" sigaw ko sa kanya. Tahimik lang ako kanina at tinuturuan ang iba ko pang mga kasama sa mga steps nang bigla na lang akong mabunggo nitong lalakeng ito sa aking likuran. "Witch!" balik na sigaw nito sa akin. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao sa gym ngunit wala akong pakialam. Naiinis ako ng sobra sa epal na lalakeng ito. "Bakla!" balik na sigaw ko na ikinakunot ng kanyang noo. Huh! Akala mo ay uurungan kita? "Tom--what did you say?" tanong nito sa akin. Para itong hindi makapaniwala dahil sa sinabi ko. "Bakla! Bakla ka! Pumapatol ka sa babae!” sigaw ko. Nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Naasar na ata talaga siya! "Bakla! Bakla! Bakla!" paulit ulit kong sabi. Ang mga mata niya ay matalim na nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon. Akala ko ay magsasalita pa siyang muli ngunit nagulat ako nang iiwas nito ang tingin sa akin. Ganito kami palagi, pero hindi madalas makipagtalo si Stevian, ngayon lamang siya sumagot sa mga sinasabi ko sa kanya. Siya si Stevian Ken Montenegro. My enemy, simula noong mga bata pa kami ay madalas na akong naiinis sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong makipag- away sa kaniya. Alam kong napaka childish ng ginagawa ko dahil nasa kolehiyo na kami ay nakikipag-away pa ako sa kaniya, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang inis sa tuwing nakikita ko siya. "Hey, Girl? Ano pa ang ginagawa mo diyan?" natauhan nalang ako bigla dahil sa nagsalita. Isa sa mga kasamahan ko sa cheering squad. Napatingin ako sa kinalalagyan ni Stevian kanina at wala na siya doon. Aba at! Wala na pala akong kaharap. Iniwan niya akong nakatanga mag-isa. Hinanap ko siya at nakita ko siyang may kausap na babae hindi kalayuan sa puwesto ko. Napailing ako at naglakad na papunta sa gilid ng gym upang kunin ang mineral water ko. Maraming mga tao ngayon dito dahil manonood siguro sila ng practice ng basektball team ng school namin. Oo nga pala, si Stevian ang team captain ng basketball team ng paaralan na ito. Maraming nagkakagusto sa kaniyang babae dahil do’n. Matangkad kasi siya at may itsura. Pero hindi ako kasama sa mga babae na ‘yon. Hindi ako magkakagusto sa impakto na ‘yon. "Yhevey! Halika na, practice na tayo ulit!" sigaw ng isa kong kasamahan sa cheering squad. Lumapit na ako sa mga kagrupo ko. Magsisimula na sana kami pero wala pa 'yong isang member namin. Napatingin akong muli kay Stevian na may kausap na ibang babae, hindi ba siya nagsasawa? Halos araw-araw ata ay iba-iba ang babaeng kausap at kasama. “Narito na ako! Sorry, miss!” sabi ng isang miyembro namin sa dance instructor. “Okay girls, line up na kayo,” sabi ng dance instructor namin. Ang mga mata ko ay kay Stevian at sa babae pa rin nakatingin, nang mapagawi ang mga mata niya sa akin ay inirapan ko ito. Para siyang mauubusan ng babae! Matapos ang aming pagsasanay ay inayos ko na ang mga gamit ko, inilagay ko sa bag ang towel at mineral water na nakalagay sa gilid ng upuan kanina. “May gagawin ka, Yhevey?” tanong ni Asha, isa sa ka-group ko. “Oo, iyong homework sana sa isang subject,” sabi ko naman na ikinatango niya. Hay, iyong tree house ang gagawin ko talaga. Nang ako na lang ang naiwan ay nagmadali kong inayos ang gamit ko. Binitbit ko ang bag ko at habang palabas ako ay napansin ko ang mga tao sa loob ng gym. Narito pa rin ang basketball team pati na si Stevian. Napagawi ang tingin ko sa kanila at nagkakatuwaan sila, naroon pa rin ang babae na kausap nito kanina. Nagkatinginan kami ni Stevian. I rolled my eyes at him, what a playboy! Akala mo kung sinong mabait at santo paiba-iba naman ang babae araw-araw. Naglakad na ako palabas ng gym mamaya lang ay makikita ko na naman siya dahil mayroong pagpupulong ang legend knights tungkol sa mga misyon sa susunod na buwan. “Hey,” Napalingon ako sa aking likod nang makita kong tumatakbo palapit sa akin si Stevian. Hindi ako huminto at mas binilisan ko lang ang paglalakad. "Kailan natin itutuloy iyong tree house?” tanong niya sa akin. Iyon nga ang iniisip ko kanina. Balak ko na sana na doon na dumiretso. "Papunta na ako ngayon sa likod ng headquarters, " sabi ko. Napabuntong hininga siya. Siguro ay hindi siya makakasama? "Sabay na ako sa ‘yo," sabi ni Stevian. Nagulat naman ako dahil doon. Sa totoo lang ay palagi na lang kaming dalawa inaabala ni Dhrevey, kung ano-ano ang ipinapagawa sa amin at hindi naman namin ito matanggihan. "Sabihin na lang kaya natin kay tita na pagsabihan niya si Dhrevey? para hindi na makisabay sa gawain natin 'yong treehouse niya,” sabi ko, “Graduating ka, at ako maraming ginagawa." Hindi kaagad nagsalita si Stevian kaya napatingin ako sa kanya. "Kaya mo ba?" tanong niya sa akin. Tumangi na lang ako sa tanong ni Stevian. Ayoko rin na pagtawanan ni Dhrevey dahil naka-oo ako sa kaniya na gagawin iyong tree house na gusto niya. Nang makalabas kami ng school ni Stevian ay sabay na namin tinungo ang headquarters, nasa likod naman noon ang ginagawa naming tree house. Hindi pa kasi iyon tapos at kailangan na namin iyon matapos para kay Dhrevey. Nang marating namin ang headquarters ay ibinaba ko kaagad ang bag ko at kinuha ang mga gamit na kakailanganin sa paggawa ng tree house. Nakabuo namana kami ng dingding at may bubong na rin kaso ay kailangan pang lagyan ng kurtina at ayusin ang loob. "Nakakainis naman kasi 'yang pinsan mo," sabi ko, “Bakit kasi minamadali niya tayo sa paggawa nitong kulungan niya?” Inaayos namin ang mga gamit, kaunti na lang ay magkakaroon na ng matibay na pader ang tree house. “We need to obey her, alam mong madalas mag-tantrums iyon,” sabi ni Stevian. "You know guys? You can tell me about it directly, if ayaw niyong gawin ang tree house ko,” sabi ng boses sa kanilang likuran, “You know? I hate those people talking behind my back.” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Dhrevey. Ito na naman siya! Bigla na naman susulpot! Nakasandal ito sa puno malapit sa amin at nakatingin sa amin ng masama. Lagot kami kapag nagsumbong ang batang ito. "Dhrevey," sabi ko. Tiningnan niya kami ng masama. Kung yelo lang kami ay malamang tunaw na kami ngayon. Naglakad kami ni Stevian palapit kay Dhrevey ngunit kaagad itong tumakbo paalis sa puwesto at tinabig kaming dalawa. "Where are you going?" tanong ni Stevian kay Dhrevey. Napahinto ito sa pagtakbo at muli, masamang itong tumingin sa aming dalawa. Nagkatinginan naman kami ni Stevian dahil doon. Patay na, baka mamaya ay kung ano na naman ang gawin ng batang ito. “Dhrevey, we want to help you, okay? Listen to kuya Stev,” sabi ni Stevian at sinubukang lumapit kay Dhrevey ngunit umatras lang ito. “I don’t want to listen to liars!” sigaw ni Dhrevey. Napangiwi ako dahil sa inasta nito, patay na talaga. Nang muling tumalikod si Dhrevey ay hinabol namin ito ni Stevian ngunit mabilis itong nakatakbo. “Where are you going, Dhrev?!” sigaw ko sa kanya. "To the place that you guys are not existing!" sigaw naman nito pabalik. Nang mawala ito sa paningin namin ay nagkatinginan kami ni Stevian at sabay na napabuntong-hininga. Lagot kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.3K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

NINONG III

read
365.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook