Chapter 12
Jake's Pov
"Anong ba problema mo?" sigaw ko kay Raygie. Tangina, kung hindi lang siya, umawat kanina. Mapapatay ko hayop na iyon.
"Nag-iisip ka ba?" sigaw rin niya sa akin.
"Anong ba kaguluhan ito." Sabay lapit ni Roy sa'min na ngayon nandito ako sa kanila. Ang naalala ko lang hinila ako ni Raygie at magpakalasing ako.
"Gago ka Roy, ang ingay mo. Natutulog pa ang tao," sigaw rin ni Rom.
"Tangina niyo gumising na nga kayo. Tangina hoy! 1 pm, na tulog pa kayo. Napatingin ako sa cellphone ko tangina 1pm na. Ibig sabihin hindi ako umuwi.
"Anong tingin iyan?" Tangina iisipin kong baklang ito si Roy. Pa iba-iba ang mood. Nagsibangon mga kasama ko. Lahat sila nakatingin sa'kin.
"Ano ang plano natin." Sabay lapit ni Reiver sa'kin. Kahit ako, hindi ako makapag-isip, may isang taong madadamay. Napatingin si Raygie si Raygie, seryoso sa'kin siya lang nakakalam sa nararamdaman ko kay Chie hangga't maaari kailangan ko itago ang nararamdaman ko sa kan'ya.
"Oras na gumawa ng plano tangina, ang tagal-tagal na rin natin hindi nagagamit kamao mukha gusto nila masaktan mukha nila." Sabay akbay ni John nakatawa pa ang loko.
"Game ako diyan." Habang sumisipa si Paul kunwari nagpapractice ang loko. Tangina nagsama pa ang dalawa. Wala talaga akong mapapala sa mga ito.
"Tama sila Jake, oras na para magplano tayo. Hindi puwedeng hindi tayo makialam. Nasa panganib tayo lalo't na alam natin ang taong kaaway natin isa pa harap-harapan si Janzen nasa mamahay mo."
"What si Janzen nasa pamamahay mo?" Seryoso akong tiningnan ni Roy.
"Kailan pa," sabi ni Rom.
"1 month na simula ng bagong taon nandito na siya," sabi ko sa kanila."
Tangina seryoso ka? Nagpasok ka ng taong kaaway mo," sigaw ni Paul sa'min.
"Nangyari na wala na tayo magagawa." Sabat ni Reiver habang busy ang loko sa paglamon ng ice cream isang ito kapag ice cream ang usapan hindi talaga siya mapipigilan lumamon.
"Gago ka, bakit mo kinain ang ice cream ko." Sabay lapit ni Roy kay Reiver ayon nawala ang dalawa.
"Wala tayong magagawa sa dalawa na iyan." Natawa ako sa sinabi ni Paul akala mo hindi sila ganyan ni Rom. Si John, nga lang, matino sa'min. Minsan wala iyan pakialam pero pag ganito gulo siya pa ang nangunguna.
"So! Anong plano mo?" sabi ni John, seryoso akong hinarap.
"Wag na kayong mag-alala kay Janzen hangga't sa pamamahay ko siya, hawak ko siya, at nababantay ko siya sa bawat galaw niya. Kung kinakailangan sunod ko siya sa kuwarto niya gagawin ko."
"Gago sa tingin mo hindi niya naisip iyon." Nanahimik ako sa sinabi ni Paul. Ang seryoso ng mukha niya.
"Ang laki ng problema natin 'to. Isa pa hindi natin kilala mga bagong kasapi nila. Sa tingin mo magpapatalo mga iyon. Mukha pinaghandaan nila tayo. Ito na ang pinakahihintay natin gawin ang hindi manahimik kailangan natin kausapin ang iba natin kasapi at iyon sumanb ulit sila sa'tin."
"Sige," sabi ko sa kanila. Tama si John kailangan na namin gumawa ng paraan. Isa pa inisip ko si Chie. May alam ba si Janzen?
"Jake kung gusto mo bantay si Janzen, kailangan mo icontrol iyan ugali mo. Tangina kulang na lang mapatay mo siya. May nasabi ba siya saiyo ginagalit mo?" Nanahimik ako sa sinabi ni Raygie. Tangina ipaglalaban ko si Chie, p*****n para sa gago iyon.
"Hindi ko na kailangan ang sagot sa tanong ko. Alam ko ang sagot." Sabay tawa ni Raygie.
"Anong sagot sa tanong mo?" Seryoso sabi ni Roy.
"Tulad ng sinabi mo gago ka sa takdang panahon." Lahat sila nakakunot noo sa sinabi ni Raygie. Sarap din sapakin isang ito. Gumagawa ng hakbang para usisain ang buhay ko. Kilala ko pa naman ito hindi ito titigil hanggang hindi nila nalalaman. Ipapahamak pa ako gago ito.
"Nang ano?" Sabat ni Rom. Sabay upo sa tabi ko."
"Wala, marites nga gago ka." Sabay-sabay sabi nila.
"Uuwi na ako."
"Gogo! Hindi pa nga tayo nagstart plano natin."
"Tapos na," sigaw nilang lahat kay Roy."
Start na kayo? Natawa, ako sa reaksyon ni Rom. Nakasalubong kasi ang dalawang kilay.
"Tangina nagsimula kayo wala kami." Nabatukan ko si Roy tangina nabibingi ako sa sigaw na tinapat pa talaga sa tainga ko palibhasa magkasing height lang kami sa height na 5"7."
Seryoso nga kami. Anong napag-usapan niyo."
"Wala pa, hindi pa kami nakapag-usap tungkol sa plano natin. Ang tanging sabi lang namin mag-ingat tayo dahil nasa lunga na natin ang kalaban natin at anong oras isa sa atin sumusubaybay kaya kung maari 'wag kayong umalis ng mag-isa lalo't na sa gimikan." Isa-isa ko sila tiningnan. Iyong mukha nila nakakunot noo.
"Tangina Jake, hindi ako pinanganak na duwag. Hindi ko sila aatrasan." Umiiral na naman kayabang isang 'to. Binatukan ko ulit si Roy.
"Gagi ka, kanina ka pa." Na pahiling na lang kay Roy. Minsan kasi isip bata isang ito.
"Uuwi na ako."
"Na mag-isa lang. Para sabihin ko sa'yo, kanina lang sabi mo hindi kami puwede umalis hangga't wala kaming kasama. Nangyari sa'yo! Ngayon mag-isa ka." Nanahimik ako sa sinabi ni Roy.
"Siya ang lider natin sa tingin mo hahayaan niya mapahamak ang sarili niya."
May tama ka Reiver, nakikinig ka rin pala gago ka," sabi ni Paul sa kan'ya. Tangina, kanina pa siya pindot ng pindot sa CP niya. Sana'y naman kami hobby na niya ang mag-UG. Minsan, sisigaw na lang, iyan na siya lang naman, nakakaalam. Minsan naman hindi mo makausap tangina iyon pala ay tatlong beses talo ang loko. Ikaw ba naman hindi mainis sa mga kasama mo tapos talo ka.
"Maya na kayo mag-drama diyan. Unahin mo na natin itong lechon." Kahit kailan Roy usapan pagkain nangunguna siya. Wala akong nagawa ng hilahin niya ako. Sama-sama kaming kumain. Nangyari sa kanila ang tahimik nila. Hindi ko na lang sila pinansin ipinagpatuloy ko na lang kinain ko. Kanina pa ako gutom. Ito gusto ko kay Roy galanti sa amin magkakaibigan. Nang matapos na kaming kumain. Tangina kan'ya-kan'ya nagsialisan ang mga loko. Napahiling na lang ako sabagay may mabait na yaya si Roy. Napaupo ako nakatingin sa kanila ang saya nilang titingnan habang si Reiver ayon mukhang naglalaro na naman ang loko sa sulok.
"Mukhang nag-eenjoy nakatingin sa kanila." Napatingin na lang ako kay Raygie, seryoso nakatingin sa akin.
"Anong balak mo kay Chie?" Ito na nga kinakatakutan ko.
"Hindi ko alam," mahina sabi ko sa kan'ya.
"Tangina ang lakas ng pakiramdam ko si Chie ang target nila. Sinuri ko lahat ng sinabi mo sa'kin. Kung si Chie ang target sa malamang hindi siya titigilan at susundan siya kung saan siya magpunta. Hindi mo naman si Chie kayang bantayan? Alam mo parte ito ng plano mo. Hanggang saan kaya mo tiisin si Chie? Isa pa si Joana bakit bigla siya nagpaparamdam sa'yo? Hindi kaya may alam siya. Isa lang puwede mo gawin ang lumapit sa lunga at iyon ay si Joana. Bakit hindi ka magkunwari. Ito na ang oras gumanti sa kan'ya. Hindi ko sinabi gawin mo. Ang sa akin lang kung kinakailangan makipaglaro tayo sa amoy gagawin natin. Isa, pa ito lang paraan para sa kaligtasan ni Chie."
"Kung kinakailangan gawin ko, pero hindi ibig sabihin hindi ko susundan easy lang sa'kin lahat ng ito."
"Na ano! Magpanggap na wala kang pake kay Chie, tapos ano! Utusan siya para sundin ang utos niya sa'yo. Paano naman buhay na meron siya. Tangina Jake, ang dami mo nang kasalanan sa kan'ya. Una sa mga malalapit niyang kaibigan lahat iyon inalis mo sa kan'ya ngayon nagpanggap ka na walang alam kung bakit kasama mo si Chie sa bagay mo at gumawa ka pa talaga eksena sa parent niya."
"Tangina naman hinaan mo ang boses mo. Paulit-ulit na lang tayo. Di ba sinabi ko sa'yo gagawin ko lahat mapalapit lang siya sa'kin." Tinawanan lang ako ni Raygie.
"Sa pamamagitan ng mag-uutos sa kan'ya."
"Kung iyan ang paraan. Bakit hindi!"
"Well, good luck sa'yo. Sana nga hindi maamoy ang kalaban mo ang niluluto mo dahil sa oras na naamoy niya iyan. Ang putahe mo nasa panganib. Ang masasabi ko sa'iyo takpan mo at double check ng hindi maamoy ang kalaban."
"Tangina ang dami mo sinasabi. Matalinghaga ka ba?"
"Bakit hindi mo ba na get sinabi ko."
"Gago, hindi ako katulad mo bobo ka." Sabay tawa niya. Sabay talikod ko sa kan'ya habang ang loko tawang-tawa. Sa inis ko hindi na ako nagpaalam sa kanila. Umalis na ako. Pag-uwi ko nakasalubong ko si Chie nakabihis siya.
"Saan ka pupunta?" Nakaangat siya sa'kin.
"Mamalengke kami ni Chie." Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang sila umalis tutal naman kasama niya si Manang panatag na rin ako. Ang tanging gusto ko lang ay maligo at magpahinga. pumanhik na ako sa loob. Nag-hahanap na ako na isusuot ko nararamdaman ko na ang sarili ko ang baho-baho ko na, isang araw lang ako hindi naligo. Nagpakababad ako sa tubig at inaalala ang lahat ng napag-usapan namin mga kaibigan ko. Tangina kailan ba matitigil ang gulong ito. Sa tatlong taon, pananahimik ko ngayon, babalik sila na parang balewala lang. Nang makaramdam na akong lamig umahon na ako at nagbihis. Nagpatayo ako sa terrace habang nakatingala sa kalangitan hanggang sa inaantok na ako.