STEVIAN POV Hila-hila ko si Nam palabas ng headquarters. Isa sa ayoko sa lahat 'yong may pinapahiya sila. Hindi naman kasalanan ang maging desperada eh At isa pa kaibigan ko si Nammie. Iyon nga lang pampalipas oras ko lang siya pero Uy! Wala pang nangyayari sa amin ah. Virgen pa po ako. Honest to god. Tsk! 'Yun nga hila-hila ko si Nammie, tahimik lang siya habang umiiyak. Hanggang makarating kami sa kotse ko. Ipinasok ko siya saka ako pumasok sa kotse. Nang makapasok na ako tahimik parin kami, lumingon ako sa kaniya. Nakayuko siya habang umiiyak. Dhrevey kasi masyadong prangka. "Sorry sa nangyari."Sa wakas nakapagsalita rin ako. "Wala kang kasalanan, masyado lang talaga akong illusyunada,"Sabi niya. "No Nam, masyado lang silang mapanghusga. Lalo na si Dhrevey, gano'n talaga siya m

