YHEVEY POV Ngayong gabi ang usapan naming lahat kaya sabay kaming pumasok sa isa sa V.I.P Rooms. May malaking TV screen sa harap at upuan na kung saan doon uupo kapag kumanta. Kompleto kami at dahil Legend Knight na si Terrence ayon kasama na siya aamin. Nag-order kami ng drinks. Ladies Drink for girls and beer for boys. Parang magkaedad lang kaming lahat dahil di din patalo ang mga mas bata sa amin. Umupo na kaming lahat. "Waah namiss kong kumanta!"Tuwang-tuwa na sabi ni Jassy. Sabagay isa siya sa mahilig kumanta sa amin. At ayon nagpindot agad ng kakantahin niya. Napailing ako nagsimulang kumanta si Jassy habang kami nakaupo at hinihintay ang order namin. 'One Last time by Arianna Grande', ang kinanta ni Jassy kaya nakisabay na rin kami. Pagkatapos kumanta ni Jassy, si Marvess a

