Chapter 2

1275 Words
Third Person’s POV Nakabusangot si Dhrevey habang naglalakad paalis. Akala naman niya ay gustong-gusto siyang tulungan ni Yhevey at Stevian noon pala ay sa likod niya puro reklamo ang mga ito! “Kung ayaw nilang gawin, ‘di huwag! Hindi ko naman sila pinilit na gawaan ako ng tree house,” sabi ni Dhrevey sa sarili. Iniwan niya si Stevian at Yhevey doon sa ginagawang three house sa likod ng kanilang headquarters. Isa kasi siya sa miyembro ng Legend knights at siya ang pinakabata. Kahit na ilang minuto na siya nakaalis ay naiinis parin siya dahil sa narinig niya mula kina Yhevey. Ayaw na ayaw niya ng ganoon. Iyong nakangiti kapag kaharap ka tapos kapag nakatalikod ay kung ano-ano ang sinasabi. “Sa iba ko na lang siguro ipapagawa kung ganoon?” tanong niya sa sarili. Ngunit kanino niya ipapagawa? Nang marating ni Dhrevey ang loob ng headquarters ay tinungo niya ang opisina ng Legend knights. Naupo siya sa sofa at mahigpit na niyakap ang manika niya. "Nakakainis talaga,” sabi niya sa sarili. "Nakakainis naman kasi 'yang pinsan mo," , “Bakit kasi minamadali niya tayo sa paggawa nitong kulungan niya?” At ano raw? Ano iyong sinabi ni Yhevey? Kulungan? “That’s a tree house not a cell!” inis na sabi niya kahit na wala ang mga ito doon. “We need to obey her, alam mong madalas mag-tantrums iyon,” sabi ni Stevian. Even her counsin, her Kuya Stevian felt the same. Ipapatigil na lang niya ang pagpapagawa sa mga ito. "Oh, Dhrevey? Why are you here?" Napatingin siya sa nagsalita. Nakita niya si Hanz na nakatingin sa kaniya. Nasa tapat iyo ng pinto at may hawak na bola, naka uniporme pa ito. Si Hanz ay isa sa miyembro ng Legend knights. Nasa kolehiyo na rin ito katulad nila Yhevey. Isa si Hanz sa magaling humawak at gumamit ng iba’t-ibang klase ng mga baril. "Wala naman," sabi ni Dhrevey. "Lets go," sabi ni Hanz. Ibinaba nito ang bola na hawak at kinuha ang bag nito. Napataas bigla ang mga kilay niya at nagtatakang tumingin dito. Ano ang sabi nito? Let’s go? Saan naman sila pupunta? Kakaupo-upo pa nga lang niya doon. "Where?" tanong niya dito. "Sa itaas," sabi nito at itinuro nito ang tower. Inis niyang tiningnan si Hanz. Kahit na mas matanda ito sa kaniya ay hindi niya ito tinatawag na kuya. Wala naman siyang tinatawag na ate o kuya sa grupo ng Legend knights. Ayaw niyang isipin ng mga ito na bata siya. "Ayoko," sabi niya at iniwan si Hanz na nagtatakang nakatingin sa kaniya. Ano naman ang gagawin sa tower? Magsasanay? Palagi na lang. Hindi ko naman iyon kailangan dahil alam kong magaling na ako sa pakikipaglaban. Sabi ni Dhrevey sa sarili. Kahit na siya ang pinakabatang miyembro ng Legend knights ay hindi niya kailangan ng pagtulong ng iba sa kaniya. Sa murang edad ay nasanay na siya paano makipaglaban at gumamit ng iba’t-ibang klase ng mga baril. Magaling rin siyang makiramdam ng presensiya ng mga kalaban. Lumabas na lang si Dhrevey ng headquarters at naghanap ng makakainan. Nang makarating siya sa isang restaurant ay agad siyang nag-order. Kung ano ang makita niyang maganda sa kanyang paningin ay iyon ang ino-order niya. Hindi na niya iniisip kung mahal ba ang mga pagkain na itinuturo niya. “Ahm, may kasama ka ba bata?” tanong ng waiter sa kanya. Napakunot ang noo ni Dhrevey dahil sa tanong nito sa kanya. Mukha ba talaga siyang bata? High school student na nga siya! Maliit lang siya! “I’m alone, why?” tanong niya. Hah! Akala ba nito ay wala siyang pambayad? Grabeng diskriminasyon, porke ba bata siya? “Mukha po kasing—“ Inilapag ni Dhrevey ang ilang libo sa ibabaw ng lamesa na nakalagay sa likod ng manika na hawak niya. May zipper kasi ang likod ng manika niya at doon nakalagay ang mga pera niya. “May pera ako,” sabi niya at tiningnan ng matalim ang waiter. “S-Sige po, i-process na po namin itong order niyo,” sabi nito. Kaagad naman na umalis ang waiter sa harap niya. Napapansin ni Dhrevey na may mga nakatingin sa kanya na ibang mga estudyante sa loob ng restaurant. Hindi alam ng karamihan dito na member siya ng Legend knights. Kasi sino nga ba ang mag-aakala? Isa siyang batang maliit. Ang Legend knights naman ay kilalang samahan sa paaralan nila Stevian ngunit hindi alam ng mga ito na sa likod no’n ay totong laban ang kinakaharap nila. Totoong mga armas ang kanilang ginagamit at hindi basta laruan na panakot lang. Alam ni Dhrevey na hindi lang simpleng mga estudyante ang nasa loob ng restaurant. Nakakaramdam siya ng iba’t-ibang awra na nanggagaling sa mga ito. Hmp, mahihina. Sabi niya sa sarili at nilaro ang manika na hawak. Naalala na naman niya ang sinabi ni Yhevey at Stevian kanina. Akala niya pa naman ay nais talaga ng mga ito na tulungan siya. Habang nilalaro ni Dhrevey ang manika ay nakarinig siya ng boses sa kabilang table. "Nakakaasar talaga ang Yhevey na 'yon, Akala mo kung sinong makaasta hindi porket Legend knight member din siya eh, magmamayabang na siya," Matapos n'yang marinig iyon ay nakita niya ang tatlong babae. Matatangkad din ito tulad ni Yhevey at sa tingin niya ay ka-klase nito ang mga ‘yon? Ang alam talaga ng mga ito sa Legend knights ay grupo lamang na sikat sa school, hindi alam ng mga inosenteng tao na ito na ang grupo nila ay totoong kumakaharap sa mga tunay na laban. "Nakita niyo ba kung paano ako iniwan ni Stevian kanina para lang habulin ang babaeng ‘yon?" Parang biglang nanlaki ang tainga ni Dhrevey sa kanyang narinig. "Gosh girl, baka may gusto si Stevian diyan kay Yhevey?" "The hell? Ayokong mangyari iyon, sa akin lang si Stevian," mariin nitong sabi. "Dapat lang lang girl, fight for your man!" sabi naman ng isang kasama nito. Ganoon ka-gwapo ang pinsan niya para pag-agawan sa school? Ibang klase talaga ang isang Stevian Ken Montenegro. Sa bagay wala sa lahi nila ang pangit. "Ang sarap talaga niyang sabunutan kanina, ang kapal ng mukha! Biruin niyo panay ang tingin sa amin kanina ni Stevian, tiyak na naiinggit iyon!" Napangisi si Dhrevey nang makaisip ng kalokohan. Inubos niya ang juice saka tumayo at naglakad palapit sa table ng tatlong babaeng nag-uusap. Humarap si Dhrevey sa tatlong babae at sabay-sabay naman ang mga itong napatingin sa kaniya. "What do you need, barbie girl?" tanong ng babaeng may galit kay Yhevey. Barbie girl? Bahagyang napatingin si Dhrevey sa reflection niya sa salamin sa gilid ng restaurant. Ah, siguro ay dahil sa kanyang itsura? Her hair is blonde, mayroon siyang pink headband na may malaking heart sa gitna. Ang hugis ng kanyang mukha ay papuso, naka pink dress siya na may maliliit na bulaklak sa baywang at mayroon siyang kwintas na gold. Ang kanyang sapatos ay pink rin. "Bakit niyo po pinag-uusapan si ate Yhevey? Are you really mad at her?" tanong niya sa mga ito. Muntik nang kilabutan si Dhrevey sa pagtawag ng ate kay Yhevey, hindi talaga siya sanay. Nagkatinginan naman ang mga ito. "Who are you?" tanong ng isang babae. "Me, po? Just call me Dhrevey, po!" sabi niya. Maliit lang siyang at mukhang elementary pa pero nasa high school na si Dhrevey. "Hmm, elementary student ka ba bata? Nasaan ang parents mo? Saka dapat hindi ka nakikinig sa usapan ng matatanda,” Sabi ng babaeng may inis kay Yhevey. Hindi ko naman sinasadyang marinig, ikaw kasi akala mo nakalunok ng megaphone. Bahagyang tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Pinakalma niya ang sarili at napabuntong-hininga. Mali ata na kinausap pa niya ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD