STEVIAN POV "What the hell did you do, Ian?!"galit na sigaw ni mommy sa akin. Habang nakaupo kami sa sofa. Nasa harap nila akong tatlo, kasama ang kapatid kong lalaki na si ArVen. Hindi ako sumagot dahil aaminin ko kasalanan ko iyon at guilty ako. Naninikip ang dibdib ko sa subrang kaba, gusto kong puntahan si Yhevey para malaman ko ang kalagayan niya. Ngunit alam kong galit ni Tita Heart ang sasalubong sa akin. Napayuko ako. "Ano bang mayroon sa babaeng iyon, ha Ian?"seryosong tanong ni mommy. Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam. Basta ayokong madamay siya sa gulo namin ni Yhevey, pero mukhang siya ang nagdadala ng gulo sa amin. "Nammie Dela mente, anak siya ng isang membro ng Mafia. I heard everything about the two of you. Are you having a relationship with that girl?" "S

