Chapter 15

1665 Words
Chapter 15 Chie' Pov Nagising, akong parang, ang weird pakiramdam ko. Hindi naman ako nilalagnat. Pagkagising ko kasi may flower sa kuwarto ko. Wala naman akong idea kung kanino galing. Hindi naman puwede si Jake ng tanungin ko malamang alam ko nasasagot non sa'kin tsaka malabo naman galing kay Jake may girlfriend ang tao at maid ang turing niya sa'kin hindi fiancee na kagagawan ng both parents namin, nakikisawsaw lang sa plano nilang lahat. Ang parent ko hindi ko makontact kahit si bunso. Ang parent naman ni Jake hanggang ngayon na sa cebu pa rin siya katulad ng parent ko nasa cebu rin sila. Hindi ko alam trip nila kung bakit kami pilit na pinaglalapit na hindi naman mangyayari dahil magkaiba kami ni Jake ng personalidad. Ewan ko ba trip nila sa amin. Si Manang at Manong minsan babalik aabutin ng limang araw at bigla na lang sila magpapaalam sa amin, tapos ang daming dahilan nila. Hindi na lang ako nagsasalita. Hindi naman tanga si Jake hindi niya mahalata sa mga likos nila. Ngayon isang buwan wala sila dahil kinuha sila at nagpunta sa cebu nanilbihan kay Kuya Jay dee. Napatingin ako sa relo. Natampal ko mukha ko. Alas, diyes na. Hala! Lagot na ako. Nagmamadali akong bumangon. Ang dami gumugulo sa utak ko. Dumagdag pa, kasi si Roy sa isip ko. Lumabas na ako. Napa-atras ako ng mag-tama mata namin ni Jake. 'Wag niya, sabihin bagong gising pa lang siya. Magulo kasi buhok niya. Lumapit siya sa'kin. Kinabahan na ako sa kan'ya. Lahat na lang masasakit na salita narinig ko sa kan'ya. Tanging pagkakamali lang niya, nakikita ko. Sanay na akong sasabihin niya bobo, tatanga-tanga, lampa pero ang isang bagay na hindi ko makalimutan ng minsan niya ako pagbintangan planado ko lahat ng ito para akitin siya. Bakit ko naman gagawin iyon sa kan'ya. Crush ko siya pero hindi ko kaya ako kusang lalapit sa lalaki para makuha ko lang gusto ko. "Hoy! Nakikinig ka ba? Ang lalim ng diwa mo?" Napatingin ako sa kan'ya halos malapitan na mukha niya sa'kin. Minsan hindi ko maintindihan ang bawat kilos niya kung baga sa kasabihan sala sa lamig, sala sa init ganoon na ganoon ugali mayroon siya. Hindi ko alam kung mabait ba siya o may pinaplano sa'kin. Napaatras ako dahil sa na out of balance, ako napahawak, ako sa kamay ni Jake, hanggang sa namalayan ko na lang nakadagan siya sa'kin. Hindi ako makagalaw sa nangyayari ngayon hanggang sa unti-unti naglapat ang labi ni Jake sa labi ko. Nagulat ako sa nangyari. Nang maramdaman ko nakagapang na kamay niya sa mukha ko sa bigla ako naitulak ko. Mabilis akong tumayo hindi ako makatingin sa kan'ya. Seryoso niya akong tinitigan namula mukha ko kahit hindi ko pa nakikita mukha ko. Ramdam akong dahil sa hiya naramdaman ko. "Bakit mo ginawa iyon?" mahina ko sabi sa kan'ya. Tinawanan niya ako. "Ang alin, iyong paghalik ko sa iyo. Binigay ko lang gusto mo di ba gusto mo akong akitin ito na bininigay ko na sa'yo." Gusto ko siya sampalin pero pinipigilan ko lang sarili ko. Nasa sa sariling pamamahay nila ako at alam kong hawak niya ako. Hindi ko siya magawa takasan dahil isang tawag lang ni Jake sa parent ko maaaring masira ako sa mga mata ng magulang ko hangga't maaring kung kinakailangan tiisin ko siya gagawin ko. Bastusin niya ako ok lang ganyan naman siya. Ako sinisisi kung bakit andito siya posisyon niya. Ako ba na tanong niya, ok lang ba sa'kin. Katulad niya naguguluhan din ako pero ito ako tamang tagasunod lang sa kanila. Hindi na akong nagsalita ang hindi ko na nga pinapakinggan sasabihin niya. Ang mahalaga sa'kin ay talikuran siya. Tumuloy na ako sa kusina may maghanda ng tanghalian. Hindi ko na magawa kumain nawala dahil sa mga masasakit na salita sinabi niya atsaka minsan lang naman ako humihingi ng budget sa kan'ya. Minsan nga tinitipid ko na lang hanggang sa umabot ng isang buwan tsaka one thousand pesos lang naman hinihingi ko tapos may narinig pa ako buhat sa kan'ya. Palamunin daw ako. Nanahimik na lang ako. "Ang bagal naman! Nagugutom na ako." Nabibingi ako sa kan'ya sa may tainga ko pa talaga sumigaw. Nanadya ba siya. Hindi ko na lang siya pinansin ipinagpatuloy ko pagluluto ko. Nang matapos na bigla akong natakam sa niluluto ko ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Kagabi kasi hindi ako nakakain ng maayos. Inayos ko na kinainan ko. Maingat ko nilagay sa lamesa kung saan nasa gilid si Jake. Pagkatapos ko nailagay. Kumuha na ako ng kaniyang pinggan, kutsarita, tinidor, and baso na gagamitin niya. Kahit gutom ako. tiniis ko na lang dahil pinag-mukha niya sa'kin ulit palamunin lang. "Bakit hindi kumuha sa iyo. 'Wag mo sabihin ako pa kukuha ng sa iyo." Tinalikuran ko na lang. Nagdalawang isip ako kakain ba ako o hindi pero kung hindi ko siya susundin baka naman maghintay iyon pero iposible naman hintayin niya ako. Bahala na sa huli, kumuha na lang akong pinggan ko. Daan-daan akong lumapit sa kan'ya may kaunting ka ba dahil iyong mukha niya nakasalubong ang kilay. Hindi ko na lang siya tinitingnan ito na lang paraan umiwas at may masabi akong sa kan'ya. Parang anong oras sasabog na ako sa galit. Ang hirap kimkimin ang galit. Umupo na lang ako kumuha ako ng kain tapos ng ulam na adobong baboy na niluto ko. Niluto ko sinigang na baboy. Habang kumakain ako nararandama ko nakatingin siya sa'kin. Bigla akong nahiya bawat subo ko hindi ko naramdaman nginunguya ko bawat subo ko nilulunok ko na bigla ako nabulunan sa dami ng kain na isubo ko. Napalapit si Jake sa akin sabay kuha ng baso na may laman ng tubig naubos ko iyon ng walang tigil. Napaubo ako napatingin kay Jake. "Tangina next time, ayusin mo kinamain mo. Nagmamadali ka ba?" Ito na naman siya ang mahiwagang sermon niya. Labas sa tainga. Alam ko na sasabihin niya ang lampa mo. Hindi nga ako nagkamali ganoon na ganoon ang sinabi niya. "Ako na rito." Nagulat ako sa sinabi niya. Siya maghuhugas kailan pa? May sapi ba isang ito, may lagnat siya o baka naman nanuno na. "Oh bakit ganyan mukha mo?" "Wala, tsaka hindi mo ito gawain. Ako na rito, kaunti lang naman hugasin. "Kaya nga kaunti lang ako na mag-huhugas ang atupagin mo ay iligpit ang higaan ko at pakipalitan na rin." Tumango na lang ako kasya pag-matigas pa sa kan'ya. Tinalikuran ko na siya pumunta na ako sa kaniyang kuwarto tulad ng inutos na pinalitan ko ang bedset at ang pillow. Sumunod ang bintana dahil sa naiiba ang kulay na isipan ko palitan na lang kakulay ng kaniyang bed. Mahilig si Jake sa blue kaya blue lahat ang nilagay ko ganito sa kanila. Kailangan iisa ang kulay. Nang matapos ko na ayusin lahat napatingin ako sa kama niya ang laki kasi parang hindi iisang tao ang matutulog eh! "Nagustuhan mo ba?" Sa gulat ko nabitawan ko, hawak kong labahan na. Agad ko pinulot sa pagkataranta ko hindi ko lalagyan ng labahan niya. Hindi ko mabitawan ang hawak ko dahil nakamasid siya sa'kin. Kahit nahihirapan na ako medyo may pagka-bigat kasi ng kumot niya. Naglakad na ako sa may gilid ng may humila sa'kin sa gulat ko napatili ako. Kaba at takot na naramdaman ko pero bakit ganito naramdaman ko ng yakapin ako ni Jake parang may init sa katawan ko. Napaharap ako kay Jake, hindi ko alam gagawin ko. Ang tanging nagawa ko bitawan ang hawak ko at napatingala kay Jake ang seryoso niya ako tinitigan hanggang sa unti-unti ko nararamdaman ng sa pangalawang pagkakataon hinalikan niya ako. Pilit ako kumakawala pero hindi ko magawa sa lakas niya sa akin. Kahit anong gawin ko nagpupumiglas wala akong lakas nagpaubaya na lang ako sa kan'ya hanggang sa unti-unti kami nakarating sa kama niya. Nang mapahiga niya ako. Napangiti siya at muli niya, akong hinalikan. Sa bawat halik niya, gumaganti rin ako sa kan'ya, hanggang sa unti-unti na gumapang ang kamay niya at tuluyan na wala ang saplot ko hanggang sa may nangyari sa amin dalawa. Kinabukasan nagising ako nakayakap siya sa'kin. Nailamos ko mukha ko. Kung bakit umabot sa ganito kaming dalawa. Ngayon tama siya parang ginusto ko rin gawin niya sa'kin ito. Hindi na ito mauulit sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Jake. Unti-unti ko inalis ang kamay niya sa'kin. Paalis na ako nakadagan ulit kamay niya sa'kin. Pilit ko inaalis sa kamay niya. Sa pangalawang pagkakataon, nakadagan ulit kamay niya. Nanadya ba siya? Gising na ba siya? Napatingin ako sa relo ko 4 am pa lang hindi naman siya ganito nagigising. Sa tatlong beses kong inaalis ang kamay niya. Bigla na lang ako napadapa sa lakas ng pagka-tulak niya sa'kin sabay niya yakap sa buong katawan ko. "Maaga pa bebs." Ano raw bebs? Ako ba tinutukoy niya o si Joana. Hala! May girlfriend nga siya. Paano ito? Naguluhan ako bigla. "Kailangan ko na umalis." Bigla siya napabangon sa sinabi ko. "Sabi ko na eh! Matapos may mangyari sa atin. Aalis ka na dahil nakuha mo na gusto mo." Ano raw? Pinagsasabi niya. "Katawan lang habol mo sa'kin. Kunwari ka pa bait-baitan katulad ka rin ng mga babae na kasama ko," sigaw niya sa'kin. Gusto ko siya sapakin pero wala pa rin akong lakas ng loob. Sobra-sobra na panlalait niya sa'kin. Hindi ko na kaya kaunti na lang bibigay na ako sa kan'ya. "Aalis po ako dahil gusto ko matulog sa kuwarto ko. Iyon lang po walang iba." Mariin ko sabi sa kan'ya. Tingnan lang niya ako. "Matutulog eh natutulog ka na sa kama ko. Ang laki ng kama ko." "Sa gusto ko lumipat." Para kasing napipiga na utak ko sa kaka-explain sa kan'ya. Ngayon pang malapit na exam namin hindi pa ako nakapag-review. "Fine!" sabi niya sa'kin. Nagmadali na ako umalis baka magbago pa isip ng isang iyon. Pumasok na ako sa aking kuwarto. Napahilamos ako sa katangahan ginawa ko. Dahil sa maaga pa bumalik muna ako sa pagtulog hanggang sa nakatulog ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD