Chapter 17
Chie's Pov
Maaga akong nagising dahil ito ang araw ng final exam namin. Si Jake nauna ng umalis dahil susunduin niya si Joana.
Kahit hindi niya sabihin ay lagi naman sila magkasama pumapasok parang artista lang pinagkakaguluhan.
Minsan naiingit ako sana naman mapansin niya ako pero imposible mahalin niya ako.
Ang tanging ginagawa ko. Maaga akong nagluluto para hindi ko naabutan si Jake para kaming dalawa nagpapatentero hindi nagkikita sa isang bahay. Ramdam ko naman, umiiwas siya.
Nagmadali na akong pumasok dahil final exam na namin ngayon. Dahil sa wala naman dumadaan na sasakyan sa may subdivision.
Naglakad ako papuntang labasan sa may subdivision. Kahit anong sasakyan ang pinapara ko ay dahil may 20 mins na lang ako, wala pa rin sasakyang dumadaan.
Oras-oras ako nakatingin sa phone ko napatingin. Kaba at takot ang naramdaman ko dahil may 12 mins na lang ako. Buti na lang may tricycle dumating agad akong pumara.
Halos liparin ko ang campus makarating lang ng nakasalubong ko ang grupo ni Joana. Hindi ko na lang sila pinansin.
Napahabol ako hininga ko ng mapatingin ako sa may tapat ng pintuan. Nang maayos na ako agad ako lumapit sa upuan ko kung saan katabi ko si Jake.
Sakto dumating ang prof namin. Super strikto ni Prof. Halos mag-hapon kami walang alisan sa aming upuan ang hirap ng lahat ng subject. Buti na lang nasagutan ko lahat.
Nang matapos na aming exam ramdam ko stress ng mga kaklase ko hanggang nagsialalisan sila. Napatingin ako kay Jake na seryoso ang mukha niya. Bigla ako nakayuko nang maramdaman ko nahihilo ako napakapit ako sa upuan ko.
Nang mapaangat ako wala na si Jake at ang mga kaibigan niya. Tanging ako na lang nag-iisa sa loob ng room.
Nagmadali ako lumabas sa tuwing nakakaamoy akong mabango bulaklak pakiramdam ko bumaliktad ang sikmura ko. Ano man oras nagsusuka ako sa harap ng maraming tao.
Lumayo ako sa may madadaanan ng bulaklak. Napatingin ako sa grupo ni Joana kakaiba ang ngiti nila. Hindi ko na lang ulit sila pinapansin pero ramdam ko na nakasunod sila.
Pababa na ako ng hagdan ng may tumulak sa akin napa gulong-gulo ako sa hagdan hanggang sa nahulog ako. Pinilit ako bumangon pero hindi ko na kaya.
Napatingin ako sa mga istudyante nagsilapitan sa'kin. Wala sila ginawa ang tanging ginawa nila tawanan ako ay hindi man lang nila akong magawa ng tulungan.
Nakaangat ako sa gilid, para akong nanghihina sa nakita ko, kahit siya ay hindi man lang ako nagawa tulungan niya.
Pinilit ko bumangon ulit wala naman tutulong sa'kin. Ang nag-iisa kong nakakakilala hindi ko makita pero si Jake iba siya ang bato ng puso niya.
Ngayon ko lang na realize kung gaano siya ka walang kuwenta tao.
Napatingin ako sa legs ko para akong nanghina ang may nakita akong kaunting dugo doon ako nanghihina at hindi ko na kinaya ang katawan ko.
Pinanghihinaan na ako ng may bigla kumarga sa akin na hindi ko namukhaan. Namalayaan ko na lang ay nasa hospital na ako nagpapahinga.
Nang may lumapit sa akin nakangiti siya. Ang taong tinulungan ko noon ay isang tutulong sa akin ngayon.
Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita kahit sa iisang campus lang kaming dalawa o sadyang hindi kami pinagtagpo, pero ngayon nakailangan ko siya parang kaming magnet na pinaglalapit sa oras na kailangan namin ang isa't-isa.
"Hello ako pala si Jarrie, ay isang business management student," sabi ni Jarrie. Natatawa na lang ako sa kan'ya, pero ramdam ko masakit tagiliran ko.
"Pasensiya na wala akong matawag kilala mo. Wala ka kasing phone kaya wala akong mag-contact. Paano ka?" seryoso niya sabi. Nginitian ko lang siya.
"Magaling na ako." Napakunot noo si Jarrie hinarap ako.
"Ok ka lang talaga! Pasensiya na may isa pa kasi akong exam. Nagkataon kasi maaga exam ko."
"Ok lang, sige na umalis ka na."
"Pero!"
"Sige na magagalit ako sa'yo."
"Sige na nga! Pagkatapos ko, dito punta ako tsaka 'wag mo na isipin ang babayaran ako na bahala." Sabay talikod ni Jarrie.
Napatingin ako sa kawalan. Sa tuwing gagalaw ako nahihirapan ako. Ang sakit ng paa hindi ako makagalaw. Napapaiyak na lang ako sa sakit ng may humawak sa'kin.
"Daan-daan lang." Napatingin ako kay dok.
"Dok, ano po nangyari sa'kin?"
Kung nadala ka sana maaga sana save pa ang baby mo." Nagulat ako sa sinabi ni dok.
"Po?" sabi ko ulit.
"4 na buwan ka ng buntis." Natampal ko mukha ko. Sinisi ko si Jake sa nangyari kung sana tinulungan niya ako? Wala siyang kuwentang tao.
"Magpahinga ka na." Hindi na ako nagmatigas nakahiga ako hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan si Jarrie ang naging alalay ko walang Jake ang dumating hanggang sa limang araw namalagi sa hospital.
Umuwi ako at nagpalakas galit at poot ang nadarama ko. kinamumuhian ko siya, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa.
Tahimik ko lang nakarating sa bahay. Hindi ko siya naabutan. Hindi na ako nagtataka baka sa mga kaibigan siya.
Buti na rin iyon baka hindi ko mapigilan ang sarili kung anong magagawa ko sa kan'ya.
Napalapit ako sa kusina mukha hindi nga siya umuwi. Nagluto na rin ako dahil nakaramdam ako ng gutom.
Nahiya na rin kay Jarrie ay dahil siya na lahat sumagot ng gastusin ko. Kahit sabihin ko babayaran ko siya tumanggi siya.
Ngayon ko lang nalaman na sila ang nagmamay-ari ng hospital. Doon ko lang napagtanto kaya naman pala J' hospital ay dahil sa magulang niya, pero pinagtayaka ko bakit Business Management kinuha niya o sadyang iba ang gusto niya.
Sana ganyan lahat mga magulang sinusuportahan ang lahat ng gusto ng mga anak.
Parent ko kasi para akong robot na lahat sinusunod ang bawat sasabihin nila kahit sa pag-aaral nakikialam sila.
Ako naman sumusunod sa kanila. Hindi sana ganito sinapit ko. Hindi sana nawala baby ko.
Silang lahat may kasalanan. Paulit-ulit ko sinisisi sa sarili ko. Wala akong kuwenta tao, dahil lahat na lang bagay nawawala sa'kin.
Si Ate nagpakalayo dahil sa parent ko super higpit at hindi tanggap taong mahal ng ate ko. Ngayon si Baby ko. Pinunasan ko luha ko. Ngayong oras ko naman mag-desisyon para sa sarili ko. Magpapakalayo ako sa mga taong nanakit sa'kin.
"Nandito ka na pala?" Bigla ko nabuhos ang isang pitsel na may laman na tubig na hawak ko, naibuhos ko sa sahig na sana sa sinigang na baboy ko ilalagay.
Nang makita ko siya parang gumuho ang mundo ko. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko nagawa.
Ang tanging ginawa ko tumahimik na lang tulad ng dating ginagawa ko. Tinalikuran ko siya kukuha ako ng basahan para sa sahig na nabuhusan ko ng tubig.
"Ako na riyan, magpahinga ka na?" Napatingin ako sa kan'ya.
Ngayon niya sabihin na kailangan ko pahinga. Nasaan siya, tinulungan niya ba ako? Di ba hindi! Nakatingala lang silang lahat sa'kin.
Tapos sasabihin niya ok lang ako. Naglolokohan ba kaming dalawa. Wow! Ah concern siya ngayon dahil kaming dalawa lang.
"Magaling na ako," mahina ko sabi sa kan'ya.
"No! Sabi ko magpahinga ka na." Nagulat ako sa sigaw niya.
Tinalikuran ko na siya. Siya pa may gana magalit. Ako nga dapat magalit sa kan'ya. Nakapasok na ako kuwarto ko.
Nagulat ako sa nakita ko. Bakit ganito? Ang ganda lahat na ka pink siya. Sa bed sa sa kurtina at may maliit na computer nilagay lahat ng ito ginawa niya. Pero bakit?
Naguluhan ako sa paandar ni Jake. Ano ito isa sa pakulo niya. Puwes hindi siya mananalo.
Oras ko na rin mag-desisyon para sa sarili ko. Aalis ako bukas at magkakalayo. Kumuha ako ng damit na hindi niya ako mahahalata na aalis at hindi na babalik dito at magpakalayo para makapag-isip ng maayos.
Tanging si Roy lang nakakaalam saan ako pupunta sa lugar kung saan si Erika na girlfriend ni Roy.
Hindi ko sinabi sa kan'ya ang dahilan ay dahil kilala ko si Roy handa siya manapak para sa akin hangga't maaari ayaw ko siya madamay. Gulo ko ito at ako tatapos ang lahat.
Kahit na nakaramdan na akong gutom tiniis ko. 'Wag ko lang makita si Jake. Inayos ko na mga gamit ko handa na ako pag-alis.
Ito na pagkakataon ko. Maaga akong aalis para hindi niya akong makita at alam kong tulog pa siya. Bigla sumakit ang ulo.
Sa dami ng iniisip ko, napadapa ako sa kama ko pinikit ko mga mga mata ko. Nakatinga pa rin ako sa kisame. Inaalala ang lahat ng bagay nangyari sa'kin.
Ang daming what if kung naging matapang ako, what if kung kasing tapang ako ng ate ko, what if kung sinunod ko ang gusto ko. Hindi ako nawawalan ng what if kung kailan nangyari ng lahat sa akin ito.
Ngayon ko lang na realize na may mga bagay na hindi puwedeng ipilit sa isang tao. Kapag nasaktan ka tama na, kapag wala ng pag-asa tama na.
Napapahiling na lang ako sa mga bagay na iniisip ko. Bakit kasi ganito ang buhay ko. Bakit ang hina ko.
Naiyak ako ng maalala ko ngayong pinagdaanan ko. Pagod na ako, pagod na ako umintindi sa lahat. Pagod na ako! Sigaw ko sa sarili ko.
Oras na ako naman. Oras na maging matapang. Kayayanin ko ito mag-isa hanggang sa pinikit ko na mga mata ko