Chapter 16
Jake's Pov
Simula ng may nangyari sa amin ni Chie. Umiwas na ako sa kaniya.
Kahit sa isang bahay kaming dalawa parang hindi kami nagkikita. Umuwi akong hating gabi na kasama ng mga kaibigan ko hindi dahil sa gumimik kami dahil nitong nakaraan na buwan ay patuloy kami sa pagpaplano.
Sa ngayon unti-unti na namin nabubuo ang plano namin laban sa mga kaaway namin at si Joana ang tanging susi namin.
Katulad niya hindi ako tanga hindi ko mahahalata ang plano nila. Nagagamit kaming dalawa.
Ngayon pa alam kong kahinaan ni Joana ramdam ko may kaunting namumuo siya feeling sa'kin.
Tangina sa guwapo ko ito hindi siya nabighani halos lahat ng babae sa buong campus na minsan nahuhumaling sa'kin siya pa kaya na minsan na siya napasakin.
Nakipagkita ako sa kan'ya dahil si Chie ang pinoprotektahan ko iniiwas ko siya sa gulo.
Sa tuwing magkasama kami ni Chie malalaman ko na lang may ginagawa naman si Joana kay Chie.
Hindi ko magawang komprontahin siya dahil mas lalong nasa panganib si Chie ang tanging magawa ko lang tingnan siya malayuan.
"Pre ang seryoso mo. May note ka ba? Wala kasi akong kahit isa. Nakapag-review ka na rin man di ba?" Napatingin na lang ako kay Rom.
Inuuna kasi ang mag-UG. Iwan ko kay Rom hindi niya mabitawan ang cp. Masyado na nalulong sa online game ang UG.
Lagi naman talo. Kaya ayaw ko iyan kalaro tangina trasktalker sa kakampi ang bobo naman niya.
Kahit babae pinapatulan nagkamali ng galaw. Gagi rin si Rom walang pagbabago mainitin pa rin ang ulo.
"UG pa more," sabi ko sa kan'ya.
Tinawanan lang ako. Wala akong mapapala sa isang ito.
"Ganito na lang, hindi na lang ko magreview basta ang usapan pakopyahin mo ako." Masama ko siya tinitigan.
Gagi ako naghirap tapos sa kan'ya easy lang. Tamad talaga kahit kailan isang ito.
"Umalis ka nga rito," sigaw ko sa kan'ya.
Ang siyang pasok ni Chie. Napapansin ko tumataba si Chie nitong nakaraan na buwan atsaka panay ang kain niya.
Nakayuko lang siya palapit sa'kin hanggang ngayon, magkatabi pa rin kaming dalawa.
Tangina, mahirap na andiyan ang pinsan ko. Minsan gusto kong sakalin ang pinsan ko.
Sa tuwing break time lagi niya niyaya si Chie at madalas nakikita ko sila ang sweet sa gilid ng puno habang naghihintay ng bell at may hawak pa ng ice cream sila.
Hindi ako makalapit dahil kay Joana nakabuntot sa'kin.
"Matutunaw pre." Sabay akbay ni Raygie.
"Gagi," sabi ko na lang sa kan'ya.
"Selos ka?" Pasaring ni Raygie. Ayaw talaga, akong tigilan ng isang ito.
"Tara na nga." Sabay hila ko sa kan'ya.
Nagbell na kasi at oras na para bumalik sa aming room. Nakarating na kaming dalawa sabay upo ako habang naghihintay kay Chie.
Maya-maya pumasok na siya. Ngayon may lollipop siya kinakain. Tangina parang mga bata mga ito.
"Alisin mo nga iyan! Ano ka bata? Naasiwa akong nakikita iyan." Akala ko aalisin ni Chie. Kinagat lang niya at inalis ang stick tapos tumayo siya nilagay sa basurahan iyon stick.
Hindi ko na ulit siya pinansin. Maya-maya tumayo siya. Lumapit kay Janzen para humingi ng lollipop habang si Janzen ramdam ko pinagtitripan lang siya.
Nagulat ako ng bigla na lang kunin ni Chie ang bag ni Janzen. Laking tuwa ni Chie makuha ang isang supot na lollipop tsaka siya kumuha ng isa sabay balik niya kay Janzen.
Pasimple akong nakatingin sa malayo kunwari hindi ko alam ginagawa nila. Hindi ko napigilan napatingin sa kan'ya pilit niya binubuksan ang lollipop.
Sa inis ko kinuha ko sa kamay niya sabay hagis ko sa unahan. Iyong mukha ni Chie naiiyak na.
Napayuko na lang si Chie doon ko lang naramdaman na umiiyak na pala sila. Tangina dahil sa lollipop lang.
Hindi kaya may gayuma nilagay siya kung bakit ganyan si Chie.
Napatayo ako kinuha ko ulit ang lollipop. Pagbalik ko parang gusto ko manapak nasa harapan si Janzen may dalawang isang supot na lollipop.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko seryoso sila nakatingin sa'kin. Hindi na ako nakikipagtalo, umupo na lang ako.
"Salamat," mahina sabi ni Chie kay Janzen. Umalis na si Janzen dala ang isang supot na lollipop dahil isa lang kinuha ni Chie lollipop ngayon masaya siya kinakain ang lollipop.
"Ito ang lollipop mo." Napalingon siya sa'kin.
"Sa'yo na na iyan," mahina niya sabi.
"Para lang iyan sa mga bata."
"Sa mga bata ikaw ang mas isip bata," sabi niya sa'kin.
Narinig ko tawanan ng mga kaibigan ko. Sa malamang maririnig nila sa likuran lang nila kami.
Sa pangunguna ni Roy ang lakas ng tawa ng isang ito. Natigil lang ng bigla pumasok ang prof namin.
Kinabahanan ako dahil final exam na namin ito at malapit ng babalik si Chie sa kanila.
Ito kasi ang usapan namin ng family ni Chie na kilalanin ko ang pagkatao ni Chie at papayag sila ipakasal sa akin.
Nagulat ako sa tapik ni Roy. Doon ko lang na pabalik ang mahiwagang pag-iisip ko. Hanggang sa namalayan ko na lang, tapos na ang lesson ngayon, kan'yang-kan'ya nagsitayuan ang mga kaklase ko sa pangunguna ni Chie.
Gusto ko siya habulin pero hindi ko magawa dahil may usapan kami ni Joana magkikita kaming dalawa at sabay na nag-rereview.
Tangina kung alam ni Chie, may gugustuhin ko pa na siya ang kasama ko sa pag-review, 'wag lang kay Joana, pero parte ito nang plano at kailangan ko makipaglaro.
"Pre umamin ka nga! May gusto ka ba kay Chie." Deretsahan sabi ni Roy.
Napatingin ako sa kan'ya iba kasi ang tingin niya para kakainin niya akong buhay.
"Bakit naman iyan na tanong mo." Biglang singit ni Raygie.
Siya ang nagsisilbi taga salo ko sa bagay na hindi agad ako makasagot.
"Curious lang ako. Iba kasi ang tingin mo kay Chie para kasing sa tuwing lalapit si Janzen anong oras sasapakin mo siya." Kung may isang bagay akong ayaw kinakatakutan ay si Roy kahit na loko-loko ang isang ito siya naman ang observant sa grupo namin.
"Napansin ko rin," sabi ni Rom.
Hindi ko na alam sasabihin ko sa kanila. Ang tanging magawa ko lang ang manahimik at hindi magsalita.
"Ano ba kayo? Ang laki niyo bobo. Makikimarites na nga lang kayo mali pa. Si Jake at Joana, alam naman natin nagkabalikan na." Iyong mukha ng mga kasama ko. Kan'ya-kan'ya ligpit ng mga gamit nila kapag usapan si Joana ayaw nila makinig.
"Alam mo Raygie sa atin hindi ko alam bobo ka ba o sadyang nagbobohan lang. Tangina magkaiba ang observant sa marites gets mo? Gagi gagawin pa tayong tsimoso." Pasaring ni Roy sa kan'ya.
Napatingin na lang si Raygie sa akin ramdam ko nanghihingi siya back up. Hindi ko nga rin alam sasabihin ko. Minsan kasi hindi nag-iisip sasabihin isang ito tuloy naisahan siya ni Roy. May point naman kasi si Roy magkaiba sila. Bakit kasi nauso iyan tawagan na iyan marites. Minsan ang gulo na rin ng mundo kasing gulo na rin ng utak ko dumagdag pa ito.
"Tara na nga!" sabi ko sa kanila. Kami na lang kasi naiwan. Mapasunod sila sa likuran ko. Daan-daan ako naglakad na baka sakaling matakasan ko si Joana. Kapag kasing ganitong oras si Reiver ang pinapauna ko. Siya mag-approved kapag si Joana na sa labas unlike kay Paul na kapag wala si Joana si Paul ang sisigaw na exit na bro madalas niya sabihin."
Saan tayo ngayon?" sabi ko sa kanila."
Past ako gayon," sabi ni Roy."
Tangina kailangan ko magreview." Lahat kami napatingin kay Rom. Siya ba iyan? Aba! Himala nautusan siya.
"Hindi ka lang nag-iisa," sabi ni Paul.
"So! Lahat tayo hindi magpaparty." Napatingin ako kay Raygie. 'Wag niya sabibin pa easy-easy lang siya.
"Mabuti pa nga," sabi ko sa kanila.
Tumango lang sila at umalis na kami. Dahil motor ang dala ko mabilis ako nakauwi.
Katulad nang dati gawi naming dalawa ni Chie, wala kaming pakialaman sa isa't-isa. Pero isang bagay na gusto ko sa kan'ya sinusunod niya.
Laging may nakahanda na ng pagkain alam ko si Chie ang may luto.
Kumuha ako ng plato ko kumain akong mag-isa. Pagkatapos ko, kumain ng sinigang na baboy.
Niligpit ko na kinainan ay agad akong lumapit sa kuwarto ni Chie.
Nagdalawang isip akong mag-bukas baka maulit muli ang nangyari na dapat hindi. Maingat ko binuksan.
Nakatulog si Chie sa table. Nilapitan ko siya at kinuha sa kan'ya ang note at maingat ko binaba sa ibabaw ng lamesa. Inalis ko salamin sa kan'yang mata.
Tangina natatawa na lang ako sa mga tao ngayon, iba na takbo ng utak. Hindi na akong lumapit bumalik na ako sa aking kuwarto at ipinagpatuloy ko ang pag-review bukas na iyon at kailangan namin pumasa kung hindi ibabagsak kami ng aming prof napakahigpit pero ganoon talaga hindi lahat perpekto.
Dahil sa magawa pa lang naisipan ko magbukas ng UB. Ang daming notification ay dahil sinend ni Joana picture naming dalawa habang kumakain kami ng ice cream hindi ko matandaan kung kailan kami kumain.
Hindi ko na lang pinansin kahit like hindi ko magawa walang excitement sa pagitan namin dalawa.
Inooff ko na cp ko dahil kailangan magreview sa lahat ng subject namin. Wala akong maasahan sagot sa mga kaibigan ko maliban kay Raygie siya lang bukod tanging matalino sa aming grupo hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan ko.
May ilan hindi abot ng utak ko. Kapag hindi ko alam. Hindi ako sumasagot kahit alam ko naghihintay lang ako tawagin hanggang sa nakatulog ako.